93. Merry Kamote

45 1 0
                                    

Buod

( Mahaba kasi ang mga nangyari eh kaya buod na muna )


December 24 na at may kabalbalang magaganap sa loob ng palasyo. Ganito mag-celebrate ang mga Nexus ng Christmas Party. Yes may party po kami. Simulan na natin...

Sa palasyo gaganpin ang taonang Christmas Party. Inimbitahan ng mahal na hari ang mga Nexus na sa palasyo na sila magpapasko. Present lahat ng dadalo sa nakaraang meeting at sana madadagdagan pa. Umaga pa lang, naging abala na ang mga nasa palasyo para sa pagpeprepara sa party. Nga pala, nung nakaraang araw pa sila nagbunotan kung sino ang kanilang pagbibigyan sa tinatawag nating exchange gifts.

Ang party ay idaraos ngayong 6pm at magtatapos naman ng hatinggabi kaya isa itong mahaba-habang selebrasyon. Nag-imbita pa ng mga kilalang tao sa larangan ng pulitika at negosyo si Haring Hero para rito. Kumuha rin siya ng ilang mga celebrities para makipasko sa gabing iyon.

Todo praktis naman sina Brian at K3U para sa kanilang performance. Sasali kasi sila sa christmas talent contest mamayang gabi. Si K3U ang musician at si Brian naman ang singer. Pagkatapos ng praktis ay sabay na rin silang lumabas para bumili ng kanilang maireregalo sa kanilang nabunot.

Si Reyna Lor ay abala sa pag-iisip ng kanyang maisusot sa party. Yung wardrobe niya ay puro sexy. Iilan lang yung matatawag niyang formal attire. May habit pa naman siya na kapag naisuot na niya, hindi niya na pwedeng gamitin ulit, kaya ang bagsak niya ay nagpatawag nalang siya ng sikat na gumagawa ng gown ora mismo.

Ibubuking na natin ang mahal na Haring Hero kung ano ang binabalak niya. Magsusuot siya ng Santa costume at manmumudmod siya ng regalo sa lahat. Abangan yan mamaya.

Si Prinsepe Bubblegum ay nagtawag pa ng magandang babae para maging partner niya mamaya sa party.

Sina Ydann at Paulene ay magkasamang nilibot ang kaharian para sa mga batang nasa bahay-ampunan. Iniimbitahan nilang sa palasyo na ang mga ito magpapasko.

Sina Erick at Mary Joy ay sasali rin sa contest. Partner sila sa samba.

Abangan din ang surpresang production number ng ating Kamote Rangers Nexus.

Mag-aala Dreamgirls daw sina Chen, Krish at Dhen na ngayong araw lang nagpraktis. Naisipan nilang sumali ay dahil naghahabol ng premyo si Dhen, hinila lang niya ang dalawa para naman hindi siya kakabahan magperform. Sinubukan nga pala ni Krish na kontakin si J-mae Shin na pumunta pero tumanggi ito na dumalo. Nahihiya raw si Shin dahil siguro nung nangyari kamakailan. Nagpaabot naman daw ng mensahe si Haring Hero kay Shin na bukas ang pinto ng palasyo para sa kanyang pagbabalik. Ewan kung kailan niya gusto ulit magpakita.

Pagbubutihan naman ni Chen ang pagkanta para kahit paano ay maimpress niya si Boss niya.

Sina Marquee at Macky ay mag-eexhibition gamit ang kanilang mga sandata. Sasali rin sila sa contest.

O siya, yan lang muna ang ating pasilip sa kinaabalahan ng lahat sa palasyo.

Simulan na ang party!


6pm ay napuno na ng mga tao ang bulwagan ng palasyo. Nagsidatingan na yung mga family and friends ng friends ng friends at ng friends ng mga inimbita. Ang dami eh.

Mabuti nalang ay naglaan ng malaking budget sa pagkain si Haring Hero para sa okasyong ito. At kung sa pagkain din lang ang usapan, sina Ranth Heart at Transam na ang nakatokang maghanda niyan at tiyak bubusog ang tiyan ng mga tao rito. Hindi naman nila maluluto yung pagkain kung sila lang di ba, may mga madlang extra silang kasama riyan kaya no worries.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon