26. Kamote Resonance

175 2 5
                                    

Pagkatapos ng Kamote of the Philippines, pinatawag ang lahat ng mga manlalahok mula sa semi finals para sa isang kaunting salu-salo.

Ibang istorya na rin yun kasi nagparty-party lang naman sila.

Dito nyo makikita kung papaano maggimik ang mga Kamote Nexus members, sayaw dito, inom doon, kwento rito, kanta roon. Wala namang awayang naganap sa mga lasing, subukan lang nila at tatanggalan ko sila ng ribs.

Ilan lang sa namataan doon na nalasing na gumawa ng kabalbalan sa salu-salo...

Si Prinsepe Bubblegum, girl to the left, girl to the right, nasa harap at nasa likod.

Si Death ay nagpapatay-patayan. ( gusto makaiwas sa alkohol )

Si Dhen ay eat all you can lang ang inatupag.

Si Erick ay lumabas ang pagkamahangin.

Si Ranth naghahanap ng makwentuhan at kanyang iyakan.

Si Haru nag-iba iba ng pangalan kahit sino nakikipagkilala, ibang pangalan binibigay.

Si Vincent naliligo na ng laway dahil knockout na.

At si Transam, nagiging manyak!

At ang pinakawagas malasing sa lahat ay ang host. Siyempre hindi papatalo sa kantahan si Jana Carlie. Gusto na yatang pakasalan nito ang magic sing microphone dahil ayaw niyang bitawan. Damot.



Samantala, doon naman sa malayong bayan na kung tawagin ay Kamotetihan, may isang babaeng nanaginip tungkol sa golden kamote. Sino siya? si Aikie.

Sa kanyang panaginip, masaya siyang nagtatanim ng kamote sa kanilang taniman nang biglang nagdilim ang kapaligiran. Umihip ang napakalakas na hangin. Sa paligid niya ay may mga taong nagsipagtakbuhan.

Hinahabol sila ng mga isda. Naguluhan si Aikie sa kanyang mga nakikita. Maging siya ay tumakbo na rin. Dinala siya ng kanyang mga paa sa balong malalim at dito ay may naririnig siyang boses na tumatawag sa kanya.

"Halika kunin mo ako! Iligtas mo ako sa kamay ng masasamang tao." Ang sabi nito.

"Teka, sinong nandyan?" Nag-echo ang boses ni Aikie sa balon.

"Ako ang golden kamote." Sagot nito, "Ako lamang ang makakapagligtas sa kahirapan ngayon na kinakaharap ng Pilipinas. Ikaw ang napili kong kumupkop sa akin dahil nakita ko kung gaano mo pinahahalagahan ang pag-alaga mo ng kamote, para mo na silang mga anak."

"Golden kamote? Tagapagligtas sa kahirapan? Pero isa lang akong simpleng babae, bakit ako? Marami namang iba d'yan." Nagdadalawang isip si Aikie.

Bakit kaya ang mga tao kapag may ibibigay na misyon, ganun ang pagkakasabi; "Bakit ako? Marami namang iba d'yan?" Sino ba kasi nagpauso ng salitang iyan nang maputolan ko ng dila.?.

"Sige na Aikie, nasa panganib kasi ako." Sabi ng golden kamote. "Pag-aagawan kasi ako ng mga taong naghahangad ng kapangyarihan. Ikaw lamang ang alam kong makakatulong sa akin, Aikie."

       

"S- sige." Nasabi nalang ni Aikie, "Saan ba kita makikita?"

"Andito ako sa inner core ng Earth."

Aikie:  o_O  o_O  o_O Inner core? Hibang ka ba para lokohin ako ng ganyan?

"Hindi ako nagbibiro. Ibibigay ko sa'yo ang mapa ni Dora the Kamote Explorer para sa tamang daan. Nakikiusap akong huwag mo kong ibibigay sa kahit na sino. Tandaan mo Aikie, KAHIT SINO." Ang sabi ng golden kamote.

"Ok." Maikling sagot ni Aikie.

Kinaumagahan, nagising si Aikie sa tilaok ng inahing manok. Weird ha. Bumangon siya at nagdasal. Nagsuklay ng buhok at nanalamin. Pagkatapos ay inayos niya na ang folding bed. Nilagay sa lagayan. May napansin siyang nahulog sa sahig. Isang papel na nakalukot.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon