6. Search For Wonder Kamote

246 6 2
                                        

"Mukhang marami na ang napinsala ng dambuhalang halimaw na ito ah. Kailangan ko ng kumilos." Sabi ni Dhen sabay sigaw, "Kamote crystal power make up!!!"

sound effect ni Erick-- Shing neneneng shinng

Mula sa malapangit na anyo ni Dhen, siya'y nagpalit anyo sa super sexy na costume. Nakasailor outfit siya ngayon dahil sa Kamote Crystal.

Siya ay lumipad at hinarap ang kalaban. Nagulat naman ang mga tauhan sa kanilang nakita.

"Sino ka?" Sigaw ni Trams.

"Ako ang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan, ako si Sailor Kamote, parurusahan kita sa ngalan ng kamote!" Pakilala ni Dhen na may kasamang fighting pose.

"Ohhhhhws?" Namangha ang T-brothers.

"Kaya mo ba kaming tulungan na matalo si Shinbot?" Tanong ni krish.

"Susubukan ko." Sagot ni Sailor Kamote Dhen.

"Magsanib pwersa tayo mga kasama." Mungkahi ni Seon.

""Ok."" Nagkasundo sina Kamote Captor at Sailor Kamote.

"Hindi ninyo ako kaya kahit magtulungan pa kayo!!" May bilib sa sarili si Shinbot.

Nagpasabog siya ng masangsang na hangin sa buong paligid. Tumilapon ang lahat ng madadaanan nito. Kumapit sa poste sina Ydann, Brian at Trams upang di sila matangay.

At ngayon, ang final move ng mga superheroes...


( Bumunot ng card si Redlier ) 'final vent'. "Humanda ka sa final blow ko".

"Portal creation!!!" Lumikha ng blackhole si Kamote Captor Krish at,

"Kamote princess hailation!!" Naman ni Sailor Kamote Dhen.

Dahil sa pinagsamang lakas ng tatlong superheroes, kanilang nagapi si Shinbot. Hinigop ng blackhole at walang tinira. Tanda ito ng pagkalaya ng Kamote Ville sa kamay ng mga kamote minions. Isang magandang katapusan.

***

Pagkalipas ng ilang sandali, ngayon ay nasa palasyo na ang T-brothers, si Seon, Krish at kasama nila si Dhen.

Kasalukuyang kumakain pa si Dhen. Kain na parang isang taon na di kumakain. Sina Krish at Seon naman ay pinarangalan ni Haring Hero ng kamote gold medal bilang tanda ng recognition sa kabayanihan nila sa Kamote Ville. Si Dhen ay makakatanggap din ng ganung parangal.

Ang T-brothers ay nasa guest room, hinihintay nalang ang hudyat ng hari na makapasok sila sa loob ng balon.

Nagbatian sina Krish at Reyna Lor.

Pangalawang beses palang nila itong pagkikita.

Pagkatapos ng kumustahan ay pumunta na sila sa hardin.

Nandun ang mag-asawang Haring Hero at Reyna Lor, ang T-brothers at si Krish.

"Nakahanda na ba kayo, T-brothers"? Sabi ni Reyna Lor.

"Medyo." Sagot ni Trams.

"Balitaan n'yo ako agad kung anuman ang inyong makita sa loob ha." Sabi ni Haring Hero.

"Makakaasa kayo sa'min". Si Brian.

"Bubuksan ko na ang lagusan papunta sa inner core." Paghahanda ni Krish.

Nakahanda na rin ang T-brothers. Akmang bibigkasin na ni Krish ang spell nang biglang sumingit sa eksena ang sekretarya ng palasyo na si Shin. May masamang balita siya sa mag-asawa.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon