Isang napakagandang umaga ang sumalubong kay Ydann sa kanyang paggising. Nasa kama pa rin siya sa palasyo. Nakakamiss na rin. Dati kapag nagigising siya, parati siyang nauuna sa dalawa. Kapag oras ng tulugan, siya din yung huling natutulog. Binibigyan niya kasi ng curfew sina Brian at Trams hanggang 12mn ay kailangang tulog na sila. Ngayong nagising siya na mag-isa, nalulungkot tuloy siya.
Nakwento na rin kasi ni Reyna Lor sa kanya ang nangyari kina Brian at Trams. Si Trams ay naging private lawyer sa Negros habang si Brian nama'y nananatili pa rin sa palasyo. Ilang oras lang din ay babalik na yun dito sa palasyo. Magkikita na ulit sila.
May kumatok sa pinto...
"Pasok." Sabi niya habang inaayos ang sarili.
Bumukas ang pinto, si K3U, "Kuya Dan, nandyan na sa labas ang media. Mag-iinterview na daw sila sa inyo ngayon."
"Oh sige, bababa na ako, salamat." Tahimik lang ang aura ni Ydann. Magsasalita na siya tungkol sa naganap kahapon. Maraming nawasak na kabahayan lalung-lalo na sa Quezon. Magiging mahinahon lamang siya sa mga katanungan na kanyang haharapin sa araw na ito.
Nakaramdam siya ng sakit sa tiyan... Kinakabahan ata sa press. Pumunta muna siya ng banyo at nagbawas. Pagkatapos ay saka niya hinarap ang media.
May isang mahabang mesa. Nakaupo na roon sina Mary Joy, Roy, Nanah, Transam at Ju Lee Shin na kasali sa interview. Sumingit na rin si Ydann at umupo na sa gitna. Maraming mga camera ang nakaharap sa kanila, mga reporters sa tv, radyo, diyaryo at sa internet ang haharap sa kanila. Ilang sandali pa ay sinimulan na nila ang pagsasalang ng mga katanungan...
ABS-CBN: Natapos na ang gulo at naging normal ka na rin Ydann. Ano na ngayon ang balak niyo pagkatapos nito?
"Ako ay nagpapasalamat sa mga tumulong na maibalik ako sa dati kong kalagayan. Ako'y lubhang nalungkot sa sinapit ng mga lugar na aking sinira. Kasalanan ko ang nangyari. Kung may magagawa lang sana ako para pagbayaran ang kasalanang iyon, gagawin ko po..." May muta na sa gilid ng kanyang mata ang nabuo.
GMA: Balita namin, kinidnap daw umano ang ating mahal na hari. Paano magagampanan ng palasyo ang tungkuling pangalagaan ang ating bansa niyan?
"Sa ngayon ay ginagawa na ng palasyo ang paghahanap sa mahal na hari. Pinapaimbestigahan ko na rin ang kanyang kalagayan. Huwag po tayong mag-alala, makakabangon po tayo. Tutulong naman ang gobyerno sa pinansyal para sa pamilyang nawasak ang tahanan. May sapat pa po tayong pera para rito. Makakaasa po kayong magagampanan ni Reyna Berdos ang pagiging pangulo sa bansa habang wala pa si Brad Hero." Tuwid na pagkakasagot ni Ydann.
YAHOO: Ano naman ang masasabi ng mga nanalo sa Kamote Amazing Race sa problemang kinakaharap ngayon sa ating bansa?
"Pagsusumikapan kong itaguyod ang pagpapastol sa mga baka sa Bohol pag-uwi ko." Sagot ni Roy.
"Magtatayo naman ako ng fans club para sa Kpop fanatics at magpapafund racing na rin upang makatulong." Si Nanah.
"Magbibigay din ako ng libreng tindahan sa Quezon sa loob ng isang linggo para makatulong." Parang nagdadalawang isip sa sinabi si Mary Joy.
"Nakapagdesisyon naman po akong hanapin si haring Hero tutal wala naman akong gagawin sa palasyo." Sabi ni Shin.
"Babalik naman ako sa Kamote City at ipapasubasta ko yung mga gawa kong kamote arts." Sabi ni Transam.
Wow ha, ang lapit ng mga sagot nila.
Nyways, mahaba-habang conversation pa yung mga nangyayari. Natapos yun ng isang oras. Hanggang dun lang kasi ang interview portion.
