Pansamantala munang ititigil ang palabas para sa kabanatang ito.
Nagrequest kasi ang mahal na reyna na lagyan ko naman ng love story ang kamote nexus. Well fortunately mayroon akong apat na loveteam sa kabanata na ito. Heto na, basa...
Nagising kinaumagahan si prinsepe Bubblegum. Pero teka, ano to? Katabi niyang natutulog si Nanah?
Ngayon lang din siya nakaranas matulog nang may katabing babae kahit pa tinagurian pa siyang 'playboy Kaito'.
Sa surpresa, napasigaw si prinsepe Bubblegum. Nagising naman si Nanah at binati ng 'magandang umaga' ang kanyang Kaito.
*Umpisa sa araw na ito, kahit saan ka magpunta ay bubuntutan kita.* Parang maysapi sa utak si Nanah nang mga sandaling iyon.
Hindi pa siya nakuntento at binigyan pa niya ng halik sa pisngi ang prinsepe. Nagpahalik naman ang mokong.
"Teka nga muna, bakit bigla kang naglalambing sa akin? Hindi ka naman ganyan dati ah." Takang tanong ni prinsepe Bubblegum.
"Eh kasi namiss kita. Tsaka nag-alala naman ako sayo nung nasa ospital ka. Bigyan mo naman ako ng oras na makasama ka." Parang bata si Nanah na sinusuyo ang prinsepe.
"A i e u oh oh o sige," Napakamot nalang sa ulo sa pagsang-ayon si prinsepe Bubblegum.
Kamote romance #1 -Kaito x Nanah
Speaking of hospital, ngayon na pala ang araw ng paglabas ng ospital si Haru. Nandun ang tatlo niyang mga kasama na sina Ranth, Transam at Iyrah para samahan siya. Magaling na ang sugat ni Haru at dahil dito...
"Dahil hindi pa tayo makakauwi sa atin, ano kaya kung mamamasyal na muna tyong apat sa kaharian? Ano sa tingin nyo?" Nakaisip ng ideya si Transam para makapaglibang sila.
Sumang-ayon naman ang tatlo. Nilahad muna nilang apat ang isa nilang kamay saka sabay nila itong iniangat na may sabing, "Let's Go!!!"
Silang apat ay magkakaibigan na mula pagkabata. sina Ranth at Transam ay kapwa mga Mavs o Kamote artist... si Haru ay pankaraniwan lang na tao. naglalakbay sa lungsod at tumatanggap ng misyon na may bayad para lang mabuhay. Si Iyrah naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kanyang kurso na maging nurse. Anak din siya ng Kamotekage rito sa Kamote City.
Sa kanilang apat, Bhie ang tawagan nina Ranth at Transam dahil sa mga tukso ng kanilang mga kaklase nung nag-aaral pa sila. Wala naman talagang namumuong damdamin sa kanilang dalawa.
Sa sitwasyon naman nina Haru at Iyrah, sila yung halimbawa ng mag M.U kasi wala naman talagang ligawang naganap subalit mahalaga para sa kanila ang isa't-isa. Nahihiya rin kasing magtapat ni Haru dahil sa agwat ng kanilang pamumuhay.
Isang malaking hakbang sa kanya ang pagpunta niya sa Kamote Island upang makasigurong mas mapalapit sa kanya si Iyrah. At sa tagumpay din niyang makuha ang wonder kamote, pinangakuan na siya ng Kamotekage na pakasalan si Iyrah. Pero ewan kung ito na ba ang kanilang ending.
May bumabagabag pa kasi sa puso ni Iyrah at ito ang dapat na alamin sa mga susunod na eksena.
Kamote romance #2 -Haru x Iyrah
Sa palasyo naman ay may appointment si Death sa sekretarya ng palasyo. Ang kanyang plano, gagamitin niya ang isa sa Kamote barrel scam na isinara na. Bubuksan niya ang "Kamote para sa mahihirap project," Si Death ang mamamahala pero kailangan ng approval mula sa palasyo.
Gimik lang niya ito para mapalapit siya sa sekretarya.
Masakit pa ang ulo ni Shin nang pumasok siya sa kanyang opisina dahil sa kalasingan niya kagabi. Nang makita niya ang lalaki sa kanyang opisina...