39. Kamote Versus Zombies

125 2 0
                                    

Sa pamamagitan ng mga mata ni Raquel na pinahiram kay Angelica, nagagawa niyang iwasan ang mga nagdaraang mga bangkay na estudyante. Isang hakbang na lamang at mapapasok na niya ang opisina na kinalalagyan ni Shin.

Nakarating din siya, hinihingal man pero daliang binuksan ang pinto.

"Yang?" Sabi agad niya nang buksan niya ang pinto.

Tahimik sa loob. Inikot niya ang paningin sa paligid.

"Tila wala yata siya rito." Sabi ni Gabriel.

"Pero tama naman ako ah, hindi nga ako rito nag-aaral pero alam kong dito ang opisina dati ni Yang-Yang. Minsan ko na kasi siyang binisita rito." Paliwanag ni Angelica.

"Rrrrrrrr..."

May narinig silang mga ungol sa kanilang likuran. Paglingon nila ay napaliligiran na pala sila ng mga kalaban. 

"Ewwww nakakatakot ang kanilang mga mukha!" Mas nangibabaw ang pandidiri ni Angelica kaysa sa takot.

"Ang ganda ng pagkakagawa ng prostetic make up." Marunong din palang magcomedy si Gabriel... mukhang may future!



Sa kabila naman, kumaripas ng takbo si Roy palayo sa mga zombie students. Hindi pala tumalab sa kanila ang kanyang Geass. Kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa, bahala na. Nakakita siya ng tubo. Kinuha niya ito para pangdepensa niya.

"Mama! Papa! Tulong!" Paulit-ulit niya itong isinisigaw habang tumatakbo. Halos lahat ng daanan ay may nakaantabay na estudyante.

Kahit zombies, may iba rito na tumatakbo rin! Nagpapanik na si Roy.

"Malas! Malas! Malas!" Pinagpawisan na rin siya kakatakbo. Yung humaharang sa daan ay hinahampas niya ng tubo. May nanglaban. Nag-aagawan sila. Mas malakas ang zombie at nabitawan ni Roy ang tubo. Nacorner na siya ng mga zombies.

"Diyos ng mga tarsier, hinihiling ko po sa inyo na bigyan ako ng panibagong kapangyarihan..." Napadasal na lamang si Roy.



Kay Angelica ulit...

"Oras na para ipagtanggol mo ako, Gabriel." Nakapagdesisyon na si Angelica na lumaban.

"Heto na, ipapahiram ko sa iyo itong espada at panangga ko." Pagkasabi ni Gabriel, nagpalit siya ng anyo upang maging sandata ni Angelica.

Nakipaglaban siya sa mga ito...



Erick sounds   --- ching chung chang tugsh tagsh urkk!!

Since hindi pang amazona ang pisikal na katawan ni Angelica at wala rin siyang battle experience, nagawa siyang talunin ng mga kalaban. Tumilapon ang kanyang hawak na espada. Ang kanyang kalasag ay naagaw ng mga horror kamote na ito.

Nacorner na si Angelica...

""Ito na ba ang katapusan ko?"" Magkasabay n pagkasabi nina Roy at Angelica.

Umtake na ang mga kalaban. Sabay ding napapikit sina Roy at Angelica.

Pagkatapos...



"Yahhhhhh! Uhmmmmm! Haaaaa!"

Dinilat nina Angelica at Roy ang kanilang mga mata.

May taong nagligtas sa kanila sa kapahamakan.

Hawak nito ang espada ni Angelica. Gamit nito, nagawa niyang sunggaban ang mga kalaban. Ligtas na si Angelica.

Naligtas si Roy nang makita niyang napataob agad ng tagapagligtas ang mga zombie sa di maipaliwanag na dahilan.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon