56. Kamote Change Position

113 1 0
                                        

Sa palasyo, nagising na lamang si Lor na nakabihis ng pangmaid...


"Anong nangyari? Bakit ako nakasuot ng ganito?" Walang ideyang tanong ni Lor. Siya ay nasa maids quarter ngayon. May kumatok sa pinto. Hindi nakasagot agad ang reyna kaya binuksan na lamang ito ng nasa labas. Isa ring maid ang nagpakita...

"Hoy! Inday, tapos na ang breaktime mo, baka magtatamad ka na naman ha, kumilos ka na riyan at nang makapagluto na. Hahainan mo pa ang mahal na Reyna." Sabi pa nito.

"Ano? Mahal na reyna? Ano bang pinagsasabi mo riyan? Eh ako kaya ang mahal na Reyna!" Nawala ang graceful ng reyna. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Na ano, ikaw ay isang reyna? Oo na reyna ka na, reyna ng mga muchacha. Kaya sige na, kumilos ka na para hindi ka maabutan ng mayordoma natin, pagalitan pa tayo." Pagkatapos nun ay umalis na ang isang katulong. Lumilipad pa rin ang isipan ni Lor nang maisipan niyang lumabas nalang at magtungo sa napakalaking kusina. Busy din ang mga nagtatrabaho roon. Walang pumapansin sa kanya. Ano kaya ang una niyang gagawin?

"Wait lang, focus ka muna Lor, alalahanin mo ang mga nangyayari bago ka naging ganito." Sabi ni Lor sa sarili, *Ang natatandaan ko, isa talaga akong reyna ng palasyo. Oo, natatandaan ko pa ang mga nangyayari. Ngunit, anong dahilan at bakit ako nagkakaganito? Sa aking pagkakaalam, huli kong nakakausap nun si Angelica. Tama, kailangang makita ko siya.*

"Hoy Inday! Ano pa bang tinutunganga mo riyan, kumikos ka na!!" Sita sa kanya ng punong tagaluto.

"Opo." Napasagot nalang din niya. Ang isang reyna ay nagluluto ng pagkain para raw sa reyna? Pero hindi ang kanyang sarili ang ipaghahanda niya nito kundi yung ibang reyna! Marami pang mga nangyari sa kusina na mga kapalpakan since hindi naman talaga marunong sa pagluluto ang mahal na reyna. Buti nalang hindi pa siya tinanggal sa trabaho, marami pa siyang inabalang nagtatrabaho kanina para tulungan siya.

Pagsapit ng tanghalian, kasama si Lor sa sampung maid na nagdala ng pagkain sa mesa ng palasyo. Naroon ang isang huwad na reyna kasama si Roy.

*Si Angelica? Ngunit paano at bakit? Anong ginawa niya sa akin?* Halu-halong katanungan ang namayani sa utak ngayon ni Lor.

Isa-isang nilapag sa mesa ang mga nakahandang pagkain. Pinatawag na rin ang iba pang kataasan sa palasyo para sa isang salu-salo.

May dalang menudo si Lor. Lumapit siya kay Reyna Angelica. Nilagay niya rin ang menudo sa mesa na may kasamang pagtitig dito kay Reyna Angelica. Nagkatitigan sila, bagay na napapansin ni Roy.

"May problema ba, Inday?" Tanong ni Roy.

"Wala naman po." Ang sagot naman ni Lor. *Inday pala ang tawag nyo sa akin ha, ayoko muna kayong kausapin dito. Ayokong mag-iskandalo sa inyo. Aalamin ko muna ang mga binabalak ninyo sa akin.*

"Ang sarap naman ng mga nakahain." Isa-isang tinikman ni Reyna Angelica ang mga pagkain. Nang tikman niya ang menudo, umarte siya ng parang nauubo. Naalarma naman ang mga senador ng palasyo na kasama niya sa pagkain.

"Napano ka ba, mahal na reyna?" Alalang tanong ni Roy, bagay na kinalaki ng butas ng ilong ni Lor.

"Ang sama kasi ng lasa nitong menudo. Sino ba kasi nagluto nito?" May ubo pa ring sabi ni Angelica na ngayo'y isa ng reyna.

""Si Inday po, mahal na reyna."" Ang sabi naman ng lahat ng maid maliban kay Lor. Lahat ng mata ay nakapukol sa kanya maging si Reyna Angelica rin.

"Inday, lumapit ka nga rito." Malumanay na sabi ni Reyna Angelica. Parang asong sumunod naman dito si Lor. "Lapit ka pa ng kunti." Dagdag pa niya. Lumapit naman si Lor. Ang lahat ng nandun ay nakaabang sa susunod na gagawin ng nasabing reyna.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon