161. The Unknown From Kamote

7 0 0
                                    

Sa isang malayong lugar naman dito pa rin sa Pilipinas siyempre, may isa pang karakter dito ang hindi nagpunta sa Philippine Arena para sumuporta sa kanyang kanexus, si Shin.

Kasalukuyan siyang may ginagawa sa school's office ng mga MarEn nang mapanood niya ang isang laban ngayon sa Tv. Nandun sa screen na iyon si Krish at makakalaban pa niya si Unknown ngayon...

"Bessy!" Pawang nagulat pang sambit ni Shin. Mga ilang buwan na pala buhat nang hindi na sila nagkikitang dalawa?

Ganito pala sa pakiramdam ang taong mamimiss mo na ng sobra na hindi mo nakikita ng personal. Sandaling huminto si Shin sa kanyang ginagawa para naman mapanood niya ang laban ng kanyang kaibigan at para masuportahan na rin kahit papaano.

"Go Bessy! Galingan mo ang laban para sa kamote yan!" Dasal pa niya.

--------------

"Okey! Nakahanda na ako!" Anang si Zircon. Lumipad pa siya at nagpaikut-ikot na para bang nagpapaimpress sa mga manonood.

Ano kaya ang kanyang gagawin?

Unknown: ...

"Gawin mo na, Zircon!" Sigaw naman ni Krish. Tumango naman din si Zircon.

Pagkatapos nun ay may inilabas pa siyang mikropono para sa kanyang pagpapalabas ng kapangyarihan. Ito nga pala ang katangian ng isang jewel kamotepet, ang umawit na may halong kapangyarihan...

"Heto na 'ko..." At bumwelo pa itong si Zircon bago siya umawit ng kantang Colors of the Wind. Masyadong makaluma na pero may bangis sa bawat salita na kanyang binibigkas.

Napakinggan iyon ng lahat ng tao.

Ano kaya ang epekto ng tinig ni Zircon sa mga tao? Well, guess what, wala naman dahil ang tinatarget lamang ng kanyang boses ay walang iba kundi si Unknown.

"E-e-errr . . ." Tila ba may kakaiba ng nangyayari ngayon sa katawan ni Unknown sa kalagitnaan ng pagkanta ni Zircon, bagay na napapansin din ni Krish.

"Tuloy mo lang Zircon!" Sambit pa ni Krish dito.

Parang tatapusin naman ni Zircon ang buong kanta sa side na ito. Nakakamangha rin ang microphone niya dahil nag-eemit yun ng music ng kanyang kinakanta ha.

Ang mga reaksyon ng mga hurado...

Kamotedite: Guys, ako lang ba ito o sadyang may mangyayari na ngang kakaiba na di ko alam? Pakiexplain nyo nga sa akin.?.

Kamothena: Sorry pero maski ako'y wala akong nakikitang pagbabago. Ydann, di ba may alam ka sa powers ng kamotepet ni Krish? Magshare ka naman ng knowledge mo rito oh.

Ydann: Am ah, sige. Sa pagkakatanda ko, yung kamotepet ni Krish ay kumakanta talaga at may epekto yun sa kanilang tinatarget. Hindi ko alam kung ano ang epekto ng kanyang kinakanta ngayon pero tinitiyak kong merong kaakibat na magic ang lyrics na kinakanta niya.

Kamotedite: Aabangan nalang natin kung ano ang mangyayari.

Dreamer: Hayan na mga kaibigan! Mukhang nagkakaroon na nga ito ng epekto sa kalaban ni Krish. Ano kaya ang nangyayari sa kanya ngayon?

"Uraaaahhhh!" Napapasigaw nang bigla si Unknown. Para siyang nagwawala o nababaliw. Sandaling napapaatras si Krish dito.

"Ahhh, napaano ba siya? Ano bang ginawa ni Zircon, Baet?" Walang ideyang tanong ni Krish. Sa kanya galing ang magic power pero di niya pala alam kung ano ang silbi ni Zircon.

"Panoorin mong maigi, Boss. Dito na malalantad ang pagkatao ng kalaban natin." Sagot naman dito ni Lulu.

"...all the colors of the wind..." At dito na rin natapos ni Zircon ang buong kanta niya. "I'm done Maam. Pwede na akong umalis ngayon."

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon