155. Kamote In The Eyes

11 0 0
                                    

Buhangin Airport, Davao.


Sa eksaktong ala sais ng umaga naglanding ang eroplanong sinakyan ni Dreamer. Inannounce na na pwede na silang bumaba at kasama na siya roon. Pagbaba niya, huminga na muna siya ng malalim at pagkatapos...

"Andito na ako sa teritoryo ni Kuya Brian.!." Ang kanyang sabi, "Ehehe, tiyak na masusurpresa siya sa pagbisita ko sa kanya!"

Tinotoo nga talaga ni Dreamer ang sinabi sa kanya ni Brian dun sa panaginip nito at heto, nandito na siya sa Davao! Wala namang problema kung saan niya pupuntahan si Brian dahil meron naman siyang Connect app sa kanyang cellphone. Dito niya malulocate ang kinaroroonan ni Brian. Sakto dahil para na rin itong adventure para sa kanya. Excited na siya na makita ito sa personal.



Samantala naman, sa tahanan naman ngayon ni Brian...

"Tapos na akong magwalis sa loob at labas. Ano na ang susunod?"

"Yung mga labahan pala."

"Kagabi ko pa natapos."

"O sige, yung mga pinggan naman."

"Ok." ( after few minutes ) "Tapos na rin. Ano naman ang susunod?"

"Yung mga halaman naman, pakidiligan nalang."

"Ok." ( after few minutes ulit ) "Tapos ko na ring diligan ang mga halaman. Ano pa Brye?"

"Teka nga, hindi ka ba napapagod diyan sa ginagawa mo Zoro-chin? Halos araw-araw mo ng ginagawa ito ah." Naiirita na si Brian. Busy lang siya sa pagdudrawing ngayon.

"Eh dito nalang ako nalilibang Brye eh. Kaysa naman sa wala akong gawin dito sa bahay niyo. Gusto mo ikaw naman ang didiligan ko?" Nangungulit na sabi ni Zoro.

"Pwede ba lubayan mo muna ako? Kita mo namang nagkuconcentrate ako sa ginagawa kong drawing eh." Inis na si Brian niyan. Oo nga pala, mula nung new year ay dumito na muna si Zoro sa kanyang bahay. Wala pa atang planong umuwi sa kanila. Tsaka, karaniwan na itong nangyayari sa kanila na kahit naiinis na kung minsan si Brian ay may sandali namang nagugustuhan niya ang mga effort ni Zoro.

"Tao po..."

Naputol ang moment ng dalawa nang may kumatok sa labas. Dali-dali naman itong pinuntahan ni Zoro...

"Kuya Zoro? Andito po pala kayo?" Bulas ni Dreamer.

"Teka Miss, kilala mo ako?" Kumukurap pa ang mga mata at takang tanong naman din ni Zoro.

"Ano ka ba Kuya, napanood kaya kita sa news ng Tv, ikaw yung tinatawag nilang 'justice kamote' di ba?" Ani Dreamer.

"Ha? Eh?" Hindi alam ni Zoro ang sasabihin.

"Zoro-chin, sino yan?" Dumungaw na rin si Brian sa may pinto at laking-gulat niya kung sino ang nakita niyang bisita, "D-Dreamer?"

"Magandang araw po sayo Kuya Brian." Bati ni Dreamer. Nasapo na tuloy ni Brian ang kanyang noo. Hindi niya ito inaasahan. "Oh men!"

At hayun, pinatuloy naman niya ang kanyang bisita sa bahay.

"Grabe, ang dami naman nitong mga pasalubong mo Dreamer, mga lokal na produkto!" Ang sabi ni Brian habang minamasdan ang mga otap, dried mangoes at iba pa sa kanilang mesa. Naroon sa tabi niya si Zoro na nangangalkal pa rin sa bagahe ni Dreamer.

"Nag-ipon po ako para makarating dito Kuya. Tinupad ko lang kasi yung hiling n'yo na gusto nyo akong makita. Heto, tsaka gusto ko rin pong pasalamatan kayo ng personal. Halos isang linggo na rin mula nung bumisita ako sa panaginip nyo." Kwento ni Dreamer. Nasa tapat lang niya si Brian.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon