151. A Trail Of Kamote

51 0 0
                                    

Dream arc

[ Synopsis ]


Isang babaeng nagngangalang Dreamer na nangangarap na maging mahusay na manunulat. Isang lalaking nagngangalang Brian na ngayon ay nasa Dabaw at nagpapahinga. Silang dalawa ay pinagtagpo upang ipagpatuloy ang kwento ng mga kamote na nasimulan na. Ano ang magiging papel ni Dreamer sa mga Nexusians at papaano niya maisakatuparan ang kanyang hangaring maging manunulat balang araw?


——————————————————


Mangyayari ang lahat sa isang gabi habang ang lahat ng tao sa mundo ay natutulog. Kapag natutulog ang mga tao, nagkakaroon sila ng panaginip, kahit mga hayop ay mayroon ding panaginip. At siyempre, ang kuwento ay magsisimula na sa panaginip ng isang bida sa kwento na dadalawin naman ng isa pang bida sa kwento. Ang lito ano.

Heto ang setup, si Dreamer ay nagmula pa sa kung saang malayong lupain. Siya ay naglakbay sa kahit saan basta makahanap lamang ng taong mapaghihingan niya ng tulong lalo na sa ngayon. Hanggang sa dumating na ang gabi na kung saan ay makatagpo niya ang isang may akda sa istorya. Ang kanyang astral form ay nagtungo sa panaginip ni Author. At dito...

"Ano 'to? Ganito ba ang panaginip ni Kuya? Ang gulo!" Ito ang unang napansin ni Dreamer nang siya ay pumasok sa panaginip ng iba. Oo nga pala, si Dreamer ay may kakayahang humiwalay sa kanyang unconscious body at maging isang living spirit na maihahalintulad sa isang invisible; hindi nakikita at hindi nahahawakan. Ang kanyang target sa gabing ito ay walang iba kundi si Brian. Pumasok siya sa panaginip ni Brian na ayon sa kanya ay magulo. Kapag magulo, ano ang kasunod? Eh di hindi maintindihan...

..."Naku naman, mukhang mali ata ang napasukan kong tao na mapaghihingian ko ng tulong." Napanghinaan kaagad si Dreamer ng loob, "Pero siya naman ang talagang author ng Kamote Nexus eh. Dapat makita ko siya sa panaginip niya."

Tama bang pumasok sa panaginip ng iba?

At yeah, hinanap na nga ni Dreamer si Brian dun sa panaginip nito. Marami siyang nakikitang mga pangyayari sa panaginip ni Brian, halos natatakpan ng pantasya ang kanyang realidad. Yun naman talaga ang totoo. Sa ngayon ay nasa isang lugar si Dreamer na masikip ang daan, napupuno ng mga tao ang paligid na kahit nasa itaas ay may mga tao. Pabilog ang mundong iyon na tiyak nakakalito. Sa dami ng mga tao, pilit na hinanap ni Dreamer si Brian. Lumipad siya sa paligid ng mga tao. Walang may pumapansin sa kanya.

"Kuya Brian! Kuya Brian!" Ang paulit-ulit na sigaw ni Dreamer ngunit walang nakakarinig sa kanya. Ilang sandali pa ay unti-unting naglalaho ang mga tao. Sari-saring kulay naman ngayon ang kanyang nakikita. Para itong dagat na umaagos, tinatangay ng mga kulay na iyon ang mga tao. Buti nalang ay nakakalipad siya dahil kung hindi ay tinangay na siya ng malapinturang mga kulay. Pero yun ang kanyang akala. Maging si Dreamer ay tinangay din ng mga kulay na ito.

"Ahhh! Saklolo!" Naghumindik sa sigaw si Dreamer. Kasama siya sa mga taong nilunod ng mga kulay. Pagkaraan ng ilang saglit, natagpuan niya ang kanyang sarili na nakahiga na pala siya sa mabulaklaking paligid. Bumangon siya at tumayo.

"Ngayon isang lugar naman na puno ng mga halaman. Wala akong makita kundi puro mga damo at sari-saring bulaklak. Naiintindihan ko na ang panaginip na ito. Pero nasaan na pala si Kuya Brian?" Ang sabi ni Dreamer. Lumipad ulit siya at nagpatingin-tingin sa paligid. Maya-maya lamang ay nakirinig siya ng isang ingay. Hindi ordinaryong ingay iyon dahil ingay ito ng halimaw.

"Graaaaak!" Ungol na likha nito. Sa lakas ng ingay ay napabilis ang pagtibok ng puso ni Dreamer. Balak niya na sanang umatras subalit hinihila naman siya ng malakas na hangin papunta sa kung saang galing na ingay na iyon.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon