126. Once Upon A Kamote Time

25 0 0
                                    

Kamote Nexus movie




Erick sound effects: tenene te tiwtiw tenene te tiwtiw


Pagkatapos nang makarealize si Prinsepe Jazz na nasa nakaraang panahon na siya ay saka namang may bumangga sa kanya mula sa likuran...

"Aray kamote!" Ang sabi ng nabiglang prinsepe.

"Sorry Pre." Nilingon naman siya ng nakabangga sa kanya, "Lagot! Malelate na ako nito... Kailangan ko ng magmadali!" Pagkuwa'y tumakbo na ito na parang si Flash.

Saka namang napagtanto ni Prinsepe Jazz kung sino ang nakabangga sa kanya...

Ang lalaking iyon, bakit siya nakauniporme ng pang-hayskol? Bata pa ang mukha niya ngunit namumukhaan ko siya. Kilala ko yun ha... Kung hindi ako nagkakamali, siya ang aming Butler sa palasyo... si Seon!  "Tama, kailangang masundan ko siya para malaman ko kung ano ang mga ginagawa ng iba pa!" At yun nga ang ginawa ni Prinsepe Jazz. Sinundan niya ang noo'y estudyante pa na si Seon sa paaralan nito, ang Blaast School Academy.



Sa Blaast School na ito nag-aaral ang mga estudyanteng may pambihirang talino at likas na kakayahan sa specific subjects. Mga estudyanteng may magandang kinabukasan kumbaga pero ito ay isang paaralang pampubliko. Saan ka pa makakahanap ng ganito na may kumpletong facilities tulad ng sa sikat na exclusive private school? Imaginin n'yo nalang, ayoko ng magbigay ng halimbawa.

Maraming mga nakasabayang estudyante na papasok sa gate. Kabilang na rito ang nagmamadaling si Seon. Nang sinubukan namang sumunod ni Prinsepe Jazz, bigla siyang hinarangan ng isang guwardya at hindi siya pinapapasok. Bakit? Dahil isa siyang estranghero. Oo nga pala, kapansin-pansin yung damit ni Prinsepe Jazz sa panahong ito. Yung suot niya ay futuristic na royalty wardrobe ang dating kaya naman tinitingnan siya ng mga tao na animo'y nililibak siya.

"Saang party ka ba galing hijo at nakagayak ka ng ganyan? Umuwi ka nalang sa inyo at magbalat ng kamote nang matuwa pa ang nanay mo." Kumento ng isang guwardya.

"Err, makikita mo, gwardiyang panot, makakapasok din ako riyan!" May pagbabanta effect pa si Prinsepe Jazz bago siya umalis sa paaralang iyon na may gesture pang 'f sign'.


Samantala, nang pumasok naman si Seon ay dagsa na ang hiyawan ng mga kababaihan sa pasilyo. Binaha na ng mga sulat ang kanyang locker. Mga kung anu-anong love letters galing sa kanyang mga tagahangang estudyante ang mga iyon. Palibhasa kasi, siya lang naman ang numero uno at apat na taon nang campus hearthrob ng Blaast School. Sa madaling salita, karaniwan lang ito sa kanya at ang dating gawi, sa basurahan ang bagsak nun. Hindi kasi siya nag-eentertain sa mga babae maliban nalang kung nakitaan niya iyon ng interes. Lagay muna ng mga books sa locker bago naglakad. Nakasalubong niya yung mga fans club niya at binati siya. Kaway lang ang kanyang tugon tapos lakad ulit. Tingin sa kaliwa, may mga naghihiyawan. Tingin sa kanan, yung chick na chubby na kita pusod nagflying kiss! Napangiwi si Seon... Diretso ang lakad hanggang sa marating niya ang silid-aralan. Nasa 4th year section Kamote pala si Seon..

"Bunch of monkeys uli?t" Hula ni Ydann nang makaupo na si Seon sa tabi niya, mugto.

"Yah, wala pa ring pagbabago." Matamlay ang pagkakasagot ni Seon.

"Yan kasi, sinasabi ko sayo tigil-tigilan na ang paggamit ng kojie san para di ka na pagkaguluhan ng mga chikabebe." Paalala naman ni Ydann.

"Kasalanan ko bang maging habulin ng mga chicks Parekoi? Hay...." Mugto well si Seon. Magkaklase pala silang tatlo nina Ydann at Hero. Sila ang mga Seniors sa Blaast School na kapwa mga sikat. Sikat si Ydann sa arts and crafts habang si Hero ay isa namang amateur astronomer. ( pero yung mga kagrupo lang niya ang narerecognize ng school ) Speaking of Hero, nasaan na pala siya?

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon