99. Kamote And Isda Menace

52 1 0
                                    

"Bakit ang tagal namang ikulong ang kasama natin si Brian?" Nag-aalala na si Zoro. "Hindi kaya may nangyaring masama na roon?"

"Maghintay nalang tayo ng kunti baka hindi pa tapos ang mga kalaban sa paggisa sa kanya." Nag-aalala rin si Ranth. "Ano na kaya ang nangyari sa plano ni Roy?"

"Alam mo Ranth, kung tutuusin pwede naman tayong makalabas sa silid na ito eh. Ayoko lang na aabot sa malaking gulo. Apat lang tayo rito at marami ang ating kalaban." Ang sabi ni Zoro. Natutunan din niyang kainin ang nakahain sa kanila na mga lutong isda.



Sa kinaroroonan naman nina Roy at Gwapong Marine...



"Maal kong ari, pasenssa na po kayo sa akin, indi ko po nagampanan ng maayos ang pinapagawa nyo sa akin." Ang sabi ni Prinsesa Maricon nang makipagskype ito sa hari.

"Oo sige na, hindi naman ako galit sa iyo anak. Umuwi na kayo ni Steve ha." Nasa tonong lambing ni Gwapong Marine.

"Ok po.", Nakangiting sagot ni Prinsesa Maricon na may kasamang mwah mwah tsup tsup. Pinapauwi na pala ngayon ni Gwapong Marine ang kanyang anak at kasama pa nito si Steve na sumundo rito. Pagkatapos...

"Astrox Zhero." Ang sabi ni Gwapong Marine.

"Po?" Naghihintay naman si Roy.

"Gusto kong balikan mo ang mga kasama mo. Bibigyan kita ng una mong misyon bilang kaanib ko." Gustong patunayan ni Gwapong Marine kung nagsasabi nga ba ng totoo si Roy.

"Ano pong ipag-uutos nyo Bossing?" Biglang nakaramdam ng kaba si Roy.

"Gusto kong saktan mo gamit ang sarili mong kamay ang tatlo mo pang kasama. Ngayon mo ipapakitang nasa akin ang iyong pagsisilbi at hindi kay Hero. Magpapahanda ako ng mga kagamitan na pangtorture." Saad pa ni Gwapong Marine.

"O-opo, g-gagawin ko po ang pinag-uutos n-nyo Bossing." Nangatal si Roy sa narinig. Kaya kaya ng kanyang konsensya ang ipinapagawa sa kanya ng bagong boss?



Samantala naman, si Zaidac ay sinimulan ng pinakikilala kay Brian ang mga kasapi sa Isda Kingdom. Sila ay nagtungo sa control room ng palasyo. Nasa control room yung monitor ng lahat ng cctv sa palasyo. Nagawa nilang makapasok dito dahil si Zaidac ay may mataas na katungkolan sa palasyo. Si Brian ay pinasuotan niya ng tulad sa suot ni Zaidac na nakaamerikana para aakalain ng mga isda guards na kasapi si Brian ng Isda. Nalusotan din naman nila ang mga ito.

Ngayong nakapasok na sila sa control room, hinagilap ni Zaidac sina Yemjee at Stix kung saan na ang mga ito. At dito...


"Sila ang mga tagasunod ko. Mga ladyguards sila na may espisyal na katangian. Sila rin yung susunod na kakandidato sa yapak nila Astrox Zhero. Si Yemjee, meron siyang taglay na lakas ng sa itim na salamangka. Tinatawag siyang Isdalificent dito. Si Stix naman ay may kakayahang lumikha ng anumang uri ng sandata gamit ang tuyong isda. Kilala siya sa tawag na Isda-Law of Stix. Ako naman, bilang may mataas na ranggo sa mga isda, meron akong 12 na agimat mula sa Chinese Zodiac. Ako ay kilala bilang Isda-talisman." Paliwanag ni Zaidac. Meron pa siyang pinakilala kay Brian. ito ay sila...


Director Aeonne, ang Isdachantress. royal knight na sina Razor at Que-c. Ang kanilang Secretary na si Nissy at si Sunako na kilala rin sa tawag na Isdahallow.


"Sila ang mga taong hindi n'yo dapat na makaharap dahil mga mapanganib sila Brye." Ang sabi ni Zaidac habang nililibot ng kanyang mga mata sa mga screen yung tauhan sa palasyo hanggang sa...

"Ito Zai oh." Ang sabi naman ni Brian sabay turo sa screen, "Hindi mo pa pinapakilala sa akin ang babaeng iyan."

Nakaupo lang ang babaeng iyon sa kanyang kwarto at hindi kumikilos. Parang yung bang halimbawa ng isang taong depress? "Ah, siya ba? Hindi siya importante Brye kaya hindi ko siya pinakilala sa'yo". Nakangiting sabi ni Zaidac. May palagay naman si Brian na hindi nagsasabi ng totoo si Zaidac sa part na to. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa babaeng nasa screen na hindi masabi-sabi ni Zaidac, Kung ano pa man yun, malalaman din niya yon. Siya kaya ay isang imbestigador ng kamote?


Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon