52. The Seven Kamote Sins Prologue

106 1 0
                                    

Magbigay muna tayo ng daan para sa paboritong linya ni Krish sa kanyang mahiwagang susi...


KRISH: Oh susi na nagbubukas sa kapangyarihan ng kamote. Narito ang magandang dilag na tumutupad sa napagkasunduan, Krish ang pangalan... Ibigay ang kapangyarihan!!!

Ang kanyang susi ay nagpalit ng anyo at naging isang magic wand. Narito pala sa loob ang kanyang gabay diwa na si Lulu na pumapayag din na gamitin ang kapangyarihan ni Krish.

"Lagusan papunta sa Rizal, bumukas ka! Portal creation!!!" With feelings na pagkakasigaw ni Krish.

Sa kanyang paggawa ng lagusan, nakaramdam ng pagkakaba ang lahat. Wari nila, may malagim na naghihintay sa kanila sa oras na papasok na sila sa lagusan. Pero wala na itong atrasan, kailangang mapasok na nila ito kahit ano pa ang mangyari.



Isa

Dalawa

Tatlo



Sabay nilang lima na pinasok ang lagusan. Goodluck guys.




Sa loob ulit ng palasyo, kinontak ni Angelica si Gwapong Marine sa Isda Kingdom para ibalitang kontrolado niya na ang reyna ng Kamote Kingdom. Kasalukuyang naglalaro ng video games si Gwapong Marine nang tumawag si Angelica. Lumapit yung maid para ilapit sa tainga ni Gwapong Marine ang cellphone. At pagkatapos...

"Aba! Magaling Gel, maganda yang binalita mo sa akin. Napabilib mo ako. Hindi ka katulad ng dalawang unggoy na mga pabaya!" May laman ba ang sinasabi niya?

"Katulong ko po si Astrox Zhero, Bosing. Ginamit kasi niya ang kanyang Geass. Alam din naman kasi ni Astrox na di niya ako pwedeng traydorin. Hindi uubra sa akin ang kanyang Geass. Malalaman ko rin naman kung gagawa siya ng hakbang para traydorin ako... Kaya pareho ko silang magagamit." Paliwanag ni Angelica.

"Si Astrox ba 'ka mo? He! Buhay pa pala siya." Walang ganang sinabi ni Gwapong Marine.

"Bossing Sirchief, si Astrox po ito." Sabi ni Roy, "Pinapangako ko po sa inyo na hindi na ako papalpak sa mga misyon, pagkatiwalaan nyo lang ako ulit."

"Saka na tayo mag-usap para riyan." Suplado talaga itong kontrabida na to, "Angelica."

"Po? Ano po yun Bosing?" Kumikislap ang mga mata ni Angelica.

"Binabasbasan kita sa iyong misyon. May unlimited ka ng karapatan sa kahit na anong gugustuhin mo riyan sa kaharian na 'yan. Nasa iyo ang suporta ko." Mabait si Gwapong Marine sa mga nagtatagumpay sa misyon.

"Maraming salamat po Bosing Sirchief!" Gusto na talagang tumalon si Angelica pero pinilit niyang magtimpi.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang binabalak ng magandang anghel?" May paglalambing na tanong ni Gwapong Marine.

"Opo Bosing!!" Sagot agad ni Angelica. At yun na nga, pinaalam niya rin ang kanyang pinaplano. Walang kamalay-malay ang nasa palasyo na may tumutuhog na pala sa kanilang pinuno.

*Mawawala na ang reyna at mapapasaakin pa ang hari. Hihintayin ko nalang ang kanyang pagbabalik!* Ito ang madilim na nasa isip ni Angelica.




Pagdating ng limang tauhan sa Rizal, nakarating sila sa lugar na kahit may kunting liwanag ay madilim pa rin ang paligid. Sila ay nasa Kamote Subdivision.


Erick sound effects --- tentenenentenen



Sabog confetti... may fireworks pa!


"Teka, anong nangyayari rito?" Nagtataka si Ydann.

"Ang ingay. May mga drum at trumpita. May fireworks din at confetti. Hindi kaya..." Sabi ni Krish.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon