146. Kamote Versus Alien

11 0 0
                                    

Kamote Nexus movie


Erick/K3U sound and music effects: fkrdk fkssjj hsuqr hqqto hsurir jdfngn


"Magandang gabi sa iyo Brian." Ang sabi ng bagong bisita ni Brian sa gabing iyon.

"S-sino ka?" Kumunot naman ang noo ni Brian dahil wala siyang matandaang kakilala na ganito kaganda.

"Totoo ba ito nak, di mo kilala ang ganito kagandang babae na ito? Akala ko siya ang kaibigan mo sa bago mong nilipatang eskwelahan.?." Ang sabi ng mama ni Brian.

"Ma naman, di naman ako nagpapapunta ng mga kaibigan dito sa bahay di ba.?." Paalala naman ni Brian sa kanyang mama sabay tingin ulit sa babaeng kaharap. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Wala talaga siyang matandaang kahit na ano rito.

"M-miss-?-" Sambit niya sabay kamot sa kanyang bunbunan.

"Clepsilon." Pakilala nito sa magalang nitong boses.

"A-e, Clepsilon pala." Hilaw na nakangiting sabi ni Brian... *Clepsilon? Wala akong matandaang kakilala na ganun ang pangalan ah. Pero parang narinig ko na rin ang pangalang iyon sa kung saan.*

Ilang minuto rin ang nakalipas magmula nang magtitigan silang dalawa. Pareho na silang nakaupo sa sala na magkatapat.

"Ay! Kulang ng toyo! Sandali, lalabas lang ako para bumili ha." Ang sabi ng mama ni Brian na bumasag sa kanilang katahimikan. Ngayon ay dalawa na lamang sila sa bahay na iyon para makapag-usap.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga matandaang nagkakilala na tayo, Miss Clepsilon." Nakangiting sabi ni Brian.

"Ay... Nakakalungkot naman. Alam mo, masakit para sa isang kaibigan na itinuring mong kaibigan ang makalimutan ka." Nakasimangot ang mukha ni Clepsilon pero kapansin-pansin pa rin ang ganda nito. Habang sinasabi niya iyon ay unti-unti namang inilapit ang kanyang sarili kay Brian. Yung kaliwa niyang kamay ay dumantay sa hita ni Brian. Sa ginawa niyang iyon ay parang kinilabutan si Brian na may kung anong handang mabuhay.

"Ah, kasi... Kahit anong gawin ko talagang hindi ko maalala yung pagkakaibigan natin eh." Sabi naman ni Brian habang umuusog paatras. Pero hindi nagpatalo si Clepsilon dahil mas inilapit niya ang kanyang sarili sa harap ni Brian hanggang sa ang kamay nalang nito ang namamagitan sa kanila. Hinarang ng mga kamay ni Brian ang balikat ni Clepsilon para malayo sa kanya.

"Hmm... Nakakainis ka talaga, sumikat ka lang hindi mo na ako nakilala? Ganyan na ba karami ang mga kaibigan mo kaya ako naman ang kinalimutan mo?" Mapang-akit na sinabi ni Clepsilon, yung tipong dinuduyan ang tainga mo. Mas lalo pang nangilabot si Brian nang maamoy nito ang kanyang hininga.

"Hindi naman kasi ganun yon. Hindi ako sikat at mas lalong hindi marami ang kaibigan ko." Paliwanag ni Brian. Sa pagkakataong iyon ay tila nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay na pumigil sa paglapit ni Clepsilon sa kanya. Kung saan-saan kasi nakahawak ang kamay ngayon ni Clepsilon kaya ganun... "Kasi-"

Hindi na natuloy ni Brian ang kanyang sasabihin nang biglang lamunin ang kanyang labi ni Clepsilon. Nagulat siya sa ginawa nito. Alam niyang posibleng gawin yon ng babaeng ito na agresibo pero sa ganito kabilis na pangyayari ay talaga nga namang nakakabigla!

"Naku!" Sandaling nahinto ang dalawa nang marinig nila ang boses ng mama ni Brian na halatang nagulat. Sa gulat nito ay nabitawan pa ang biniling datu puti. Buti nalang hindi bote yun. "May lulutuin pa pala ako, sige ha." Siya na mismo ang naglakad papuntang kusina. Kumalas si Brian sa pagkakadikit ni Clepsilon at kanyang sinundan ang kanyang mama.

"Hindi mo ba ako pagagalitan, Ma?" 

"San ako magagalit nak?" Tanong naman ni mama habang naghihiwa ng karne.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon