Ang grupo ni Roy ay isinakay ng tagaisda kingdom sa kotse papunta sa palasyo. Bago nga pala ang lahat, kaunting silip muna kung bakit napagpasyahan nilang huwag makipaglaban sa mga tagaisda...
"May tiwala ba kayo sa gaya kong dating kasapi ng mga Isda?" Tanong ni Roy, "Hindi n'yo alam kung paano sila mag-isip at lumaban. Nais kong ibigay ninyo sa akin ang tiwala n'yo kahit ngayon lang."
"Mabait ka naman bago ko nalamang isa ka sa mga Isda Roy kaya nasa iyo na ang tiwala ko." Ang sabi ni Ranth. Sumunod na rin sina Zoro at Brian.
"Siyanga pala, Zoro-chin, kapag tinanong nila ang pangalan mo, gusto kong gumamit ka ng ibang pangalan. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat sa oras na makarating na tayo sa palasyo ng mga Isda." Hiling ni Brian. Hindi kumibo si Zoro ngunit nauunawaan nito ang nais iparating ng kasama.
"Meron akong naisip, kung hahayaan n'yo akong gagawin ito, pinapangako kong hindi kayo mapapahamak." Sabi ni Roy.
"Anong pinaplano mong gawin?" Si Zoro.
"Magpapahuli tayo sa kanila. Dadalhin nila tayo sa palasyo. Si Bossing Sirchief ang tipong ayaw makipagkita sa mga tagakamote. Pag nandun na tayo, asahan n'yong ihihiwalay nila ako sa inyo. Kakausapin ako ni Bossing at titiyakin kong pabibilibin ko siya. Kapag nakuha ko na ang tiwala niya sa akin ay saka ko naman kayo ililigtas." Yun ang plano ni Roy.
"Paano kang nakakatiyak sa sinasabi mong iyan?" Nagdududa si Zoro.
"Wala na tayong nalalabing oras, andyan na sila. Roy, sa iyo na muna tong golden kamote seed, kailangan mo yan sa paghaharap n'yo ni Apo Marine." Nagmamadaling sinabi ni Brian.
"Salamat... Ralph, Mavs at Zoro, pangako, malalampasan natin ito." Yun na ang huling sinabi ni Roy. At hayun di'y tinutukan na sila ng baril nila Zaidac.
Yung paghatid ng mga kalaban papunta sa palasyo ay naging maayos. Tama nga ang sinabi ni Roy na ihihiwalay siya sa tatlo. Hinahatid na si Roy nina Yemjee at Stix sa kinaroroonan ni Gwapong Marine habang sina Brian, Ranth at Zoro naman ay inihahatid ni Zaidac kasama ang mga isda guards papunta sa isang bakanteng kwarto. Ganun pala ang trato ng mga isda sa mga tagakamote kung saka-sakali. Sina Ranth at Zoro ay kasalukuyang ikinulong sa kwarto na may cctv at force field barrier upang hindi sila makatakas. Hinandaan naman sila ng makakain dun. Sa labas ng kwarto ay may mga kawal na nagbabantay.
"Kainis! Bakit pa nila kinuha si Brian? Wala sa plano na pati siya ay ihihiwalay sa atin ah!" Galit na tinadyakan ni Zoro ang pinto.
"Sa ating apat, si Brian yung mahina, wala siyang kapangyarihan. Yun siguro ang dahilan kaya gusto ng matangkad na babaeng iyon na imbestigahan siya. May palagay akong tatakutin nila si Brian at aalamin nila ang dahilan ng pagpunta natin dito." Rason ni Ranth.
"Nakuha mo pang magsalita habang kinakain yang hinanda nila ah." Pansin ni Zoro.
"Hehe, masarap kasi yung isda, naninibago ako sa lasa. Halika muna Zoro, samahan mo ako sa pagkain." Sabi naman ni Ranth. Pinagbabawal kasi sa Kamote Kingdom ang mga pagkaing isda. Tutal nasa Isda Kingdom naman sila ngayon ay di na mapigilan ni Ranth ang tumikim ng butete at igat.
Samantala, si Roy ay nasa harapan na ngayon ni Gwapong Marine. Wala sa mood ang boss niya na makaharap siya. Kasalukuyan itong naglalaro ng zombie tsunami sa cp habang kaharap si Roy.
"Naaalala mo pa ba ang mga huli kong sinabi sa'yo noon, ha, Astrox Zhero?" Ang tanong ni Gwapong Marine na sige pa rin sa kakalaro.
"Bossing Sirchief, gusto ko lang naman po na patunayan sa inyo ang aking paninilbihan bilang tapat n'yong tauhan. Ang sa akin lang ay bigyan n'yo pa po ako ng isa pang pagkakataon." Mapagkumbabang sinabi ni Roy.
![](https://img.wattpad.com/cover/9271353-288-k404294.jpg)