64. Bring Down The Kamote

88 0 0
                                    

Tumayo si Marquee sabay sigaw sa kanyang pagpapalit-anyo, "LANCER!" At yun din ay kaagad siyang gumamit ng sibat upang sirain ang pader. KABOOOOM!!! Wasak ang pader. Lahat ng nandun ay gulat na gulat sa biglaang pag-atake ni Lancer.

Parehong nakatapis na sina Krish, Dhen at Chen na dali-daling umakyat sa hot spring. Sabay silang nakahanda para sa susunod na pag-atake ni Lancer.

"Tama na nga yan, Lancer!" Awat dito ni Asmodeus. Nagtilian naman ang ilang mga kababaihan sa tabi-tabi nang makita ang hubog ng katawan ni Asmodeus. Nakalimutan kasi niyang takpan ng bimpo yung ano niya. Huli na nang mapansin niya 'yon kaya bumalik nalang muna siya sa pagkababad sa hot spring. Yung tatlong bebot, napamulahan ng mukha. 

"Heto na'ko, Deep Spear!!!" Sigaw ni Lancer nang sugurin niya si Krish. Halatang napupuno na siya sa pagmumukha nito.

"Subukan mo lang saktan ang boss ko kundi malilintikan ka talaga sa akin!" Banta pa ni Lulu na kakarating lang.

Sinangga ng malabakal na braso ni Chen ang pag-atakeng iyon ni Lancer. Nagkadutdutan sa pagitan nilang dalawa. Nagtransform naman si Dhen para maging si Sailor Kamote at nang makipaglaban na rin. Hindi naman tama na pagtulungan ng mga kababaihan ang nag-iisa lang na royal knight kaya naman nagpalit ng anyo na rin si Macky sa pagiging si Archer nang sa gayun mabackupan niya ang kakambal niya. 

Hindi na pumatol sa alitan si Ydann kasi nagsasayang lang siya ng oras para patulan ang simpleng awayan na ito. Nagpalitan ng mga powers ang dalawang panig. Nagsipag-alisan naman ang ibang mga tao dahil nagkakagulo na sa hot spring. Ang may-ari ng hot spring na ito ay naalarma na rin. Marami na kasing ari-arian ang nasisira sa awayan ng mga bida. Kaya naman, pinakawalan ng may-ari ang alaga nitong sampung mababangis na liyon upang patigilin ang mga nag-aaway.

Sa kaliwa at sa kanan, naroroon ang mga liyon na handang lumapa sa kanila. Aba't hindi natinag ang mga bida na nagpatuloy pa rin sa pakikibaka.



Erick sound effects   --- thugsssh paw urff arkk boogzz plak!!!



Di nagtagal, ang anticlimax ng labanan na walang nanalo, sa huling pag-atake ng mga babae at ng royal knights, napaghiwalay sila ng mga bolang tubig kaya sila huminto sa laban. Nagkatinginan sila. Nagsitakbo naman palayo ang mga takot na liyon.

"Ikaw ba ang may likha nun, Marquee?" Tanong ni Archer kay Lancer.

"Hindi ako ang maygawa nun ha." Tanggi naman dito ni Lancer.

"Kung ganun, sino?" Sa wakas may sense na yung pananalita ni Archer.

"Mukhang pamilyar sa akin ang bolang tubig na ito ah." Ang sabi ni Dhen na nakapameywang pa.


"Blah blah blah..."


Teka nga muna, kanino palang linya yun? Nanlaki yung mga mata nina Ydann, Krish at Dhen nang marinig nila ang boses na iyon na nanggagaling sa isang kilalang tao. Halos maluwa yung mata ng tatlo nang makita ang tao sa gawing likuran na nakaboxer shorts lang...


KRISH+DHEN+YDANN : Liit??? ( with matching twinkling eyes pa )

"Oo ako nga to." Ang sagot ng bagong dating sa eksena na si Prinsepe Bubblegum, "Nandito rin pala kayo? Para ano? Magbasag-ulo?"

Napahinto ang mga bida sa kanilang ginagawa nang dumating si Prinsepe Bubblegum at marinig ang kumento nito. Bumalik sa kanilang isipan kung ano ang dahilan ng pagpunta nila sa lugar na ito. Pero bakit kaya nandito rin ang mahal na prinsepe?

"Papaano ka ba nakarating sa lugar na ito, Liit?" Usisa ni Ydann.

"Sumakay ako sa flying carpet, nagtungo ako sa Rizal para hanapin ang ama ko." Sagot naman ni Prinsepe Bubblegum sabay tingin kay Chen. Ang lagkit ng tingin niya rito. Matandaang may nangyari sa kanilang dalawa nung nasa balong malalim pa sila. Nahulaan ni Chen ang astang iyon sa kanya ng prinsepe kaya naman humingi agad siya ng paumanhin. At dahil hindi mapagtanim si Prinsepe Bubblegum, kakakimutan na niya ang eksenang iyon... Nakakahiya pa naman din balikan ang eksena na iyon.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon