111. Kamote And Isda: The Final Battle

38 1 0
                                    

Si Gwapong Marine ay humaharap sa apat na bagong kalaban: ang dalawang tagakamote at ang dalawang kaalyansa na nagtraydor sa kanya. Una niyang tinalo si Brian na ngayo'y wala ng malay. Hawak pa rin niya ang buhay nina Doc Shineley at Griezel.

Hindi pa kontrolado ni Gwapong Marine ang isip ng mga isda minions dahil kontrolado pa ito ni Dra Shineley. Ito rin ang dahilan kaya hindi niya pinapatay ang doktor. Inutusan niya ang doktora na atakehin ang mga kalaban gamit ang mga isda minions, subalit, nang mga sandaling ito ay nakahanap na ng pagkakataon si Dr Shineley na huwag sundin ang hari. Lakas loob niyang inutusan ang mga isda minions na atakehin si Gwapong Marine.

Nang umatake naman ang mga isda minions, kaagad na nilapitan nina Ranth at Roy si Brian para ilayo muna sa laban. Si Gwapong Marine ay nagulat sa ginawa ni Dok Shineley. Sa ikalawang pagkakataong binigyan niya ng chance ang Doktora ay sinira na naman nito ang kanyang tiwala.


"Tapos na ang kaligayahan mo Gwapong Marine, hindi na ako magpapagamit sa iyo!" Saan kaya ngayon kumukuha ng tapang si Dok Shine?

"Hindi ko ikinatutuwa ang pagtatraydor mo!" May galit na si Gwapong Marine. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang remote control sabay tutok sa Doktora, "Sige, magkasubukan tayo ngayon kung sino sa atin ang unang mamamatay!" Dahil sa ginawa ni Gwapong Marine, natigilan si Dr Shineley at napahinto na rin ang mga isda minions. Nararamdaman ng isda minions ang takot ng Doktora kaya sila napahinto.

"Yun ang akala mo!" Isang boses ang biglang nagsalita sa pagitan nina Gwapong Marine at Dr Shineley saka sumagi na parang hangin sa harapan ni Gwapong Marine. Pagkatapos muli itong nagsalita. Sa pagkakataong ito'y nasa likuran na siya ng mga isda minions, "Ito pala ang pinagmamalaki mong remote control sa kwentas nina Doktora at Griezel ha..." Si Zaidac pala ito at hawak na niya ang remote control. Saka palang naramdaman ni Gwapong Marine na wala na sa kanyang kamay ang remote control na ito.

"Ginamit mo ang isdang agimat, ang isdang kuneho na nagtataglay ng kakaibang bilis!" Ani Gwapong Marine, "Hindi ko naisip na ang binigay kong kapangyarihan sa aking tapat na alagad ay gagamitin pala laban sa akin. Isa kang tampalasang taksil!"

"Ibinigay mo nga ito sa akin ngunit hindi ko ito gagamitin sa kasamaan kahit na sabihin mo pang wala akong utang na loob!" Pagkatapos nung sabihin ni Zaidac ay tinap niya na sa screen ng remote control ang remove sa kwentas na nakakabit kina Griezel at Dr Shineley. Sa wakas natanggal na nga. Nagalit siyempre si Gwapong Marine. Tinutok niya ang kanyang palad sa harap ni Zaidac. May lumabas na energy ball mula roon at inatake si Zaidac. Ang bolang iyon ay dumami na umabot sa isanlibo. Damay pati ang mga isda minions sa tinamaan. Nakatago naman si Dok Shineley sa likod ng upuang trono ni Gwapong Marine. Sila Zoro ay tinapatan ang mga bola kaya ligtas sila. Sa kasamaang palad, napurohan ang binti ni Zaidac. Umagos na naman ang dugo roon.

"Kayong lahat na nandito, mga traydor kayo, hindi ko kayo palalabasin sa palasyo nang buhay!!!" Pagkasabing iyon ni Gwapong Marine ay naglabas pa siya ng hindi mabilang na energy balls na tumama sa iba't ibang bahagi ng palasyo. Naubos niya ang lahat ng mga isda minions nang walang kahirap-hirap.

"Imposible! Sa isang tirahan lamang, naubos niyang lahat ang mga isda minions!" Napanganga sa sobrang gulat si Zoro. Ngayon naman ay gagamitin niya ang kamote pea stone ng ginto sabay sugod kay Gwapong Marine nang di nag-iisip. Umatake si Zoro mula sa taas, tinutok ng kanyang sandata si Gwapong Marine ngunit hindi man lamang ito natinag. May lumabas na barrier sa harapan nito kaya hindi lumusot ang pag-atake ni Zoro. Sunod na umatake si Gwapong Marine gamit ang kanyang energy ball. Tumilapon si Zoro at nawasak ang kanyang gintong baluti. Nang bumagsak siya, si Ranth naman ngayon ang tiningnan ni Gwapong Marine. Alam na ni Ranth na siya naman ang isusunod nito.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon