57. Kamote Harmony

98 1 0
                                    

Ang sumunod na pinuntahan nila Brian, Krish, Macky, Marquee, Ydann, Chen at Dhen ay sa Kamotepolitan. Dito sa lugar na ito ay nahahati ang liwanag at dilim. May mga kalsadang madilim at mga bahay na maliwanag. Kahit maaraw pa sa labas ay puno na ito ng mga ilaw. Kunsabagay, hindi nga naman ito sinisikatan ng araw. Maraming taong naninirahan dito, parang downtown ang eksena rito. Karamihan sa mga gusaling nandirito ay mga bar, mga bahay-aliwan. Ang mga tauhan ay inimbestigahan ang lugar. Mukhang mahihirapan silang alamin kung saan mahahagilap ang ikatlong demonyo...

"Mahigit isang oras na nating binabaybay ang buong paligid ng Kamotepolitan. Hanggang ngayon wala pa tayong palatandaan kung saan natin matatagpuan ang ikatlong demonyo." Halatang napapagod na si Marquee sa kanyang pagkasabi.

"Ano kaya kung magpahinga na muna tayo. Napapagod na rin kasi ako eh." Yaya ni Dhen.

"At saan naman tayo magpapahinga nyan? Kita nyo naman ang mga tao rito oh, masyadong busy." Sabi pa ni Brian.

"Doon tayo o." Sabi naman ni Ydann sabay turo sa kanilang tapat...


LAHAT: Sa bar??

Tumango naman si Ydann.


At dahil nga medyo napagod na sila at kailangan ng magpahinga, nagpunta na muna sila sa bar. Sila ay nasa front view ng audience seats. Nakaupo sila ng pabilog. Umassist kaagad sa kanila ang isang waiter at binigyan sila ng tig-isang menu. Umorder na rin sila matapos makapili ng kanilang makakain at inumin. Hindi pa pala nagsisimula ang rakrakan, panay pagplay ng music video na muna ang naririnig nila. Pero mantakin ba naman ang mga tao, puno na agad ang bar kahit wala pa yung banda.

"Nakakagulat naman ang dami ng tao rito no, grabe." Sabi ni Krish.

"Kain-kain nalang tayo, wag natin silang pansinin." Sabi naman ni Marquee.

At ganun na nga ang kanilang ginawa. Habang hinihintay pa ang banda, nagkakwentuhan na muna sila. Interesado si Ydann sa dalawang royal knights kaya dito siya nakapokus sa pagtatanong...

"Ah talaga, may asawa ka na pala. Ano pala pangalan ni Misis?" Tanong ni Ydann. Nakikinig lang din ang mga kasama niya.

"Ang pangalan niya ay Claire, malapit lang yung tinitirhan namin sa Kamote Kingdom, kailangan eh. Ayoko kasing malayo sa misis ko lalo pa't nagdadalang tao yun. Pagbalik natin sa palasyo, ipapakilala ko siya sa inyo." Kwento naman ni Marquee.

"Kung ganun, magiging tatay ka na pala." Sabi ni Ydann.

"Pakiramdam ko nasa 14 anyos pa yang kambal na to, pano kaya siya nagkaroon ng asawa?" Nasa pagtatakang sabi ni Brian.

"Hindi natin masasabi, batang edad pero marami ng karanasan." Bawi naman ni Dhen.

"Ikaw Tol, tingin ko'y ikaw ang pinakamatanda sa inyo, meron ka na rin bang asawa?" Si Marquee naman ngayon ang nagtanong.

Nginuya na muna ni Ydann ang mushroom at nilunok bago sumagot. "Single parent ako, hiwalay ako sa asawa at nasa akin naman ang anak kong si Pink Popcorn. Kaso, dahil sa trabaho ko, hindi kami masyadong nagkikita ng anak ko." Kwento naman ni Ydann.

"Ahhh." Sabi nalang ni Marquee sabay inom ng colt 45.

"Eh ikaw naman Macky, kumusta ang buhay lovelife?" Baling ni Krish sa isa pang kambal.

"Ang lovelife ko ba?" Ulit ni Macky. Tumango naman si Krish... "Wala akong lovelife eh tsaka okey lang sa akin na walang pag-ibig, andito naman si Marquee." Dagdag pa niya na may kasamang dantay sa balikat ng kakambal.

Ganito kasi yung pagkakaupo nila sa pabilog na mesa: nasa kaliwa sina Macky, Marquee at Ydann. Katapat nila sina Brian, Krish at Dhen habang nasa pinakagitna naman si Chen.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon