Para makapunta sa Isda Kingdom, ang grupo ni Roy ay lulan sa kanyang yate tungo sa Kalayaan Islands. kaya lang, alam na ng kaharian ng Isda ang kanilang pagpunta. Bilang pagsalubong, habang nasa laot ay inatake sila ng ilang mga halimaw sa dagat. Magagawa kaya nilang malusotan ang unang problema na ito?
"Aquarius Kamote, ano na ang balita?" Tanong ni Ranth sa kanyang kamote spirit.
"May umaatakeng halimaw mula sa dagat, mga apat sila." Ang sabi naman ni Aquarius Kamote. Maya-maya pa ay narinig na naman nila ang pag-ugong ng yate. Nabahala na sila.
"Napakaswerte naman ng ganitong pagtatagpo, aapat nga tayo at apat din ang ating kalaban." Nasabi ni Brian habang nakahawak na sa rosaryo.
"Ralph, mga kasama, bibilisan ko ang paglalayag natin ha kaya kumapit kayo ng mabuti." Ang sabi ni Roy sabay pihit sa controler sa max speed. Pagkatapos ay bumilis ang kanilang pag-andar.
Nakahinga sila ng maluwag subalit ito ay panandalian lang pala. Nagawang pigilan ng mga halimaw ang sasakyan.
"Sabi ko na nga ba may mangyayaring masama. Bakit pa kasi ako sumama sa misyon na ito?!" Tunog nagsisisi ang boses ni Brian.
"Kapag ganito ito, baka lulubog tayo sa gitna ng dagat." Sabi naman ni Roy, "Ni hindi rin natin nakikita ang ating kalaban."
"Ako na ang bahala sa bagay na yan." Ang sabi ni Zoro na tila meron ng naiisip. "Roy, ihatid mo sila sa Isda Kingdom nang maayos. Kaya mo ba yun?" Dagdag pa niya. Tumango rin naman si Roy. Yun kasi ang ginagawa niya ngayon.
Pagkatapos ay pumunta na sa dulo ng yate si Zoro at akmang tatalon na ito.
""Sandali, ano ang binabalak mong gawin?"" Nasa chorus ang pagkasabi nina Ranth at Brian.
"Lalabanan ko sa ilalim ang mga halimaw."
"Ngunit--" Gusto sanang sabihin ni Ranth yung kamote spirit na ang bahala sa bagay na yun pero di na niya natuloy nang...
"Kamote pea stone of water, ngayon na!!!" Ginamit na nga ni Zoro ang kanyang natatagong kapangyarihan bilang isang Justice Kamote. Nagpalit siya ng kasuotan na akma sa isang lider ng karagatan. Ito ay kulay puti at dilaw na may asul sa braso hanggang kamay at sa tuhod hanggang paa. Gawa iyon ng kamote pea stone niya. Ang kanyang sandata ay katulad ng sa namumuno sa dagat, yung trident.
Nanlaki ang mga mata ni Brian sa pagbabagong anyo ng kasama. Mabilis na itong lumusong sa ilalim ng dagat. Nag-alala rin si Ranth baka hindi kakayanin ni Zoro na mag-isa iyon kaya naman humabol siya sa paglusong.
"Zoro-chin! Mavs!"Sigaw ni Brian sa dalawa, "Mag-iingat kayo!!" Dahil na rin sa bilis ng paglayag ng yate ay hindi na nila nakita ang dalawa. Nagpatuloy sina Roy at Brian patungo sa isla ng mga Isda.
"Siguro naman wala kang ginawa para mapahamak ang mga kasama mo." Sabi ni Brian kay Roy.
"Tsk, hindi ko gagawin yon at wala akong balak na ganun. Malinis ang konsensya ko Ralph." Malamig ang pagkasabi nun ni Roy. Maya-maya lang kunti ay natanaw na nila ang manmade island ng mga isda.
Sa ilalim ng dagat, nakaharap nina Aquarius Kamote at Zoro ang apat na mga isda minions. Ang genes ng mga ito ay mas angkop sa dagat, hindi sa lupa. Mga mabibilis silang lumangoy. Nilibutan nila ang dalawa hanggang sa makabuo sila ng cyclone. Iniikot nito ang mga nasa loob. Buti nalang mani lang ito kay Aquarius Kamote na may kakayahang higupin ang cyclone na ito gamit ang paso. Siya namang sumunod na pag-atake ng dalawag isda minions. Tinamaan ang kamote spirit at nagtamo ng malubhang sugat kaya nawala siya sa ere. Si Zoro naman ngayon ang susubok na makipaglaban...
