Ang malaepic na labanan ng mga bida para makuha ang mga dragon balls. Ito ay ang laban sa dalawang demonyong sina Leviathan-Satan laban kina Lucifer at Asmodeus. Since walang superpowers si Asmodeus, ang royal knights na sina Archer at Lancer na muna ang magbabackup sa laban na ito. Ang natitirang kasapi naman ang siyang makikipaglaban sa mga imps, mga ordinaryong demonyo na alagad ni Satan. Let the battle begin!
""10 000 phoenix-dragon roar!!!"" Ang ultimate blow nina Archer at Lancer, ang pinagsamang apoy at tubig gamit ang kanilang mga sandata. Mistula itong elemental shower paitas.
Nagpalit ng anyo si Leviathan, sa kanyang demon form upang iwasan ang atakeng iyon. Napapaligiran na siya ng apoy at tubig kaya wala na siyang takas. Subalit, ginamit naman niya ang kanyang mga pakpak bilang panangga niya sa isang napakatinding pwersa.
Erick sound effects --- booooghssshhs!
Nang mawala ang apoy at tubig, nandudun pa rin sa kanyang kinatatayuan si Leviathan. Nasusunog ang kanyang pakpak pero maayos pa naman ang kanyang tindig. Tinawag niya ang kanyang alagang ahas na si Emanlas para atakehin ang kambal. Sumugod naman si Emanlas na nasa ibaba lang papunta kina Archer at Lancer.
Sa kinaroroonan naman ng tatlong babae, kakalabanin nila ang sandamakmak na mga imps saanmang dako ng Jungle Bites. Gumamit ng kanyon si Chen mula sa kanyang siko. Si Sailor Kamote Dhen naman ay ang kanyang magic spell na "Kamote Honeymoon Therapy Kiss." At si Krish naman gamit ang kanyang jewel kamotepet na kulay araw na si Amber bilang panlaban sa mga imps. Sa atakeng iyon, nangalahati na ang mga kaaway.
Nagdagsa naman ang mga mababangis na hayop sa gubat gaya ng mga oso, tigre, buwaya at kung anik-anik pa na lubhang naaapektuhan sa mga kaganapan na ito. Dahil sa utos ni Satan, inatake nila ang mga bida. Siya namang pagprotekta ni Prinsepe Bubblegum sa kanyang mga kasamahan na sinuportahan din naman ni Ydann. Gumamit ng matibay na bubble cage ang prinsepe nang sa gayun hindi mapinsala ang mga hayop habang pinipisikal naman ni Ydann ang ilan ngunit hindi naman niya tinutuluyan.
Makikipaglaban naman ngayon si Satan sa batang si Lucifer. Sabay silang nagpalit ng anyo sa pagiging tunay na demonyo. Nagpalitan kaagad sila ng kanilang angking kapangyarihan. Sino kaya sa dalawa ang mananaig; pride o wrath?
"Holy flare!!" Ang tawag ni Lucifer sa kanyang kapangyarihan. Bagaman isa siyang demonyo, ang kanya namang kapangyarihan ay kahalintulad ng sa mga anghel sa langit! Pinakawalan niya ang ganito katinding kapangyarihan dahil hindi rin basta-basta ang kanyang kinalaban.
"Counterattack, reflection!" Ang ganti naman ni Satan. Lumikha siya ng kanyang kapareha at sa kapareha niya tumama ang holy flare ni Lucifer. Di lamang yun, lumikha pa rin ng tatlo pang Lucifer si Satan. Ito ang kanyang kapangyarihan, ang lumikha ng clone... parang sa SN lang din na laging mention nang mention ng pangalan hanggang bumaha ang notifs na wala namang katuturan.
Ito'y tatlong Lucifer laban sa orihinal na Lucifer.
Sa ibaba naman, sa kinatatayuan ngayon ni Asmodeus, kitang-kita niya ang mga tauhan sa kwento na naglalaban habang siya naman ay walang ginagawa. Nakaisip siya ng ideya, dahil nasa gubat ang battlefield, hindi mawawala sa listahan ang mga kambing na nabibilang dito. Kung kaya, isinugo niya lahat ng kambing na nakakarinig sa kanyang pagtawag upang makatulong na rin sa laban. Hindi naman siya nabigo, nagsipagdatingan ang mga kambing na may dalang mga musical instruments at mikropono na rin para kay Asmodeus. Tama, tutugtog ang mga kambing habang hahandugan naman ng kanta ni Asmodeus ang mga naglalaban. Matandaang sa bar kumanta ang bandang SKET na may dalang panghihipnotismo sa mga nakakarinig dito. Gagamitin ito ni Asmodeus sa sitwasyon na ito.