36. Ydann Of Kamote

130 2 1
                                    

Side story kay Ydann...


Nang siya ay umalis sa palasyo, naghasik siya ng lagim sa Toy Kingdom. Pinamigay niya yung mga laruan sa mga bata... Nang maubos yun, siningil siya ng may-ari. Inaway ni Ydann... Nag-imagine kasi siya na siya si Santa Claus nang mga sandaling iyon. Sa kasamaang palad, ginulpi siya roon, pinatalsik. Nabugbog siya ng husto kaya dinala siya sa kamote hospital. Nagamot naman siya dun kaso nabored siya. Wala kasing nakaalalang dumalaw man lang sa kanya. Yung boarding haus niya pala may ibang tao na naglilinis... Nasukahan kasi niya yung silid niya nung minsan siyang uminom ng kamote wine isang case nang mag-isa.. Nalungkot masyado si Ydann... Dumami yung kanyang problema, sa trabaho, sa kaibigan at sa pamilya.

Hindi na niya makayanan ang pinaghalong problemang iyon. Dagdag pa ng kamote virus na kumalat na sa kanyang utak. Hindi na pala basta-basta matatanggal ang sakit na ito. Dapat na siyang malunasan.

At dahil sa kalungkutan, kinuha niya yung isang pakete ng sleeping pills at nilunok yun lahat. Dala ng kapraningan, nagwawala siya sa loob ng palasyo... Tinaekwando niya yung mga nurs at doktor hanggang sa unti-unti nang tumalab yung sleeping pills... Nasobrahan siya sa dosage, nagsasalita ng tulog, lakas niya ring humilik at kung minsan nagsisleep walk.

Namonitor kasi siya sa cctv.

Nakapagdecide yung management ng kamote hospital na ilipat na lamang siya sa kamote mental hospital. Dun mas masupervise pa ang kalagayan ni Ydann.

Sa ospital na yaon nakatagpo siya ng mga kaibigan. Naging matalik niyang kaibigan si Sisa... Ang ina nina Crispin at Basilio. Naging panatag ang kaisipan ni Ydann dahil sa pagbabasa niya ng bibliya sa Binu kaya unti-unting humina ang kanyang virus sa loob.

Minsan, nang magmeryenda ang mga baliw, kasama sina Ydann at Sisa, kumakain sila nun ng honey coated kamote.

Ewan, mukhang may epekto sa utak ni Ydann ang pagkain niya ng kamote... Nagwild siya bigla... Gusto niya pang kumain ng kumain ng kumain ng kumain... Paulit-ulit sa kamote. Halatang naaadik na siya sa kamote. Dahilan dito para siya ay turukan ng pampakalma. 

Pagkaraan ng ilang oras, kinuntyaba ni Ydann si Sisa, tatakas daw si Ydann at maghahanap ng kamote. Nakakaramdam kasi siya ng kakaibang sigla kapag nakakain siya nun. Dahil may pusong martir si Sisa..tinulungan niya ang kaibigan na makatakas sa mental hospital.

Tinakpan nila ng balahibo ng manok yung lente ng cctv.

Tulog lahat yung bantay sa ospital. Nakatakas si Ydann. Niyaya niya si Sisa pero nagpapaiwan ito... Di na siya napilit ni Ydann kaya solo siyang gumala sa labas...

Wala naman siyang perang dala pambili ng kamote kaya naisipan niya nalang na magnakaw. Naenhance na pala niya yung amoy ng kamote kaya nasusundan niya iyon kahit nasa isang kilometro pa ang layo... Ang astig ng ilong ni Ydann.

At yun nga ang kanyang ginawa hanggang sa maengkwentro niya sina Aikie at Arlyn.



Sa palasyo, nakarating kay reyna Lor yung balita tungkol sa nangyari kay Ydann. Dapat niyang aksyunan ito. Pinagpaliban na muna niya yung paghahanap sa mahal na hari... Pinagkatiwala niya na sa royal knights ang misyon na yun.

Una niyang pinasearch sa mga scientist ng palasyo ang lokasyon ng ibang kaibigan ni Ydann. At ilang sandali pa ay nakuha na nila ang resulta.

Ayon sa Google map, ang kinaroroonan ng mga kaibigan ni Ydann ay nasa: Brian - Dabaw, Hero - Trece Mertires, Shin - Bohol, Seon - Dagupan at Jazz - Kidapawan.

Pagkatapos, kanyang inutusan sina Angelica at K3U na magpakalat ng liham sa taumbayan. Binroadcast nila sa telebisyon ang Kamote Amazing Race na ito.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon