148. Kamote Club: Epilogue

17 0 0
                                        

Kamote Nexus movie


Erick/K3U sound and music effects: dndj hhqt rea rkef yluliho jsdh

Ang lahat ay halos di makapaniwala na sa mga sandaling iyon pala ay nakikipaglaban sila sa kanilang mga kaibigang alien. Sa ano namang kadahilanan? Iyon ay ang kanilang aalamin.

Samantala, ang invisible spaceship ni Ubomega ay nakarating na sa Earth. Naglabas sila ng panibagong mga dambuhalang alien at sa pagkakataong ito'y aabot na sa isandaan ang mga ito. Ang mga ito ay nagkalat na sa bansa at nais na nilang sakupin at mapasakanila ora orada ang Pilipinas. Marami na namang buhay ang nawala nang dahil dito. 

Lumipad si Gundam kamote para pigilan ang pagpapalabas ng mga malalaking alien ang spaceship. Kahit invisible iyon ay natutunton naman nila iyon gamit ang heat reaction at infrared. Sumabog ang labasan ng mga alien. Kumontra naman ang spaceship at nagpaulan ng mga bala. Sinangga iyon ni Gundam kamote ngunit may mangilan-ilan ang tumama sa kanya. Naglabas naman ng grapling arms ang spaceship upang makipaglaban sa robot. Hamak na mas malaki ng tatlong beses ang spaceship na ito kaysa sa Gundam kamote kung kaya madali lang kung ito ay balibagin. Bumagsak sa lupa si Gundam kamote. Natakot ang sankatauhan sa kung ano ang mangyayari, wala na silang mahihingan pa ng tulong kundi aasa lamang sa kapangyarihan ng mga kamote. Pero hindi pa rito sumusuko ang mga bida. May sapat pa silang lakas para lumaban. Isinantabi na muna nila ang isipin kina Mogamma at Tedeltha para seryosuhin ang huling laban na ito kina Ubomega at Clepsilon. Habang nakikipaglaban si Gundam kamote sa spaceship, ang arm forces of kamote naman ang siyang bahala sa mga dambuhalang halimaw. Wala naman silang kamalay-malay na naroon din ang mga anghel na tumutulong sa pakikipaglaban. Bawal man ito para sa mga anghel ay kinakailangan nilang gawin iyon alang-alang lang sa kapakanan ng mga tao. Naroon din si Angelica na may pambihirang kapangyarihan.

Ito na ang hangganan ng lahat ng pagod ni Prinsepe Jazz na mabago lang ang takbo sa hinaharap. Subalit, ang kanyang pag-aasam na mangyari ito ay para bang naglalaho na. Ang hukbo ng mga alien ay masyadong napakalakas kung ikukumpara sa kanila. Hindi pala sapat ang pinagkaloob ng kamote crest na nanggaling pa sa hinaharap itong pakikipaglaban kina Clepsilon at Ubomega. Nagpakawala ng napakalakas na energy beam ang spaceship na siyang nagpabagsak kay Gundam Kamote. Lumubog siya sa dagat, sa pinakailaliman. Nahulog na rin ang pag-asa ng lahat ng tao sa pangyayaring iyon. Ano na ang nangyayari sa mga bida? Bakit hindi na sila naging malakas gaya noon?

Sa loob ni Gundam kamote, nagkaroon ng maikling pag-uusap ang mga kamote...


"Hindi ko na kayang lumaban. Pagod na ako. Wala rin palang mangyayari kahit na nandito pa ako sa panahong ito." Ang sabi ni Prinsepe Jazz sa tono ng kawalan ng pag-asa.

"Huwag kang magsalita ng ganyan Jazz, nandito pa kami, ang mga kaibigan mo na handang tumulong. Malaki ang naibahagi mo sa amin sa pagpunta mo rito kaya huwag mo itong panghinaan ng loob." Ang sabi naman sa kanya ni Seon.

"Malayo na ang narating ng samahan natin, ngayon ka pa ba susuko?" Si Ydann.

"May pangarap pa ako sa buhay. Ayokong dito nalang magwawakas ang ating lahi. Ayokong pagharian ng mga alien ang tahanan natin kaya lalaban tayo." Mangiyak namang sinabi ni Shin.

"Ang ating lakas ay hindi sapat. Huwag kayong magbubulag-bulagan. Tanggapin n'yo na na ito talaga ang kapalaran ninyo." Pagdidiin naman ni Prinsepe Jazz.

"Hindi ako naniniwala. Hindi ko hahayaang magkakaganyan ka, anak. Ang ating kamote crest ay handang sumuporta sa atin sa abot ng kanilang makakaya basta magtiwala lamang tayo sa kung ano ang magagawa natin, kung ano ang magagawa ng kakayahan natin. Hangga't may natitira pa tayong pag-asa." Pagpapalakas naman ng loob ni Hero.

Kamote NexusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon