Isda Kingdom arc summary
Sila Brian ay nagpunta sa Isda Kingdom kasama si Roy na ginawang Kamote Agent ni Haring Hero at sina Ranth at Zoro. Pagdating sa Isda Kingdom ay hinuli sila ng mga alagad ng Isda sa pamumuno ni Zaidac na naging kakampi ni Brian. Nagawa ni Roy na makuha ang tiwala sa kanya ni Gwapong Marine dahil sa golden kamote seed pero kinailangan pa muna niyang torturin sina Ranth at Zoro. Buti nalang ay tinulungan silang gamutin ni Dok Shineley na napag-alaman nila Brian na lumikha sa mga isda minions. Dahil hindi tugma ang plano nina Brian at Roy, nakagawa ng maling hakbang si Roy dahilan para malagay sa panganib ang grupo ni Brian.
Kinalaban ng dalawang zodiac users na sina Ranth at Zaidac ang dalawang royal knights na sina Que-c at Razor na nagresulta sa tabla. Sinubukan ulit silang gamutin ni Dok Shineley kahit na humadlang pa si Nissy. Dahil kay Nissy lalo namang nahihirapan si Roy sa kanyang mga plano. Si Zoro ay nakipaglaban kina Yemjee at Stix subalit siya ay tinalo nang dumating si Gwapong Marine. Si Sunako naman ang siyang humuli kay Brian ngunit nakalaya rin agad nang makita siya ni Gwapong Marine at binigyan siya nito ng magandang pakitungo. Hindi rin nagtagal ay nagalit sa kanya si Gwapong Marine at humantong ito sa pagpapakulong sa kanya. Sumaklolo si Roy at pinaalam niya kay Brian na doon siya ipapasok sa silid ng kamote whistle blower. Ang tanong, sino ang whistle blower na ito?
Sa pagpapatuloy ng ating kwento...
Magtungo na muna tayo sa Kamote Kingdom. Pumasok na sa palasyo si Paulene at napag-alaman niyang apat lang ang ipinadala ni Haring Hero sa Isda Kingdom. Pinagalitan niya ang hari dahil nagpadalus-dalos ito sa ginawang utos na ito.
"Malaki naman ang tiwala ko na makakabalik sila ng ligtas." Kalmadong sagot ni Haring Hero. Nasa opisina niya silang tatlo ngayon.
"Ngunit, kahit yung inutos mo na para makita lang nila ang palasyo ng isda, malaki pa rin ang posibilidad na mahuhuli sila ng mga kalaban lalo pa't apat lang sila.. Kasama pa nila si Brian!" Galit at pag-alalang sabi ni Paulene.
"Nag-aalala pa man din ako sa kanya." Ang sabi naman ni Ydann. "Sa kanilang apat kasi, siya lang ang walang kapangyarihan. Baka hindi na siya makakabalik ng ligtas dito. Hindi rin nila ako isinama sa misyon. Nakakapagtampo na tuloy."
"Hindi mangyayari yan Brad, kilala ko si Century Tuna, hindi niya sasaktan si Brian... Mas nag-alala ako kina chef Mavs at Zoro dahil hindi niya yon kilala. Baka ilalagay niya sa lata ang dalawa." Sabi naman ni Haring Hero. Kinilabutan pa si Paulene sa narinig.
"Maalala ko lang. Hindi ba Pau nung kakabalik mo lang dito galing Paris ay mayroon kang nakitang pangitain na mahuhuli na si Marine? Malakas ang kutob ko na ito na yong pagkakataon na iyon eh." Ang sabi ni Ydann.
"Ang nakita ko lang sa aking pangitain ay nahuli na si Gwapong Marine, hindi yung kung papaano siya nahuli at kung sino ang humuli sa kanya. Nangangamba pa rin ako sa mga tagakamoteng sumabak doon sa Isda Kingdom." Paliwanag naman ni Paulene.
"Hindi sila pababayaan ni Roy. Magtiwala lang tayo sa kakayahan ng mga kamote." Kalmado pa ring sinabi ni Haring Hero.
"Naku! Sana nga walang mangyaring masama sa kanila Brad." Ang tugon naman ni Ydann.
Balik naman sa Isda Kingdom...
Hey guys! For a change ulit tayu ha... Umandar na naman yung katamaran ni author kaya idaan nalang natin yung kwento sa isa nating kanexus na itatampok pa lang sa kabanata na ito. Siya si Griezel. Pakinggan na natin ang kanyang points of view.
Basa na.!.
Griezel's POV
It's an all white place. Nothing but white. Dito na ako nakatira sa isang silid na ito magmula nang tinawag akong "Kamote Whistle Blower." I don't really like this! I feel like I'm not in a normal state of mind. Para akong baliw na ikinulong dito sa mental hospital. Ang kaibahan nga lang, marami akong mapaglilibangan dito.