103. Kamote And Isda: Survivor Of The Fittest

46 1 0
                                    

Recap na muna sa previous chapter...

Lahat ng kawal sa palasyo ay hinahanap ang grupo ng mga kamote at napag-alaman nilang kumampi na sa mga ito si Zaidac.

Naencounter naman ni Roy sa control room si Nissy na masyado namang misteryoso.

Sina Brian at Zoro naman ay papunta na sa pintuan na may nakasulat na 'dolphin' upang makapagtago.

Sina Zaidac at Ranth naman ay nakipaglaban sa dalawang royal knights na sina Que-c na nagpalit anyo bilang si Sorceress at si Razor na naging si Berserker.

Sina Que-c at Razor ay kapwa mga adik sa isang online game na Isdala. Doon sa game na iyon sila nagkakilala, nagbabatuhan ng mga patutsadang salita at the same time ay naglalaro rin. Isang araw ay may contest kung saan kailangang makalikom ng 200 octillion kada karakter para makapasok sa tinatawag na ending game. Ang premyo, dalawang isda stone na magbibigay ng kapangyarihan sa sinumang mananalo. Ang Isdala ay palaro na nilikha ni Gwapong Marine upang hanapin ang mga karapat-dapat na maging royal knight. Upang makapasok sa ending game, nagpakasal ang mga karakter sa laro nina Que-c at Razor upang maging isa ang ari-arian nila hanggang sa makalikom sila ng ganoong halaga. Ang nakasali sa ending game sa buong bansa ay nasa 64. Isa lamang ang namumukod tanging nanalo at ito ay si Razor. Iginawad sa kanya ang isda stone na kulay tsokolate habang yung naging partner niya sa laro na si Que-c ay nakatanggap ng isda stone na kulay indigo. Pagkatapos nun ay kinuha sila ni Gwapong Marine para pagsilbihan ito. Ang dalawa ay isinanay sa mga dalubhasa sa martial arts at para na rin magamit ng husto ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila. Nang itinayo ang palasyo ng Isda, doon na tuluyang nanilbihan ang dalawa at sa kanila ipinatong ang ranggo ng royal knights.

Kapag isinigaw nila ang pangalan ng kanilang kapangyarihan, sila ay magbabago ng kasuotang baluti na singkulay ng mga batong pagmamay-ari nila. Si Razor bilang si Berserker, ang kanyang baluti ay malahalimaw na may kakapalan ang baluti at napapalibutan ng mga tinik saanmang parte ng katawan. Meron din siyang buntot na abot hanggang sahig. Lahat nun may tinik. Yung helmet naman niya ay may mataas na buhok na matutulis na parang spikes na buhok. Ang sukat ay isang talampakan bawat hibla. Ganudin sa kanyang mga kuko na may matutulis na claw armor. Si Que-c naman na bilang si Sorceress ay may manipis na baluti na parang tela lang. May suot siyang matulis na sombrero at botas nahanggang gitna ng binti. may gwantes na hanggang siko at may kasama pang staff na pangsalamangka talaga.

Sila naman yung counterpart ng kamote royal knights na sina Marquee bilang Lancer, Macky bilang Archer at Libra bilang Crusader.


Sa pagpapatuloy ng kwento...

"Mga zodiacs, tikman nyo to!!?" Sabi ni Berserker sabay pose at "earth shaking!" Ang kapangyarihan niya ay sa lupa. Nagkaroon ng pagyanig dahilan para mawala ng balanse ang dalawa. Ginamit naman ni Zaidac ang kanyang isdang manok na agimat para makapaglevitate sa ere habang si Ranth naman ay inilabas ang kanyang si Kamote Virgo na may kakayahan sa paggamit ng mga maliliit na lagusan para makaiwas.

"Mabilis kayong mag-isip ha. Tikman n'yo naman itong gagawin ko, magic circle activate." Ito naman ang kapangyarihan ni Sorceress na makalikha ng magic. Limitado yung magic circle. Tatalab lang ang mahika sa sinumang nasa loob ng bilog na ito. Parehong may bilog sa paa ni Ranth at beywang ni Zaidac. Kasunod nito ay kinuryente sila ng hanggang sampung segundo. Pareho na silang bumagsak.

Hindi na ito binigyan ni Berserker na makatayo dahil sinundan niya iyon ng isang earth smash na tumama sa mga ito. Parehong nagpagulong sina Ranth at Zaidac.

"Yun na ba yon? Para lang akong kinikiliti." Nasabi yon ni Zaidac dahil gamit niya ang agimat ng isdang aso na imortal.

"Maayos ka pero yung kasama mo naman ay hindi makatayo." Nakangisi si Sorceress. Lumingon si Zaidac sa kinaroroonan ni Ranth.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon