Nasa palasyo at kapwa nanonood ngayon ang pamilya ng maharlika at ng mga Nexusians sa isinasagawang paglilitis kay Gwapong Marine...
"Teka, si Trams yan di ba?" Paniniyak ni Prinsepe Bubblegum. Pansamantalang nahinto siya sa kanyang ginagawa.
"Medyo nawalan na ako ng balita sa kanya nitong nakaraang buwan ah." Ang sabi naman ni Reyna Lor na nakakandong sa mahal na hari.
"Trams? Nagkita na po ba kami niyan?" Takang tanong ni Chen. Hawak niya yung isang bucket ng popcorn para sa kanila. Ginawa ba namang sinehan ang pagdinig sa kaso ni Gwapong Marine?
"Magbackread ka nalang Kyut para malaman mo." Sagot agad ni Haring Hero. "Ako talaga ang tumawag sa kanya, kinausap ko siya na kung piwede ay backup-an niya si Brad Dan sakaling hindi nito makayanan ang pressure." Kalmado lang ang mahal na hari na nakaupo sa kanyang trono.
"Yan kasi, ang lakas naman ng loob magpresenta dun sa ginawang meeting natin eh tumiklop naman pala pagdating sa husgahan." Puna ni Erick na nakacross arms pa.
"Huwag kang magsalita ng ganyan Erick, ina-underestimate mo ang kakayahan ng private investigator ng palasyo." Saway naman ni Haring Hero. Yumuko naman si Erick at humingi agad ng paumanhin. Nagpatuloy sila sa panunood.
At hayun, pinagbigyan naman ng senate president na makapagsalita si Trams sa korte. Pumwesto siya sa kinatatayuan kanina ni Griezel. Speaking of Griezel, dinala nga pala siya sa clinic upang masuri ang kanyang kalagayan. Ang lahat ay naghihintay na sa kanyang sasabihin. Si Trams na ang tumuloy sa statement ni Griezel...
"Base sa datus na aking nakalap, ang akusado ay nag-around the world gamit ang nakaw na pera. Nagawa niya ito dahil mayroon siyang mga kasamahan na kinurakot din ang pera ng ating gobyerno." Sa sinabing ito ni Trams ay tila yumanig ang buong korte. Yung mga reporters ay kapwa nagkaroon na rin ng ideya sa punto ni Trams. Ang mga kasapi sa korte ay nagimbal din sa natuklasan ni Trams. Nagulat din si Ydann dito. Ito rin ang nakatawag ng pansin sa kabilang kampo.
"Who is he?" Nagsalubong naman ang kilay ni Aeonne habang pinagmamasdan ang nagsasalitang ito. Pakiramdam niya kasi mukhang nagbabadya ang biglaang pag interrupt ni Trams.
"Si Trams, isang dating kakilala." Umismid na sumagot si Gwapong Marine.
"Kung inyong mapapansin kanina habang nagbubotohan, marami ang pumapanig sa hatol kay Marine. Hindi kaya, karamihan sa mga sumasang-ayon ay nakinabang din sa kamote barrel scam?" Natahimik ang lahat sa sinabi ni Trams, "Tama ba ako Marine?"
"Hindi ko po alam." Tipid namang sagot ni Gwapong Marine.
"Mr Senate President, any deductions is not allowed here in the court." Saad naman ni Aeonne.
"Hindi ako nanghuhula Miss Speaks, ito ang nakasaad sa statement ng witness." Pagtutuwid naman ni Trams.
"That's not verified yet--"
"Huwag mo ng ipilit na ipagtanggol ang ibang mga pulitiko dahil hindi mo sila kliyente. Baka natatakot ka na kumanta sila? Madidiin lang ng husto niyan si Marine sa ginagawa mo." Yung mga sinasabi ni Trams ay may halong panghahamon. Nagtitigan silang pareho, mata sa mata.
"Burning bridges huh!" Nanlilisik ang mga mata ni Aeonne.
"I don't get the idea of yours Miss Speaks. Saang unibersidad ka ba nag-aaral at bakit hindi ka pumasok sa english room business na hinahandle ko? Baka naturuan pa kita ng tamang disiplina." Kampante pa rin si Trams.
"You're just a rookie lawyer pretending to be smart. Beware coz I could turn the tables." May pagbabantang sinabi ni Aeonne.
"Eh di ipakita mo ang galing mo." Ang sagot naman ni Trams na tila hindi natatakot, waring nag-aabang na tuklawin siya ng kaharap.