2. Welcome To The Kingdom Of Kamote

938 13 14
                                    

Lahat ng mga fairy tales ay nagsisimula sa "noong unang panahon" di ba? Eh fairy tale po ba ito? Well, di natin masasabi. So, simulan na po natin ang pagtatanghal ng Kamote Nexus.

Ehem ehem.

Ang Pilipinas po ay may kaharian na tinatawag na Kamote. Gulat kayo no? Kala siguro ng European o ng ibang bansa sila lang ang may kingdom! 'Nyways, ang lupain pala ng kaharian ng Kamote ay sakop ang buong Pilipinas as in mula Batanes hanggang Sulu.

Ito ay pinamumunuan ni Haring Hero at ng kanyang asawang reyna na si Lor. Mayroon silang dalawang anak na mga cute daw, sina Prince Jazz at Prince Bubblegum.

Ang kahariang ito ay sagana sa mga pananim pero ang kanilang ikinayaman at ng ating bansa ay ang pagtatanim ng kamote. Bakit? Ito kasi ang title eh. Haha.

O siya, naipakilala ko na ang pamilya sa kaharian ng Kamote, simulan na ang pagsasadula...


Sa malaaaaaaawak na hardin ng palasyo ay naglalaro ang prinsepe na si Jazz kasama ang kanyang mga virtual pets.

"Ang boring naman dito kung wala ang aking kapatid." Sabi niya habang sinasakal yung kanyang alaga. Ganun kasi siya kapet lover eh. "Makakaotalk nga muna si yaya JL".

Samantala, sa loob naman ng palasyo ay may meeting. Nandun ang mag-asawang hari at reyna, Sekretarya, Butler, T-brothers, at mga palamuti sa palasyo para mas marami. Pinag-uusapan nila ang nalalapit na pagkaubos ng mga kamote. Nasa krisis na ngayon ang bansa dahil sa kamote barrel scam.

"Paano natin ibabangon ang ekonomiya ng bansa kung ang pangunahing yaman natin ay mawawala?" Balisang tanong ni haring Hero.

"Tubig n'yo po mahal na hari", alok ni yaya JL. ( biglang tumunog ang kanyang iphone ) "Excuse po".

"Yaya JL, laro po tayo." Ansabi ng nasa kabilang linya.

"Naku! Di puwede mahal na prinsepe, nakikichismax pa ako rito." Tanggi naman ni JL.

Hindi na nakipagtalo si Prince Jazz dahil alam niya na nasa peligro ngayon ang kanilang kaharian. Bumalik siya sa palasyo upang kumustahin ang magulang. Pumunta siya sa kwarto ng magulang at sa kanyang pagpasok ay nadatnan niyang pinag-usapan ng hari at ng reyna ang tungkol sa 'golden kamote'.

"Amang hari, Inang reyna, ano po ba yung golden kamote?" Bungad niya sa mga ito.

"Ang golden kamote ay mahalaga sa ating angkan mahal kong anak." Ani reyna Lor.

"Ito ay minana pa mula sa ating mga ninuno. nag-iisa nalang ito at balak namin ng ina mo na gamitin ito upang maisalba ang ating kaharian sa darating na krisis." Paliwanag ni haring Hero.

"Ganun po ba." Tila nahihiwagaan si Prinsepe Jazz.


Ipinakita ng hari kay Jazz ang golden kamote. Namangha si Prince Jazz kung kaya nagpost siya sa Instagram hawak-hawak ito. Isinilid naman ito ni reyna Lor sa tagong kwarto pagkatapos. Di nagtagal ay umepal yung yaya ng palasyo, Magtatanghalian na raw sila. Sumunod naman ang mag-asawa. Ang naiwang prinsepe ay tinungo yaong lugar na kinalalagyan ng golden kamote at doo'y kanyang dinukot nang walang anu-ano. ( Oops! Nakikita siya sa cctv )...

Lumabas siya sa palasyo at nagtungo sa hardin. Nilaro niya ang gintong kamote na kumikinang sa ganda. Makintab ito at may onting bigat. Nakipaglaro siya sa mga virtual pets, hagisan ng bola, golden kamote yung ginawa nilang bola. Sa di inaasahang pangyayari, nahulog ang golden kamote sa balon na may lalim na hanggang inner core ng mundo. Magkahalong takot at kaba ang bumalot sa emosyon ni Prince Jazz sa pangayayari...

"Patay! Parating na si Yaya... Kailangan ko nang magtago!!!" Ang tangi niyang nasabi.

Sa bilis ng takbo ng pangyayari, nag instant transmition technique si prinsepe Jazz para di siya mahanap.

Kalahating oras ang nakalipas, nagpost siya sa facebook.

...

Prince Jazz is feeling happy... Mahal na hari, Mahal na reyna, wag n'yo na po akong hanapin... Inoff ko po yung Gps kaya di nyo ako mahahanap na nasa Malaysia na ako. Yung tungkol sa golden kamote pala, isearch nyo nalang sa Google. d( o_O )b




Ano kaya ang susunod na mangyayari sa tagpong ito?

Babalik pa ba sa Kamote Kingdom si Prince Jazz?

Mahahanap ba nila ang golden kamote?

KAMOTE NEXUS

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon