28. Kamote Action

149 4 4
                                    

Sa kaharian ng Isda, pinatawag ni Gwapong Marine ang kanyang nag-iisang anak na si Prinsesa Maricon. Sakaling pumalpak sa pagkuha ng golden kamote si Death ay may backup plan na siya sa palasyo, si prinsesa Maricon. Hindi kasi alam ng kaharian ng mga Kamote ang hitsura ng prinsesa. Magagamit ni Gwapong Marine ito para linlangin ang kaharian sa pamamagitan ni prinsesa Maricon...


"Pinatawag nyo daw ako, maal kong ama." Bati ni prinsesa Maricon habang kumakain ng paborito niyang piyaya fish flavor.

"Gusto kong pasyalan mo ang Kamote Kingdom," sabi ni Gwapong Marine. Sila ay nasa bulwagan nang mga sandaling iyon, "Makipagkaibigan ka sa prinsepe. Kunin mo ang tiwala ng nasa palasyo at manmanan kung saan nila itatanim ang golden kamote. Gawin mo yun sa oras na mabulelyaso si Death."

"Masusunod po maal kong ama." Ang sabi ni Maricon.

Nga pala, may problema si prinsesa Maricon sa letter H kaya di niya iyon mabibigkas.

Masyado namang advance itong kontrabida na ito, wala pa nga sa climax ang paghahanap sa golden kamote.





Punta na tayo sa inner core scenes...

Walang umaberya sa pagpasok ni Astrox Zhero nang siya'y pumasok sa lagusan.

Ilang sandali pa ay may natatanaw siyang aninag na nasa malayo. Para ngang tarsier ang kanyang mata, kahit sa malayo ay may nakikita siya. Kunsabagay, mga nocturnal naman talaga ang mga tarsier di ba.

Nasa layong 1.5 kilometro nang matanaw niya si Ju Lee Shin. May bilis itong tulad sa hotwheels na cars. Nagulat si Astrox...

"Sandali, may tao palang nauna na rito bago pa ako?" Nasabi na lamang niya, "Bakit hindi ko nalaman ito sa babaeng kinontrol ko kanina? Di bale na nga lang."

At di nagtagal, nagkasalubong na nga ang dalawa. Tinawag ni Astrox si Shin. Syempre, kaswal lang ang kanilang pag-uusap...


"Hi."

"Hello."

"Ahm, ano pala pangalan nila?"

"Ju Lee Shin po. You can call me Chen nalang."

"Ah ok, ako pala si Astrox Zhero." Inactivate ni Astrox ang kanyang Geass.

"Bakit po kayo narito, Astrox?"

"Kuan kasi, hinahanap ko yung golden kamote." *teka, bakit hindi gumana sa kanya ang Geass ko*?

May kinuha si Shin sa kanyang bulsa, "Ito ba yun, Astrox?" Napakabait ng android na ito ah..

"Wow! Yan na nga, Chen!" Napamangha si Astrox sa kinang ng gintong kamote, "Pwede bang mahawakan ang gintong kamote?"

"Sige po pero 5 mins lang po ha." Inosenting sabi ni Shin sabay abot sa gintong kamote.

Kinuha naman iyon ni Astrox. Kaunting gulung- gulong sa palad at sabay lipad paatras kay Shin...

"Ba-bye-yooooh, Wahahaha uto-uto!!!" Humalakhak pa siya paalis at iniwan ang kawawang Shin.


Samantala, magtungo na muna tayo kay Aikie...

"Lake, Mountain, Kamote Palace." Ang kanyang sabi. Mistulang nakaharap si Aikie sa kawalan na parang meron siyang kinakausap... Weird huh...

..."Nalampasan na po natin ang lawa. Saan naman po tayo susunod na pupunta?"

"Waaaaaaa." Sagot ni Mommybear.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon