30. Foundation Of Kamote

142 3 0
                                        

Ang mga tauhan sa kwento...


Si haring Hero ay nasa Kamote building para sa mahalagang SONA.

Si reyna Lor naman ay papunta palang sa Maribojoc kasama ang Butler niyang si Erick at ilang mga bodyguards.

Si Aikie at alaga niyang si Mommybear ay tinatahak na ang bundok.

Nasa police headquarter ngayon si K3U.

Sina J-Mae Shin at Krish kasama ang mga gabay diwa nilang sina Lulu at CM ay nasa hardin parin.

Walang malay ngayon si Astrox na nasa damuhan.

Nasa inner core naman sina Brian, prinsepe Bubblegum at Death kasama si Ju Lee Shin.




Simulan na ang pagtatanghal...

Sa inner core.

Nagulat ang tatlo nang biglang lumaki ang bunganga ni Shin. May liwanag na lumabas dito, yun pala ay energy beam na pinatamaan ang tatlo.!.

Listo naman si Rider 666 sa paggamit niya ng 'guard vent'. Nasangga niya ang light beam. Ligtas sila.

"Kukunin ko na ang golden kamote." Ang sabi ni Shin. Umilaw ang dalawa niyang mata na tulad sa isang laser saka tinarget ang tatlo.

Umiwas naman sila. 

Tumalon pakanan si Prinsepe Bubblegum habang nasa gawing kanan naman si Rider 666 bitbit si Brian.

":smirk: Ayos ka lang ba?" Sabi ni Rider 666.

"Papaano ako magiging maayos eh binugbog nyo nga ako?" Papilosopong sagot ni Brian.

"Sa tingin nyo tao yang kaharap natin?" Si Prinsepe Bubblegum.

Ngayon naman ay ang malabaril na daliri ni Shin.

Ipinutok niya ito sa kanyang mga kalaban. Nilabas ni Prinsepe Bubblegum ang kanyang kamote note at dali-daling isinulat ang pangalan ni Shin. Sinalungat naman ni Rider 666 ang mga tirang iyon ni Shin kaya naligtas na naman sila.

"Bakit ganun, hindi umepekto sa kanya ang aking kamote note?" Takang sabi ni Prinsepe Bubblegum.

"Tingin ko hindi siya normal na babae. :rage: :rage: :rage:" Sabi naman ni Rider 666 na hinihingal na. "Sa palagay mo Brye, anong technique ang kanyang ginamit? :mask:"

"Isa siyang android." Sagot ni Brian. "Ngayon lang ako nakakakita ng android sa tanang buhay ko. Ayon sa alamat, ang mga android ay ginawa para maging alipin ng kanilang amo. Nakaprogram sila na maging sunud-sunuran. Tulad din naman sila ng normal na tao na may isip at puso. Kaya nga lang, tadtad ng mga sandata ang nasa loob ng kanilang katawan."

"Ahhh. Kaya pala hindi siya tinablan ng aking kamote note." Nasabi nalang ni Prinsepe Bubblegum.

"Kukunin ko na ang golden kamote." Ulit ni Shin. Iniangat niya ng bahagya ang kanyang damit hanggang sa lumitaw ang dalawa niyang hinaharap.

"""WHOA!!!""" Napatili ang tatlo sa kanilang nakita.

"Ang hahalay naman ng android na yan kung ganun. :imp: :imp: :imp:" Sabi ni Death.

"Anong size niyan, anlaki ah?" Sambit naman ng prinsepe.

Ang dalawang hinaharap od dibdib ni Shin ay hindi basta-basta. Siyempre, isa rin itong malakas na uri ng sandata, ang kanyang explosive missile. Gawa ito sa nuclear na hinaluan ng katas ng kamote. Tinira niya ito kina Rider 666 at prinsepe Bubblegum.

Kamote NexusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon