54. Twins Of Kamote

102 1 0
                                    

Sa gitna ng kamuntikan na pagkatalo ng grupo ni Brian, dumating ang dalawang royal knights para sila ay iligtas sa kamay ng mga shadow kamote.

"Kung hindi kayo dumating, baka nagkalasug-lasog na itong mga katawan namin." Ang sabi ng sugatang si Dhen.

"Mamaya na muna tayo magpasalamatan. Unahin na muna natin yang gamutin ang mga sugat nyo." Pigil sa kanila ni Lulu, "Boss, gamitin mo yang kulay bahaghari na jewel, nakakapaggamot yan."

"Ok..." Sabi ni Krish. Pagkatapos... "Ikaw jewel na nilikha ni Lulu, iwaksi mo ngayon ang iyong nakaraan, magbago ng anyo. Sundin ang pinag-uutos ko, Opal!!!"

Sa pagsambit ni Krish sa pangalang Opal, isang kahawig ni Hello Kitty ang nagpakita na kulay bahaghari. Siya ang jewel kamotepet na si Opal.

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Magalang na sabi ni Opal.

"Pakiusap, pagalingin mo ang mga sugat sa aming katawan." Sabi naman ni Krish na pumupungay pa ang mata. Nakukyutan kasi siya sa pusa na ito.

"Masusunod po." Sabi ni Opal at saka siya kumanta ng Heal the World.

Oh hayan. Gumaling na sina Dhen, Krish at Brian. Si Chen hindi pa rin gumagalaw eh. Kailangan pa niya ng refill ng gasolina para umandar siya. Mamaya na nga muna siya. Sa ngayon ay ang pagtatagpo ng mga bida sa dalawang royal knights na sina Mark Alvin at Mark Lester.


"Ngayon ko lang sila nakita pero matagal ko ng naririnig ang royal knight sa palasyo." Sabi ni Ydann sa gitna ng kanilang pag-uusap.

"Sabi kasi sa alamat, ang mga royal knights ay kumikilos lamang sa mga napakamahalaga at napakahirap na misyon na binibigay ng palasyo. Ito ang kategorya na SSS-class mission." Kwento ni Brian.

"Ibig sabihin, mga magagaling sila at ang pagrescue kay Haring Hero ay isang SSS-class?" Panigurado ni Dhen. Tumango naman si Brian. May namumuo sa isipan ni Dhen, masilip nga...      *Ayos ito!! Tiyak na malaking salapi ang ipapabuya ng reyna sa amin sa oras na matapos namin ang misyong 'to.*

Hindi pa pala nakapagpapakilala ang dalawang royal knights na ito.

Sa nakaraang kabanata, pinakilala na sila sa pangalang Mark Alvin at Mark Lester, sila ay kambal na Royal Knights. Sekretong agent ng palasyo na batay sa kwento ni Brian ay nagpapakita lang sa mga mahihirap na misyon gaya ng pagpunta nila ngayon sa Rizal.

Si Mark Alvin ang tipong maangas, astigin at nakakalalaki yung kanyang boses sa pagkatigas ng pananalita. Si Mark Lester naman ang kabaliktaran ni Alvin. May pagkaartehin, at mahilig sa pananalamin, conscious siya sa kanyang mukha. Ginagaya niya ang buhok na pinasikat ni Justin Beiber nung nagsisimula palang ito. Si Lester din ay may pusong mamon.

"Bakit nagpunta pa kayo rito? Delikado ang lugar na ito." Sita sa kanila ni Mark Alvin o kilala sa tawag na Marquee.

"Gusto lang naman naming mailigtas ang hari natin." Sagot ni Krish.

"Mailigtas ang hari nang ganyan ang mga suot ninyo? ( casual attire ) Wala man lang kayong proteksyon sa katawan? Pano kung aatake ulit ang mga shadow kamote? Buti dumating kami ni Macky." Nagsisermon si astiging Marquee.

"Oo nga pala, di ba nauna kayong nakarating dito sa amin?" Iniba na ni Brian ang usapan, "Gusto ko lang malaman, kumusta ang paghahanap ninyo sa mahal na hari? Hindi kasi matiyak ng lagusan ni Krish kung saan ang eksaktong lokasyon ni haring Hero eh."

"Hinahanap nyo rin ang hari?" Sabi ni Macky. Nakatingin sa kanya ang lahat. Si Macky pala yung tipong out of sense yung pananalita. Parang malayo sa tumpok na pag-uusapan.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon