Buod
( Short story )
Ganito naman kung magdiwang ang mga bida. Ang bagong taon para sa Nexusians.
Sa kaharian ng Kamote ay abala ang lahat para sa paghahanda sa pagsalubong nila sa bagong taon. Sa kanilang lahat, tanging si Brian lang ang umuwi sa kanyang pinanggalingan para magbagong taon at kasama pa nito si Zoro. Hindi ito katulad nung pasko na kung saan ay nag-imbita sila ng mga respetadong tao at mga celebrity para magsaya. Ngayon ay sila-sila lang muna. May iilan din naman silang mga inimbita pero hindi na gaano kaenggrande di tulad sa pasko. Pero ayos lang dahil pinaghandaan pa rin ng mga Nexusians ang pagsasalubong sa bagong taon.
Si Ydann yung nag-organize sa siste ng kanilang New Year's Party. Si Reyna Lor naman ay nagpresentang magluto ng mga ihahanda. Meron yatang nakatagong talento ang mahal na reyna pagdating sa pagkain. Matandaang minsan na siyang naging katulong at pinagsilbihan nun si Reyna Angelica. Si Haring Hero ay subsob pa rin sa trabaho, walang holiday ang pagkahari niya. Nandiyan naman si Chen para samahan at tulungan siya na mapadali ito. Si Prinsepe Bubblegum naman ay nagpapagupit na. Nagpapaganda ng mukha at ng balat. Kinontak na rin niya ang kanyang mga kaibigan na makiselebreyt din sa bagong taon. Kasama si Nanah sa kanyang inimbitahan ngunit tumanggi ito dahil may party din daw ang Kamote Rangers Nexus na kung saan ay kasali si Nanah.
Si Dr Shineley ay may surpresang gagawin para mamaya sa bagong taon. Si Griezel naman ay umorder na ng mga cheese delicacy foods dahil ito ang paborito niyang handa sa ganitong klase ng okasyon. Si K3U ay abala sa kanyang pagcompose ng bagong kanta tungkol sa bagong taon. Tinulungan naman siya ni Erick sa pagbuo ng tugtog. Naging magkasundo na ang dalawa dahil sila yung sound and music effects ng kwento eh. Si Erick nga pala yung nakatokang bumili ng mga mabibilog na prutas. Pumu feng sui din kasi ang mga Nexusians. Si Paulene naman ay kanyang kinuha ang tatlo niyang mga estudyante na sina Uel, Rei at Girlie para magdecorate sa palasyo. Napuno tuloy ng makukulay na design ang palasyo mula gate, lobby, hallway, garden, pavillion, throne, dining area at sa kahit saang bahagi ng palasyo. Ang tema ay kamote new year. Ang designs ay puno ng makukulay na kamote na sinamahan pa ng mga christmas designs. Yung Kamotekage naman sa Kamote City ay nagpadala ng human size ni Haring Hero, yung Santa Hero wax. Nainspire kasi ang Kamotekage sa ginawa ni Haring Hero nung nakaraang pasko. Ang royal knights naman na sina Libra, Marquee at Macky ay nakatokang mamahala sa gagamiting parlor games mamaya. Sila rin yung magiging hosts sa party at mukhang mapapasubo sila rito.
Sa Kamote City, magsasagawa rin ng party ang Kamotekage. Sina Ranth at Transam pa rin ang kanilang tagaluto. Si Haru ay nag-imbita sa mga tribu waku-wako na makiparty. Naging kaibigan ni Haru ang mga waku-wako dahil sa nakaraan na siya ang tumalo noon sa bagyong kamote. Tuwang-tuwa naman ang mga tagatribu na makaapak sa isang siyudad gaya nito. Si Iyrah naman ay inaanyayahan ang mga alumni niya sa nursing school pati na rin sa withcraft kaya muli na naman niyang makakasama ang kanyang sissy na si Mary Joy. Si Mary Joy ay nagdala pa ng mga props para sa gagawin niyang magic show para mamaya.
Samantala naman, sa Isda Kingdom, abala ang mga kawal sa pagdidesign sa palasyo. Pinipilit nilang maging masaya sa kabila ng pagkakakulong sa kanilang mahal na hari. Si Prinsesa Maricon ay halatang nalulungkot kaya buong araw siya nagkulong sa kanyang playroom. Ito ang dahilan ni Steve na dapat ipagdiwang ang bagong taon, sinisikap niya na kahit papano ay makakalimutan ng prinsesa ang kanyang amang hari. Sila Que-c, Stix, Yemjee at Razor yung mga naghahanda para sa aqua fireworks display. Si Sunako naman ang namuno sa pagprepara ng mga isda cuisine habang si Aeonne naman ang nag-imbita sa mga mamamayan na makisalo sa kasiyahan na ito. Si Rain naman ang abala sa parlor games. Si Steve naman ay walang tigil sa panunuyo kay Prinsesa Maricon na ngumiti muna kahit sa araw lang na ito. Daddy's girl pa naman ang prinsesa na ito, mahirap kumbinsehin pero nadaan naman sa pagbigay ni Steve ng piyaya ube flavor.
At nang matapos na ang ilang paghahanda, sinimulan na nila ang party! Ang party ay nagsimula bandang alas dyes nang gabi at dagsa na ng mga panauhin sa Kamote at Isda Kingdom. Iba-iba man ang pamamaraan nila sa party, iisa naman ang kanilang layunin, ang ipagdiwang ang bagong taon. Isinantabi na muna ang anumang alitan na namamagitan sa dalawang kaharian. Ang mga tv stations din ay naging abala sa pangangalap ng balita sa iba't ibang panig ng bansa kung papaano nila ipagdidiwang ang bagong taon. At dumating na nga ang kinahihintay ng lahat, sinimulan na nila ang countdown...
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
HAPPY NEW YEAR!!!
Kanya-kanyang pasabog at ingay ang nilikha ng mga tao sa pagsalubong nila sa bagong taon. Ang aqua fireworks display na gawa ng mga taga Isda ay kamangha-manghang panoorin sa karagatan habang sa Kamote Kingdom naman ay musical fireworks display. Sa Kamote City naman ay live band at fireworks na rin. Ang Kamote Rangers Nexus ay nagpasabog ng kanilang color theme sa kalangitan. Trending agad sa mga social sites ang pagsalubong nila sa bagong taon.
Puntahan naman natin ang ibang mga nexus na nagdiwang ng kanilang bagong taon...
Sa Davao kung saan naroon sina Brian at Zoro, mga kitchenware ang kanilang nilikhang ingay dahil bawal sa lungsod ang mga paputok. Kakaibang new year naman ang sinalubong ng mga taga Kamoteville kasama si Krish dahil nagpapalipad sila ng candle lantern na nagmistulang gamu-gamo sa kalangitan. Sa home association naman na kung saan nakatira si Dhen ay naghahagisan sila ng mga barya sa kalsada para raw suswertehin ang kanilang lugar. Bukod dun ay may group party pa sila at may exchange gifts pa. Sa abroad naman ay ipinagdiwang ni yaya JL ang bagong taon kasama ang mga banyaga. Kakaibang experience ito sa kanya. Ganundin naman ang naexperience ni Aikie. Mula naman sa Bohol ay minor party lang muna para sa pamilya ni Shin. Bar party ang new year celebration ni Seon sa Dagupan at sa Navotas naman ay nakikinew year din si Janaisah sa kanilang lugar. Got to believe in magic naman ang new year celebration ni Arlyn since fan niya ang Kathniel loveteam.
Pagkatapos ng pagsalubong ng sa bagong taon, todo kain at kantahan at halakhak ang ginawa ng mga tauhan sa kwento. Si Reyna Lor ay nagkaroon ng solo performance na kanta at pinalakpakan siya ng mga panauhin. Nagmamajik din si Haring Hero na nagustuhan naman ng mga panauhin. Wala namang pinakitang talent si Prinsepe Bubblegum. Si Prinsepe Jazz ay hindi na nakuhanan ng balita kung ano ang ginawa niyang pagsalubong sa bagong taon sa Malaysia. Si Dr Shineley ay nagsagawa rin ng mad science glow fireworks. Ang mga Nexusians ay patuloy pa rin sa pagsasaya hanggang magdamag. Pati mga tv stations ay 24 oras sa airtime. Ang mga tao sa bansa ay masayang nagdiwang ng bagong taon. Yung tungkol nga pala sa pacontest na pasarapan sa pagluluto ng kamote ay nakuha ng taga Kamote City. Yung mga nasabugan ng paputok, goodluck sa sampung mga daliri.
Ang bagong taon naman ni Angelica ay sa impiyerno kasama ang mga fallen angels at hallows. Si Gwapong Marine ay nagbagong taon sa Kamote Dungeon. Ang kanyang tainga lang ang nag-enjoy sa ingay na nilikha ng Kamote Kingdom. Si Death ay namataang nagnenew year sa internet cafe dahil sa garena online. Si Roy ay solong nagdiwang ng new year habang nanunood sa telibisyon. Si Mikanjane naman ay hindi nagdiwang ng bagong taon. Sa ngayon ay nasa isang lugar siya na hindi pa nadidiskubre ng alamat ni Brian.
Sa susunod na kabanata, abangan ang pagdinig sa kaso ni Gwapong Marine kaugnay sa pagkakasangkot niya sa kamote barrel scam.
HAPPY NEW YEAR
KAMOTE NEXUS