81. Kamote Justice

88 0 0
                                    

Eksena sa sekretong silid ni Reyna Angelica bago ang pagpapalit ng anyo ni Roy...


"Hello Illysabel..." Tumawag si Reyna Angelica gamit ang kanyang cellphone na konektado sa langit.

"Oh, Yes madam.?." Ang sagot naman ng nasa kabilang linya na si Illysabel. ( siya ay isang anghel ng pagpapaubaya )

"Meron sana akong ipapagawa sa iyo,yun ay kung pagbibigyan mo ako." Ang sabi ni Reyna Angelica na wari'y nakikiusap.

"Madam naman, magagalit na si Ygdrasil niyan sa amin eh, nung nakaraan kasi tinawag mo yung mga anghel para tulungan ka sa pipitsuging Kamote Amazing Race. Napagalitan kaya sila. Baka pag tinulungan pa kita, ako naman ang mapapagalitan nito." Pagdadahilan naman ni Illysabel.

"Bakit, isusumbong mo ba na tinulungan mo ako?" Parang nang-aamok ang boses ni Reyna Angelica.

"Ah, uhm, kuan..." Hindi makasagot si Illysabel.

"Huwag kang mangamba dahil sa atin-atin lang ito, susuholan naman kita ng isang kilong kamote eh." Kapag ganito na ang pag-uusapan, alam ni Reyna Angelica na hindi makakatanggi sa kanya ang mga anghel na ito. Marami kayang anghel ang nahuhumaling sa kamote at isa na roon si...

"Talaga? Padadalhan mo ako?" Nangungusap ang bibig ni Illysabel.

"Ah uhm, ( tumango si reyna Angelica ) basta tulungan mo lang ako." Nakinikinita na ni Reyna Angelica ang tagumpay.

"Okey, walang problema." Pumayag na rin si Illysabel, "Anong klase ng tulong ba ang gusto mong ipagawa sa akin madam?"

"Meron akong kaibigan na nangangailangan ng karagdagang lakas. Gusto kong ipahiram mo sa kanya ang iyong lakas para magtagumpay sa laban." Pabor ni Reyna Angelica.

"Yun lang ba..." Parang nakukulangan si Illysabel eh, "Sige, i-connect mo ako sa kanya."

At yun na nga ang ginawa ni Reyna Angelica, nilink niya si Illysabel kay Roy. Binigyan ng kamote mark sa noo ni Illysabel si Roy. Ang ganitong proseso, maipapasa ni Illysabel ang kanyang pagkaanghel na kakayahan papunta kay Roy. Ngayong nailipat niya na ito, si Roy na ngayon ay naging isang anghel sa panandalian lamang.

"Done." Ang nakangiting sabi ni Illysabel.

"Salamat, Illysabel, ngayundin ipapadala ko sa iyo ang pinangako kong kamote." Masayang sinabi ni Reyna Angelica.

"Sige madam, hihintayin ko yan ha." Ang sabi ni Illysabel at dun na rin nagwawakas ang kanilang usapan. Pagkatapos ng pasahan ng kapangyarihan, naging isang anghel si Roy. Kanyang inatake si Inday Lor subalit biglang dumating si Prinsepe Bubblegum para protektahan si Inday Lor. Hindi pala ito ang kanyang pakay. Ang dahilan niya kaya niya ginawa ito ay nais niya lang pakinggan ang nasa kabilang panig. Sino kaya sa kanila ang mananaig?



"Mighty lightning!" Inulit pa ni Roy ang kanyang pag-atake.

"Bubble shield!!!" Lumikha naman ng panangga si Prinsepe Bubblegum nang sa ganun ay hindi sila matatamaan.

"Hahaha, tingin mo kagaya pa rin niyan ng nauna kong tira?" Mapangahas na sinabi ni Roy. Masama naman ang tingin ni Prinsepe Bubblegum na pumukol kay Roy dahilan para magalit siya. Lumakas nga ang tinira niya kumpara kanina. Nabutasan nito ang panangga ng prinsepe. Umiwas sila ni Inday Lor. Napuruhan ang binti ni Inday Lor at napaaray siya sa sakit.

"Kaya mo pa bang tumayo?" Alalang tanong ni Prinsepe Bubblegum.

"S-susubukan ko." Sagot naman ni Inday Lor, "Hindi ka ba naiilang sa akin?"

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon