55. Kamote Avarice

111 1 0
                                    

"Portal creation, higupin ang mga palaka at dalhin sa kawalan!!!" Sigaw ni Krish. Lumikha siya ng lagusan.


"Hindi ko pahihintulutan yan!" Sabat ni Mammon, kanyang sinalungat ang ginawang lagusan ni Krish. Hinigop niya ang hangin na nagmula sa lagusan. Naipon sa kanyang lalamunan at pagkatapos, kanya itong pinakawalan sa harap ng kanyang kalaban. Tumilapon naman ang mga bida sa ere at habang nasa ibabaw pa sila, kumilos na si Archer gamit ang kanyang pana.

"Flaming arrow!" Sabi niya at ito'y kumawala papunta sa bibig ni Mammon. Nakain niya iyon hanggang sa nag-aalab ang kanyang bibig. Buti nalang ay naging mabilis kumilos ang mga alagad ni Mammon sa pagbigay ng tubig.

Ligtas na nakaapak sa lupa sina Krish at Archer. Hindi nila nakita kung saan bumagsak sina Brian at Chen.

"Hanapin mo ang dalawang kaibigan mo, ako na ang bahala rito." Sabi ni Archer. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkaseryoso sa laban.

"Okey." Walang pag-atubiling tumakbo palayo si Krish. Susundan pa sana siya ng iba pang palaka ngunit humarang dito si Archer.

"Magaling yan, isa laban sa isa." Sabi ni Mammon. Ang ibang mga palaka ay naghukay sa lupa at dito'y nagsipasok sa lungga. Naiwan silang dalawa roon habang susundan naman ng ibang palaka sila Krish.


Sa guho naman, nagpakitaan ng kanilang mga lakas sina Dhen, Ydann at Lancer. Sa loob lamang ng limang minuto, natapos na rin nila sawakas ang labanan kapalit ang tuluyang pagguho sa Benedias.

"Hala ka Dan, nasobrahan ka sa pagsuntok sa guho." Nanakot si Dhen.

"Bagay lamang ito sa kanila para maipaghiganti ko naman ang mga inalipustang Pinoy." Nagngingitngit sa galit si Ydann.

"Di ko akalaing meron pala kayong tinatagong kapangyarihan, napabilib ninyo ako." Sabi naman ni Lancer.


Samantala, nagkaroon naman ngayon ng malay si Brian. Malayo kasi ang binagsakan nila ni Chen buhat nang liparin sila ng napakalakas na hangin. Pagkamulat niya, laking gulat niya nang daganan siya ni Chen. Hindi lamang yun, naglapat pa ang kanilang mga labi. Halos lumuwa ang mata ni Brian sa sobrang gulat! Buti nalang ay walang kaalam-alam nito si Chen, pasalamat siya hindi ito gumagalaw. Tumayo na si Brian, inayos na rin niya ang kanyang sarili gayundin kay Chen.

May isang kulay itim na likido ang sumulpot sa tabi nila. Kumuha ng patpat si Brian para ialis iyon pero tila bang maybuhay ang likido na nanlaban hanggang sa nabuo ang isang pamilyar na mukha.

"Mammon?" Nasa pagtataka ang mukha ni Brian.

"Hehehehe, meron akong ipapakita sa iyo, ito ang kamote oil." Sabi ni Mammon. Naglabas siya ng isang bote na naglalaman ng kamote oil, "Bihira lamang itong mahanap sa Pilipinas. Para itong blood type na AB na mahirap hanapan ng kapareha."

"Bakit mo pinakita sa akin yan? Hinatid mo pa kami sa gasoline station gayong nasa kamay mo lang pala ang hinahanap namin." Pagmamaktol ni Brian.

"He! ano ako, bali? Ibibigay ko nalang basta sa inyo ito? Siyempre naghahangad ako ng kapalit." May pagkatalas ang dila nitong si Mammon.

"At ano namang hinihingi mong kapalit sa akin?" Tanong ni Brian.

"Para sa iyong kasama, mabubuhay siya kapalit ng iyong pagsapi sa akin, maging alagad." Nakinikinita ni Mammon ang bakas sa mukha ni Brian ang lalim ng pag-iisip.

*Ako? Sasapi sa kanya? Ano namang mapapala ko? Hindi pwede ito, kailangang mag-isip ako ng ibang paraan.* Sabi ng isip ni Brian.

Sa gasoline station naman, nagtagisan na ng lakas sina Mammon at Archer. Hanggang sa mga sandaling ito pa kasi ay hindi pa nailalabas ni Mammon ang tunay niyang anyo. Tumaas ang kanyang dila na parang isang tunay na palaka. Pinulupot niya si Archer. Salamat sa kanyang baluti, hindi siya napinsala ng husto. Medyo nakakagalaw pa si Macky, ginamit niya ang kanyang palaso pantusok sa dila ni Mammon. Nabitawan siya dahil nakaramdam ng sakit ang palaka.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon