137. Crests Of Kamote

14 0 0
                                    

Kamote Nexus movie

Erick sound effects: ten ten nen ten ten ten ten


"Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung bakit nais mong patayin si Kalfa. Pinapapunta mo lang siya rito para patayin. Kakaibang alien ka talaga Abetta, walang kasing-sama." Lumapit si Colgate kay Abetta at pareho nilang minasdan ang walang buhay na katawan ni Kalfa.

"Tingnan n'yo si Colgate at yung alien oh, parang close na close na sila matagal na." Pansin nung isang scientist at tsinismis pa sa kasama.

"Oo nga. Palagay ko kilala na nila ang isa't-isa." Napansin din ng isa.

"Kawawa naman ang isang alien, pero may galit din ako sa kanya ah." Ang sabi pa ng isa, "Hindi ako sumasang-ayon na malaya silang makapamumuhay sa planeta natin." Dagdag pa niya.

"Hoy kayo riyan, ano pa ang binulung-bulongan nyo diyan? Mabuti pa'y pag-aralan n'yo na ang mga organs ng bangkay na ito. Suriin niyong maiigi ha." Nag-aastang boss na si Colgate. Tahimik namang sumunod ang mga scientist sa kanya dahil alam ng mga ito na wala silang laban lalo pa't kakampi niya si Abetta. Nagkangitian naman ang dalawang ito.


Habang nasa bus naman ang mga kamoteng napili para sa nalalapit na laban...

Hero: ( minamasdan ang bigay sa kanya ni Prinsepe Jazz na kamote crest )

Rhay: Psst! Ano iyang hawak mo Hero? ( pansin ni Rhay na nasa likuran )

Ganito ang set up... Sa kaliwa ay magkatabi sina Ydann at Seon. Sa kanan naman ay sina Hero at prinsepe Jazz at nasa likod nila sina Rhay at Shin.

Hero: Isa itong makapangyarihang sandata, ang kamote crest.

Rhay: Kamote crest? Ano'ng ibig sabihin ng kamote crest?

Hero: ( tingin kay prinsepe Jazz ) Ayos lang ba kung ikwento ko sa kanya?

Prince Jazz: Walang problema. Kunsabagay, hindi naman siya ang mitsa ng digmaan sa panahon ko.

Rhay: ? ? ?

Shin: Makinig kang mabuti Rhay dahil hindi na uulitin yun ni Hero ha.

Hero: Ok, heto na. Ang kamote crest ay-


Balikan natin ang mga kaganapan nung nagmeeting ang Kamote Club kasama sina Tedeltha at Kalfa. ( Wala rito sa eksena sina Brian at Mogamma ) Matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa kanilang plano, oras na para ituon na ng prinsepe ang pag-usapan ang maselang bagay lalo na patungkol sa kanya. Lumapit siya sa gitna kung saan kita siya ng lahat na nakaupo.

Prince Jazz: Okey guys, listen. May nais nga pala akong ipagtatapat sa inyo bago natin tapusin ang meeting na ito.

Aishiteru: Anong pagtatapat ba yan?

Ydann: Aba, mukhang seryoso na naman to ah.

Arlyn: Virgin ka pa?

Nanah: Wow Ate Arlyn, yan agad nasa kukute mo? Napakalinis naman.

Shin: May crush ka rito sa Kamote Club Jazz no?

JL: Eheem eheem.

Ydann: Ano ba, huwag kayong magulo. Hayaan niyong makapagsalita yung tao ok? Sige na Jazz, sabihin mo na sa lahat ang saloobin mo, makikinig kami.

Prince Jazz: Salamat. Una sa lahat, hayaan niyong ipakilala ko ulit ang aking sarili para sa inyong kaalaman. Ako si Jazz, isa akong prinsepe sa kaharian ng Kamote. Nagmula ako sa hinaharap. Narito ako sa panahong ito para sa isang misyon upang paalisin ang pinagmulan ng digmaan sa panahon ko... Ang mga alien.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon