121. A Kamote Suspense

37 0 0
                                        

"Your honor, pinabulaanan na naman ni Gwapong Marine ang tungkol sa pangungurakot ng oposisyon at kaalyansa ng Kamote Kingdom ukol sa kamote barrel scam." Ang sabi ni Trams, "Iminumungkahi ko na magkaroon ng prebelihiyo ang mga nasasangkot na pulitiko na magsalita sa husgado upang magpaliwanag. Binibigyan ko sila ng isang araw na palugit na maghanda." Dagdag pa niya. Bulungan na naman ang mga tao.

"Inaaprobahan ko ang iyong mungkahi." Sagot naman ni Senate President.

"Your honor, ano na ang magiging desisyon mo sa Isda Kingdom?" Singit naman ni Ydann.

"Babawiin ng gobyerno ang perang nanakaw ni Gwapong Marine. At ayon sa datus, aabot sa 140 billion ang halaga na ginastos niya sa Isda Kingdom. Isang araw na palugit ang ibibigay natin kay Gwapong Marine at kung hindi siya makakabayad sa nasabing halaga, aangkinin na ng gobyerno ang kaharian niya." Ang naging desisyon ni Senate President.

"H-hindi p-pwede i-yan!" Tanggi naman ni Gwapong Marine na hanggang ngayon ay giniginaw pa rin.

"Wala ka sa posisyong tumanggi Marine. Dapat lang yan sa ginawa mo. Pagbabayaran mo ito ng lahat, hindi kami hihinto hangga't hindi ka naghihirap!" Ang sabi ni Ydann kay Gwapong Marine.

"Dugo at pawis ang nilaan ko para mapatayo ang kaharian ko. Hindi ako makakapayag na gawin n'yo yan sa akin!" Nagsimula ng magalit si Gwapong Marine. Malas lang niya dahil wala na siyang sapat na kapangyarihan na magwala sa sitwasyon niya ngayon.

Lumapit sa gitna si Ydann at nagsalita. Nakatutok naman ngayon sa kanya ang mga camera ng grupo ng media, "Nananawagan ako sa mga mamamayan ng Isda Kingdom na magsilikas na kayo sa isla na yan. Binibigyan kayo ng isang araw lang ng batas para gawin yon. Saka na natin pag-usapan kung saan namin kayo ililipat. Sa mga kawani naman ni Gwapong Marine, pinag-iisipan pa namin kung iaabswelto ba kayo o hindi sa kaso. Pero kapag napatunayang mga kalaban pa rin kayo ng Kamote Kingdom, hindi magdadalawang isip ang korte at ng gobyerno na ipakulong kayo at bigyan ng karampatang parusa. Yun lang." Nagtapos sa bow yung speech ni Ydann.

"24 hrs? That's so mean! Where will my client collect and find the exact amount in just 24 hrs? Could you just adjust the deadline your honor?" Nagrequest si Aeonne ngunit hindi na siya pinagbigyan ni Senate President. Kailangang gumawa na siya ng paraan para umayon sa kanya ang pagkakataon.

"Huwag mo ng balakin pang mag-iskandalo Atty Speaks. Hindi mo kakayaning mag-isa ang lakas ng mga pinagsama-samang Nexusians." Inunahan na siya ni Trams na nakadetect sa kanyang binabalak. Tanging si Aeonne sa Isda Kingdom ang hindi pa nasisiwalat ang kapangyarihan sa istorya at ganundin naman si Trams. Sino kaya sa dalawa ang may mataas na antas sa larangan ng kapangyarihan?

Ang panawagan ni Ydann ay nakarating sa Isda Kingdom. Ang mga tao sa Isda City ay sinugod ang palasyo upang hingan ng paliwanag ng namumuno rito kung ano ang kanilang gagawin. Isinara ng mga kawal ang lahat ng gate para walang makakapasok. Nagwala na ang mga tao. Binato na nila ng kung anu-ano ang mga nasa loob ng boundary ng palasyo. Kawawa ang mga kawal na tinamaan. Yung iba ay umakyat pa sa gate ngunit kaagad ding napatumba. May electric shock pala sa itaas ng tarangkahan na ito. Nakatanggap ng utos ang mga kawal galing sa palasyo na gumamit sila ng dahas kung ayaw kumalma ang mga tao. Ginawa naman nila, binaril nila yung o.a na madlang extra sa istorya. Tumumba ito at duguan. Napahakbang paatras naman ang mga tao na malapit sa tinamaang lalaki.

"Pakiusap huminahon lang kayo, haharapin naman kayo ni Lord Steve... Kung maaari hintayin nyo muna siya na magbigay ng pahayag." Paliwanag ng isang kawal.

"Kailan niya balak na kausapin kami, kapag lumipas na ang isang araw?" Best in acting na pagkasabi ng isang madla.

"Hinuli pala ng mga tagakamote ang mahal na hari. Bakit hindi ninyo yon pinaalam sa amin? Pinagmumukha n'yo kaming tanga!" Sinundan pa ng isang madla.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon