141. Cry For Kamote

8 0 0
                                    

Kamote Nexus movie

Erick/K3U sound and music effects: akkyj hq hwhj nsbbrqo jabbg h

Kamote Club arc 3 ( final )

Isang umaga, nagising si Hero bago pa tumunog ang alarm clock niya. Oras na para sa panibagong hamon ng kanyang buhay. Nakaligo at nakakain na siya. Handa na siyang pumasok ngunit tila hindi ata siya nakasuot ng school uniform ngayon ah. Bakit kaya? Itanong mo nga kay Hero, Gel...

"My Hero, aalis ka na? Saan ang lakad mo?" Habol ni Angelica ng tingin nang mapansing nagmamadali ng umalis si Hero.

"May school project kami ngayong araw my Angel at kailangan kong magmadali baka malelate na ako." Ang sagot naman ni Hero habang kagat-kagat pa ang loaf bread sa bibig. Gustuhin man sanang sumama ni Angelica ngunit may pakiramdam siyang hindi gugustuhin ni Hero na makita siya ng mga kamag-aral nito kaya mas nakabubuting manatili nalang siya sa bahay nila.

"O sige, ingat ka." Ang huling pahabol ni Angelica bago pa tuluyang makaalis ni Hero.

Napagkasunduan ng Kamote Club na magsasanay sila sa araw na ito kung paano mapapalakas lalo ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng kamote crests nila. Makakasama nila sa pag-eensayo sina Tedeltha at Mogamma. Ang grupo ay nagkasundo na magkita sa lugar ng kanilang pag-eensayuhan, ang Kamote Farm. Ito ay kabukirang walang masyadong tao kung kaya tamang-tama ito para sa kanilang pag-ensayo.

Unang nakarating si Prinsepe Jazz sa tagpuan dahil sa kanyang teleportation habang yung iba naman ay nagkucommute pa makapunta lang sa Kamote Farm. Nang makarating na ang lahat, sandali na muna silang nagpapahinga dahil sa pagod sa biyahe. Ilang oras din ang tagal bago nila narating ang Kamote Farm habang nililibang naman ni Prinsepe Jazz ang sarili para di mabagot sa kahihintay sa kanila.

"Ang Kamote Farm ang napiling lugar na pag-ensayuhan ng Kamote Club. Ang ganda ng napili mo Jazz, napakadalisay sa pakiramdam ang ganitong mga tanawin." Manghang sinabi ni Ydann.

"Pagdating ng panahon, ang farm na ito ay magiging property ng Kamote Kingdom. Pero sa ngayon, makikihiram na muna tayo kahit wala ng abiso pa ng may-ari. Basta tandaan nyo ha WALANG PWEDENG MASIRA rito sa farm." Paalam ni Prinsepe Jazz sa kanyang mga kasama.

"Hi guys, magsisimula na ba kayo sa pag-eensayo?" Napalingon naman ang lahat sa bagong dating.

"Apo Nanah?" Gulat na sinabi ni Brian. Hindi lamang si Nanah ang naroon dahil kasama pa nito ang ibang miyembro ng Kamote Club.

"Hal-abeoje, papanoorin po namin ang inyong pag-eensayo." Sabi ni Nanah.

"Patay, baka kwestyunin tayo ng principal nito, lahat ng miyembro ng Kamote Club ay absent sa araw na ito." Nasapo ni Hero ang noo.

"Huwag mo ng alalahanin pa yan Hero, pagtuonan muna natin ng pansin ang ating pag-ensayo." Ang sabi ni Prinsepe Jazz. "Mga pasaway talaga kayong mga kamote."

"Di ba ikaw na rin ang nagsabi na suporta nalang ang pwede naming gawin? Heto o, full support ang Kamote Club sa training na gagawin n'yo. Di ba mga kasama?" Sabi ni Arlyn...

ALL: Yup!

..."At bukod pa dun, gusto rin naming makita ang transformation ninyo sa fighting mode." Dagdag pa ni Arlyn.

"Hayy... O siya sige, walang problema kung manunood lang kayo. O ano guys, nakahanda na ba kayo?" Sabi ni Prinsepe Jazz sa mga kasama.

"Handa na ako." Sabi ni Hero na nag-iinat na ng mga braso.

"Yan na nga ang hinihintay ko." Tugon naman ni Seon.

"Excited na rin ako." Si Shin.

"Ako naman kinakabahan, hindi pa ako nakapagtranaform eh. Buti pa kayo." Maktol naman ni Brian.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon