Ang boses sa likod ng computer na naririnig ng mga bida ay si Simsimi. Siya yung nilikha ng kamote diary ni haring Hero para maging spokesperson niya. Kahit isa lamang siyang computer, meron naman siyang communication skills na tinatagalay. Subukan mong makipag-usap sa kanya at magugulat ka lang sa isasagot niya.
"Simsimi, dalhin mo sila sa lugar na pabor sa ating mga kasapi." Ang utos ni haring Hero rito.
"Roger that, His majesty." Ang sagot naman ni Simsimi. Oras na raw para sa next level...
"Initiating orchestra sequence!"
Sa isang lugar na may napakaraming mga musical instruments dinala ang unang babae sa grupo ni Inday Lor, si Mary Joy.
"Eh?" Maikling sabi ni Mary Joy nang makalabas na siya sa pinto.
"Initiating Winterland sequence." Sabi ni Simsimi sa kabilang lugar. Dito naman pumasok ang sumunod na nakapasok sa next level.
"Whoa! Ang lamig!" Ang sabi pa ni Renz sabay higpit sa kanyang suot na damit pambahay.
"Initiating chocolate hills sequence." Sa kabilang lugar din, ipinadala ni Simsimi si Inday Lor sa mga burol ng tsokolate.
"First time ko rito ah! Sayang hindi ko dala ang Alcatel ko. Tsk!" Nagawa pa ni Inday Lor magpakaturista comment.
"Initiating cemetery sequence." Ang sabi pa ni Simsimi nang dalhin niya si Harold dito.
Bumukas ang pinto ngunit hindi tumuloy si Har. Sinara ulit niya ang pinto... "Ano yung nakikita ko? Dun na ba ako ililibing nang buhay o mga zombies na naman ang makakalaban ko? Pero alinman sa dalawa, natatakot akong magpatuloy! Huwaaaa..." Duwag pala sa sementeryo itong si Har eh. Yung panghuli naman...
"Initiating El Niño sequence." Ang sabi ni Simsimi. Si Erick naman ang ipinadala niya rito.
"Nge! Ang init naman dito. Wala bang aircon?" Halata sa kanyang mukha na naiinitan na nga siya.
Heto na ang next level. Sino kaya ang kanilang makakaharap sa mga lugar na hindi sila pamilyar?
Samantala naman sa kamote hospital, naipagamot na roon si Paulene at kasalukuyan naman siyang binabantayan ni Ydann. Hindi naman malubha ang natamong sugat ni Paulene sa kanyang ulo. Nakatulog lang siya pero maya-maya lang ay magigising na yan...
"Ha...ha...ha..." Malaagaw-buhay na ungol ni Paulene. Awtomatiko namang napatayo si Ydann sa sobrang gulat. Hindi siya nagulat sa biglaang paggising ni Paulene, dun siya nagulat sa nilalaro niyang flappy bird. Dumikit lang daw, fall down agad!
"Danny!" Panic mode ang pagtawag ni Paulene dito. Meron na siyang bendahe sa ulo, yun lang at wala ng iba. Hi-tech din kasi ang kamote hospital minsan, di na kailangang salinan ng dugo ang pasyente dahil sa kanilang gamot na nagmumultiply ng blood cells! Balik sa eksena...
"Oh, bakit Pau, ano na ang nararamdaman mo?" Alalang tanong ni Ydann. Kailangan pa bang itanong yon?
"Heto, nagsasawa na sa pagiging maganda, gusto mo sayo nalang to? ( sabay turo sa face )" Nakuha pang magjoke ni Paulene sa lagay niyang yun ha.
"Ahaha, nakakatawa." Kumento ni Ydann kahit di naman tumawa. Bumalik siya sa pagkakaupo at kanyang isinintabi muna ang paglalaro sa kinaadikang flappy bird.
"Dan, meron na naman akong nakikita sa aking panaginip! Isang masamang pangitain." Sumbong ni Paulene. Sumeryoso na ang mukha ni Ydann sa narinig.
"Anong nakikita mo?" Tanong niya.
"Ang palasyo, malalagay sa panganib! Nakita ko si Brian, madilim ang mga nakikita ko pero alam kong siya yun! Nasa gitna siya ng delubyo ng palasyo!" Hala, totoo Pau?
