Anong kamotehan kaya ang nangyari kay Krish?
Ang gahiganteng kuhol na nakita ngayon ni Ydann ay si Belphegor. Kung pano nangyari ito, isalaysay nalang natin...
Habang nasa kama si Krish nun, bigla siyang nakaramdam ng mabigat sa katawan. Tinatamad siyang gumalaw, wari niya'y gusto niya ng walang ginagawa... Yun bang lazy song ni Bruno Mars lang ang kadramahan niya. Siya namang pagdating ni Belphegor sa anyong maliit na kuhol at siya'y binulungan ng kung anu-ano na nakakatamad. Sulsol para tuluyang mahulog sa patibong itong si Krish. Ang bulong na yaon batay na rin sa kanyang kademonyohan ang siyang kumain sa isip ni Krish dahilan para siya'y makatulog nang mahimbing. Pagkatapos ay isinilid siya sa malaking shell ni Belphegor. At dito nagtatapos ang kwento.
"Sino ka?" May bigat sa boses ang pagtatanong ni Ydann, "Magpakilala ka!"
"Hehehe, ang pangalan ko ay Belphegor, isang demonyo ng kamote sin." Hmmm may pagkamabagal kasi magsalita si Belphegor eh. Sa next dialogue ko nalang iemphasize ang kabagalan niya sa pagsasalita.
"Belphegor?!" Pagkaklaro naman ni Ydann.
Samantala naman, nasa baybayin na ngayon sina Brian at Asmodeus na nagmamadali sa pagtakbo. Naikwento na kasi ni Asmodeus kay Brian ang nangyayari sa Snail Inn kaya naman nagmamadali na silang puntahan ang mga kasama. May hinala na pala si Asmodeus kina Den-den at Moshi na mukhang hindi mapagkatiwalaan. Buti na lamang ay naagapan niya ang pagtangkang pagpatay kay Brian. Sa ngayon ay naiwan sa dagat ang bangkay ni Moshi. At habang tumatakbo sila, nagbigay muna ng impormasyon si Asmodeus tungkol sa demonyong in charge sa Kamote Paradise...
"Ang demonyong utak sa pagpapatakbo sa Kamote Paradise ay si Belphegor." Panimula ni Asmodeus, "Isa siyang demonyo ng katamaran. Tinutukso niya ang mga taong pagod, kapag nahulog sa kanyang mapang-akit na bitag, nilalagay niya ito sa shell para higupin o sipsipin ang negatibong enerhiya ng kanyang mabibiktima. Aatakehin niya ang ispiritwal na enerhiya ng mga mabibiktima niya hanggang sa maging kuhol na ang mga ito."
"Parang katulad sa nangyari kay Dhen na naging baboy." Ang sabi naman ni Brian, "Wag naman sanang maging biktima ang mga kaibigan ko."
"Kaya nga kailangan na nating magmadali." Pahabol ni Asmodeus, "Alamin natin ang pinaplano niya."
"Oo nga." Tipid na sagot ni Brian.
Sa labas naman ngayon ng Snail Inn ay nandun ang apat na bida. Hinabol sila ng mga shadow kamote. Tila nahulog sila sa bitag dahil inaabangan na pala sila ng lider ng mga shadow kamote na si Oni Kamote sampu ng iba pang mga shadow kamote. Inatake na nila ang mga bida bago pa sila makalaban na. Lumikha ang mga ito ng napakalaking haligi para maikulong sila Archer, Chen, Lancer at Sailor Kamote. Nagtagumpay naman sila. Ilang sandali pa'y may naririnig silang nakakainis na halakhak ng babae na nanggagaling sa kawalan. Hinanap ng mga bida kung saan ito galing. Di nagtagal, ang tawang iyon ay kanila ng nakita. Ito ay walang iba kundi si Mistress Mikanjane.
"Ang dating host ng Kamote of the Philippines, ang inglesirang si Jana Carlie." Pagpapakilala ni Dhen sa mga kasama.
"O kilala ngayong si Mikanjane." Pagtatama naman ni Mistress Mikanjane, "Mapalad kayo at pinuntahan ko pa talaga kayo sa resort na ito. Para kasi sa inyong kaalaman, nagsasayang lamang kayo ng oras na iligtas ang inyong mahal na hari. Alam nyo ba kung bakit?"
"Anong ginawa mo kay haring Hero?" Matigas na tanong ni Lancer.
"Akin na." Sumenyas si Mistress Mikanjane kay Oni Kamote para maiabot ang hawak nitong betamax sa kanya.
"Heto na po, Mistress Mikanjane." Magalang na pagkasabi nito. Lumapit ang dalawang shadow kamote na may dalang paglalagyan ng betamax at ng Tv na rin.