TRIBUTE TO THE SEVEN KAMOTE SINS
Interview with the characters on and off prior to the seven Kamote Sins... ( note: this is their POV's )
SMARTNET: magandang araw po sa inyong lahat. Si Smartnet po ito, ( choice ni author ) isa akong news anchor ng ABS-CBN off cam nga lang. Atin na pong kapanayamin ang ating mga tauhan sa kwento; ang mga bida at kontrabida. Handa na ba kayo?
Erick sound effects --- tenenenetenenene
Smartnet: ok! Wag na nating patagalin, unahin na natin ang ating pitong kamote sins demons na sila: ( base on appearance ) Beelzebub, Mammon, Asmodeus, Belphegor, Leviathan, Lucifer at si Satan.
Hindi ito nasa news, isa itong variety show na kung saan maraming nanonood na audience.
Smartnet: Unahin na natin si Beelzebub. Beelzebub, may nakarating sa aking kaalaman na nanghahasik ka raw sa Smartnet social site at minsan mo na ring hinamon ng away si Haring Hero. Anong masasabi mo sa bagay na ito? Ipaliwanag.
Beelzebub: ( 45 y.o ) Magandang araw po sa inyo at sa mga manonood ( kunwari nasa Tv sila. Wag ng umepal mga readers ha ). Nagulat nga ako na may kapangalan ako sa Smartnet. Ngayon pa lang humihingi na ako ng despensa sa inyo. Hindi ho ako yung Beelzebub dun sa Smartnet, ibang tao ho yun. Demonyo lang ako ng pagkaganid, alam nyo ho namang hospitable ako sa mga bisita di ba? Ibang-iba ako sa taong gumagamit sa pangalan ko na masyadong bastos. Walang modo. Ultimo mga babae kinakalaban. Well, nauuso naman yan sa Smartnet; may nanggagaya ng pangalan at pagkatapos sinisiraan ang reputasyon ng ginayahan. Sanay na ho ako dyan.
Clap clap clap ang mga tao
Smartnet: Singliwanag ng kristal ang pagkapaliwanag mo Beelzebub. Ngayon naman, ikaw Mammon, pansin namin sa kabanta kung saan ka lumabas, bakit hindi ka nag-anyong tao? Bakit sa isang palaka lang nakatuon ang pagbabalat-kayo mo? Ano bang lihim ng katauhan mo? Pakiexplain in ten seconds, go...
Mammon: 0.0 kuan kasi...
Lucifer: Naku! Matanda na kasi yan kaya hindi nagpakatao. Lolo Mony nga tawag namin sa kanya.
Mammon: Shhhh wag ka ngang sumabat kuneho, hindi ikaw ang tinatanong. Ump! ( sabay pukpok sa ulo )
Tawa mga viewers
Mammon: ( unknown ) Wala na kasing time na magpakatao ako sa kabanatang iyon. Mga palaka na kasi kami nung lumabas kami sa eksena, at least palakang tao. Gusto ko lang sanang magbigay ng mensahe, kung ok lang sayo, Smartnet.
Smartnet: Go lang, opportunity mo na to.
Mammon: Maraming thank you ha. Sa mga manonood dyan, kung pwede lang po no, wag nyo namang gamitin ang angkan namin sa mga biruan nyo; yun bang "maging palaka ka" o kaya naman ginagamitan sa idiyomatikong pahayag na "echoserong palaka". Palaka rin marunong masaktan.
Silent mode mga viewers
Smartnet: Makakarating yan Mammon. Ok, dito naman tayo kay---
Hindi pa man nababanggit ang pangalan ng susunod na iinterviewhin ay nagsitilian na ang mga manonood lalo na sa mga kababaihan.
Smartnet: Mukhang may mga tagahanga ka na ah, Asmodeus. Lakas ng hatak mo sa babae.
Asmodeus: Naks! Hindi naman po sa ganun. Baka pagalitan ako ni Seon nito, baka isipin niyang inaagawan ko siya ng papel niya sa chiks. Hehe
Fans: We love you Asmodeus!!! KYAAA!!
Smartnet: Ok game, Asmodeus, sa inyong pitong demonyo, ikaw pa ang napili ni Author na maging supporting actor sa kwento na ito. Ikaw din ang may pinakamaraming appearance sa kabanata. Anong masasabi mo rito?
