143. The Throne Of Kamote

10 0 0
                                    

Kamote Nexus movie

Erick/K3U sound and music effects: dj uagw ur udka gdbfmml

Nagimbal ang lahat sa salitang ito...

"Ako, ang hari ng Kamote Kingdom, hayagan kong sasabihin sa inyo na mula sa gabing ito ay dinideklara ko na ang aking pagbibitiw sa pwesto bilang hari."

All:     ●︿●     ●︿●     ●︿●

"Ano'ng sinasabi ng hari?" Kinabahang sambit ni Prinsepe Jazz habang nililingon ang palasyo. Ito na ba ang resulta sa pagpupumilit niya na mabago ang hinaharap? Tila naging mas maaga pa yata ang naging dahilan ng pagtatagumpay ni Colgate, bagay na hindi kalkulado ng prinsepe o ng kahit sino sa Kamote Club.

"Err, hindi maaari ito!" Ang sabi ni Hero sabay talikod sa laban. Walang anu-ano ay naglakad siya patungo sa palasyo. Hinabol naman siya ng prinsepe sabay tapik sa balikat nito. Ilang saglit pa ay naglaho silang dalawa sa gitna ng laban.

***

"Burning slasher! Hindi pa huli ang lahat! Kailangang hindi magwagi ang kasamaan!" Kumento ni Ydann habang nakikipaglaban.

"Ayokong pagharian ng isang tulad ni Colgate ang bansa natin kaya lalaban ako nang sagad sa lakas ko... Mega flame!" Binuhos na rin ni Seon ang kanyang kapangyarihan.

"Hindi tayo basta nalang susuko. Hangga't kaya pa nating lumaban, magtatagumpay tayo!! Rock missile!" Sinagad na rin ni Shin ang buo niyang lakas.

Mga Kalaban:    Uwaaaahhh!!

***

"Ang aking tungkulin na pangalagaan kayo at panatilihing mapayapa ang bansa na ginampanan ko sa maraming panahon ay dito na magwawakas. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo, sa inyong walang sawang pagsuporta sa akin at sa aking mga kawani. Taos puso ko ring pinasasalamatan ang mga hukbong handang ibuwis ang kanilang buhay-"

"Itigil mo na yang walang katuturang talumpati na yan!" Sandaling naputol ang pagsasalita ng hari ng Kamote nang lumitaw ang isang lalaking nakasuot ng malapari na kasuotan sa kanyang harapan, si Hero. 

"Hero, at Jazz!!" Medyo lumaki ang mata ni Colgate sa gulat. Hindi niya naramdaman ang presensya ng dalawa nang dumating ito sa kinatatayuan nila ngayon.

"Ang mahal na hari..." Nag-aalalang sabi naman ni Prinsepe Jazz habang minamasdan ang hari na tinutukan ng baril, "Wala ka talagang respeto Colgate! Sukdolan na talaga ang kasamaan mo!"

"Oops! Huwag na huwag kayong magkakamaling gumalaw nang di naaayon dahil hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang buhay nitong hari na ito." Ang sabi ni Colgate sa yabang na tono. Napalunok naman ng laway ang hari nang marinig niya ang kalabit ng gatilyo ng baril na nasa kanyang sintido.

"Bakit kayo sumusuko kaagad nang hindi sinusubukang lumaban? Hindi pa tapos ang digmaan mahal na hari. Mas mahalaga pa ba sa iyo ang buhay mo kaysa sa daan-libong bumuwis ng buhay alang-alang sa kahariang ito?" Galit na sinabi ni Hero sa mahal na hari. Bahagyang natigilan ang prinsepe sa narinig. Di niya akalaing biglang nagkaroon ng tapang si Hero, ang tatangang Hero na di pa matured mag-isip. Ang mahal na hari naman ay hindi makapagsalita.

"Tama na ang satsat Hero, narinig niyo na ang dapat niyong marinig. Binitiwan niya na ang pagiging hari. Ngayon, ang kailangan mo lang gawin ay sabihin sa lahat na ako na ang itatalaga mong hari magmula ngayon. Sige na!!!" Pinagpipilitan talaga at minamadali pa ni Colgate ang maluklok siya bilang bagong hari. Garatal namang sumunod ang hari ng Kamote.

"Ako ay, ako ay mawawalan na ng respeto sa iyo sakaling isuko mo na ang trono mo." Nasa mahinahong boses mula kay Hero, "Ano nalang ang iisipin ng lahat? Na isang duwag ang kanilang hari? Hindi marunong lumaban? Hindi pa huli ang lahat mahal na hari... Bawiin mo ang sinabi mo kanina, pakiusap."

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon