Sa isang liblib na kinaroroonan ng kulungan ng mga kriminal idinala ang mga kasapi ni Inday Lor para pansamantalang ikulong doon. Nauna ng nakulong sina Renz at Har habang halos magkasabayan namang ipinasok sa kulongan sina Mary Joy at Erick. Silang apat ay parehong nakalagak sa iisang kulongan. Nagkasalubong pa ng tingin sina Spider at Zoro na nagdala sa mga bagong huli.
"Magaling ang ginawa mong paghuli sa isang kriminal, tagaKamote Society." Ang sabi ni Spider matapos nilang makulong ang huli.
"Ikaw din Ginoo, kung sino ka man, alam kong para ito sa ikabubuti ng ating bansa." Mahinang tugon dito ni Zoro...
*nakakagulat naman ng lalaki na ito, mukhang may alam siya sa sekretong organisasyon ko. sino kaya siya? May katanungang naglalaro ngayon sa isipan ni Zoro.Hindi na nagtagal pa roon si Spider dahil nagmamadali pa siya na umalis. Hindi na tuloy nakahanap ng pagkakataon si Zoro na makausap pa siya. Muli niyang ibinaling ang pansin sa mga nakakulong ngayon na kapwa walang malay.
Samantala, si Brian naman ngayon ay pumasok na sa kanyang silid upang kunin ang golden kamote seed na siyang utos sa kanya ni Roy. Nakatago iyon sa ilalim ng ibabaw. Nakapaloob sa kahon. Malarobot na gumewang-gewang pa siya nang umalis dala-dala ang pakay niya at tinungo ang kinaroroonan ngayon ni Roy. Parang langgam lang ang peg ni Roy dahil nag-iwan pa siya ng kanyang amoy o pheromone niya para masundan lang siya ni Brian. Mabagal man ang paglalakad pero tiyak naman kung saan siya tutungo. Ang kapansin-pansin niyang pagkikilos ay nabigyan ng pansin ng computer na si Simsimi.
"Paging Brian, where are you going? Please report to the King." Tatlong beses na ulit itong sinasabi ni Simsimi ngunit tila bang hindi siya naririnig nito.
Kaya naman, humingi na siya ng permiso sa hari na puntahan si Brian at alamin kung ano na ang nangyayari rito ngayon. Pumayag naman si haring Hero kaya naman nagkatawang tao na si Simsimi at pinuntahan kaagad ang sumu-zombie mode na si Brian...
"Hey Brian, what's wrong? Why aren't you answering?" Tila sumusunod ata sa yapak ni Jana Carlie tong computer na to ah.
"Kailangan kong makita si Roy, may ibibigay lang ako sa kanya." Sa pananalita ngayon ni Brian, para siyang nagsasalita nang tulog.
"What for?" Usisa ni Simsimi, "Don't you wanna join the Kamote Hunt?"
"Hindi ako interesado..." Nakaismid namang sagot ni Brian dito at sige pa rin sa paglalakad hanggang sa mapansin ni Simsimi ang kanyang hawak-hawak na ginintuang buto ng kamote.
"What is that thing in your hand?"?Ang tanong ni Simsimi na may kasama pang turo rito. Hindi naman din kumibo si Brian na nagpatuloy pa rin sa paglalakad. May pagkamakulit din itong babaeng to kung kaya hindi niya tinigilan si Brian sa pagsunod dito. Kanya itong pinigilan gamit ang dalawa niyang kamay sabay pansin sa kakaibang pagtugon dito ng kaharap niya.
"Paraanin mo ako." Ang sabi pa ni Brian nguni at parang wala siya sa sarili. Biglang nagkaroon ng bright idea si Simsimi, sinampal niya nang husto si Brian sa magkabilaang pisngi. Umigtad sa sakit si Brian at...
"Bakit mo ginawa yun?" May halong gulat at pagtataka sa mukha ni Brian. "Ang sakit-sakit nun ha."
"I guess you're back Mister, you're not you just a while ago eh." Sabi naman dito ni Simsimi. Totoo na nga kayang nagbalik na sa dati tong si Brian dahil lang sa sampal na iyon?
Doon naman sa kamote hospital, kasalukuyang nagpapahinga roon si Pauline. Minasdan niya sa kanyang tab ang aerial view sa kaharian ng kamote. Nagkaroon siya ng pangamba sa mga kasama niya lalo na sa T-brothers at sa pamilya ng hari...
![](https://img.wattpad.com/cover/9271353-288-k404294.jpg)