"Tanggapin nyo po ito, laser beam!!" Ang sabi ni Chen sa kanyang kalaban. Gumamit siya ng laser beam mula sa kanyang mata. Sinangga naman ito ni Reneth at kampante siyang maililigtas siya ng kanyang suot na baluti.
"Yan lang ba ang kaya mong ipakita?" Saad ni Renz.
"Tatlong minuto na po ang nakalipas. Dalawang minuto nalang ay tapos ka na po." Nasa mahinahong boses naman ni Chen.
"Argh! Hayan ka na naman eh! Kanina pa akong naririndi dyan sa pagbibilang mo ng oras ha!" Galit na si Renz.
"Sige po, dalian na po natin." Sabi pa ni Chen na ngayo'y naglabas na naman ng panibagong tira... "Finger tentacles!" ( humaba nga ang kanyang mga daliri na parang galamay ng octopus )
"Kamotequip, Purgatory Armor!" Sigaw naman ni Renz nang magpalit na naman siya ng kanyang costume. ( shiiiing )
Hayun, sinalakay na ng mga galamay ni Chen si Renz. Nagtatatalon si Renz na parang nagchinese garter sabay gulong at split, may pahabol ding tumbling para iwasan yun. At siyempre, sinabayan din niya ito ng hampas sa kanyang hawak na espada. Naputol ang mga galamay ni Chen. May dalawa pang natira at ito yung pumulupot sa katawan ni Renz. Ilang segundo matapos nun ay kinuryente niya ang kalaban.
"Kyaaaaa!!!" Ang sigaw ni Renz. Kuryentehen ba naman ng one million volts?
Bumagsak at nangisay si Renz.
Ganap na ang pagkapanalo ni Chen at paniguradong makakascore na naman siya nito kay Haring Hero.
"Wag kang magpakasaya dahil hindi pa tapos ang ating laban!" Ang sabi ni Renz na unti-unti ng tumatayo. Wow ha, akalain mo yun, nagawa pang makatayo ni Renz sa kabila ng pagkakakuryente sa kanya? Kamazing!
"Sa natitira mong isang minuto, anong gusto mong magiging mitsa ng iyong pagkatalo; magilitan ng leeg o mamatay nang walang nararamdamang sakit?" Nakakatakot man pakinggan ngunit magalang naman ang pagkasabi nun ni Chen.
"Asa ka pa, hindi ikaw ang papatay sa napakaganda kong mukha!" May angas pang sabi ni Renz... "Kamotequip, Heaven's Wheel Armor!!!" At nagbago na namang muli ng costume si Renz.
"Tsk, hindi na po kayo nadala." May panghinayang pang sinabi ni Chen, "Missile!" At pinakawalan na ni Chen ang kanyang ultimate weapon. Sinong nakakaalala sa atake na ito? Yun bang nasa ilalim sila ng balon nun? Ito yung ginamit dati ni Chen nung nilalabanan niya pa sina Kamote Rider 666 at Prinsepe Bubblegum! Ngayon ay ginamit niya ito kay Renz. Ano na ngayon ang gagawin mo Renz?
"Missile?" Ulit ni Renz.
"Five minutes time, and the winner, android Chen... Congratulations." Ang sabi ni Simsimi.
Sa kasamaang palad, hindi na nakayanan pa ni Renz na magpatuloy pa sa laban. Dinakip na siya ni Chen at hindi pa napagdedesisyunan ni Haring Hero ang kanyang hatol dahil hindi pa nagtatapos ang Kamote Hunt. One down, four to go.
Sa kabilang dako naman doon sa sementeryo...
"Jelly ka na ba?" Ang tanong ni Mark Libra sa kanyang makakalaban.
"Ano?" Clueless si Harold, "Sa nakaraang kabanata ko pa naririnig yang jelly na yan ha.!."
Ok, ganito kasi yan Har, si Mark Libra ay isang mangangalakal ng kamote sa bansa. Bunsod ng taghirap sa Pilipinas, siya ay lumuwas sa mga bansang kinabibilangan ng Europa upang magpatuloy sa pangangalakal. Labas pasok siya sa ating bansa hanggang isang araw, lumubog ang barkong sinasakyan niya sa dead sea. Marami ang nasawi, kunti lamang ang nakaligtas sa kagimbal-gimbal na trahedya. Kasama si Mark Libra sa lumubog na barko. Doon sa kailaliman naman ng karagatan ng patay ay may natatanging bagay ang nagligtas kay Mark Libra sa bingit ng kamatayan. Ang bagay na yaon ay tinatawag na batong kamote, ang black kamote na kung saa'y binigyan siya ng napakalakas na kapangyarihan. Matapos siyang iniligtas nito, bumalik siya sa Pilipinas para maging isang royal knight sa palasyo. Tinalikuran niya na ang dating gawi. Ang kanyang pangalan nga pala ay walang kinalaman sa kambal na royal knights na sina Mark Alvin at Mark Lester. Hindi sila magkaanu-ano. Iba ang history na meron si Libra. Kung tungkol naman sa salitang "jelly", kanya lamang yon expression o catch phrase sa bawat pangungusap na binibitawan niya... Jelly na? Wala po itong kinalaman sa expression na alam ninyo. I repeat, kanya lang to.
![](https://img.wattpad.com/cover/9271353-288-k404294.jpg)