123. Kamote Gate Engine

36 0 0
                                        

Ang mga kaganapan sa Kamote Avenue...


Nagkita-kita na ngayon ang tatlong estudyante na sina Rei, Uel at Girlie kasama ang guro nilang si Paulene sa may Casino na may mga taong tinatayang nasa 5 thousand. Ganito karami ang mga taong nagsusugal bagaman legal naman na ito sa ganitong lugar. Napakaepic naman ng lugar na ito kung gayon.

"Mantakin bang pati elementary pupil pa ay naglalaro rin ng ruleta?" Naamaze si Girlie sa nasaksihan niya. Nasa loob na sila ngayon ng casino. Pansin din nila yung matandang nakawheel chair na aktibo pa sa bilyaran. Sa labindalawang Isda Invaders nalang na natitira sa nasabing lugar, anim sa mga ito ay nasa loob na ng casino ayon sa robot na ibon ni Uel. Pero sa mga sandaling ito ay hindi pa naman nagkakaroon ng kaguluhan. Hula nila, tila nakikisalamuha pa yata ang mga kalaban sa mga tao o para bang meron silang ibang plano bukod dun? Magkaganunpama'y kailangang mapuksa na lahat ng mga kalaban. Kaya n'yo yan mga Kamote Keepers.


"May ideya ba kayo kung papaano natin mapapaalis ang mga tao rito?" Anang si Paulene.

"Tinatanong pa ba 'yan Ma'am?" Nakaismid pang sinabi ni Girlie sabay sigaw ng, "TAKBO!! MAY BOMBA RITO!!"


Todo kung magpanik naman ang mga manunugal at mga empleyado sa nasabing casino mula nang may marinig sila ng bomba. Napansin din ng mga bida ang pagdating ng mga lalaking nakablack toxedo na may hawak na armas at may mga k9 pang kasama. Nagpalingun-lingon naman si Uel na baka sakaling matiyempuhan niya ang mga Isda Invaders. Hindi nga siya nagkamali, may lumitaw na isa mula sa ikatlong palapag na nakaagaw-pansin sa ibaba. Kaagad siyang pinaputokan ng mga armadong lalaki subalit masyadong mailap naman ang halimaw na umiwas sa bawat pagputok ng mga ito. Sumunod na rin sa paglabas ang iba pang mga Isda Invaders galing sa iba't-ibang daanan ng gusali. Kanilang hinarangan yung mga nagpapanik na mga tao saka kanila itong inatake. Nakalerto naman ang tatlong bida para gampanan ang kanilang misyon at...


"""Gate Open !!!""" Sabay nilang sabi saka nagbago na naman ang kanilang mga mata alinsunod sa kanilang kapangyarihan. Naghiwalay sila sa kanilang direksyon hanggang sa makaharap na nga nila ang mga halimaw.

"Hoy ikaw! Harapin mo akong pangit ka!" Sigaw ni Girlie sabay turo pa sa kalaban.

"Ang sakit mo namang magsalita, bakit, ang tapang mo namang kausapin ako?!" Sabi pa ng Isda Invader. Nasa bandang lottery machine sila ngayon.

"Hangin, kumalat ka, twister wind !" Papose kung makatira si Girlie gamit yung kanyang hangin. Tumama ito sa halimaw at ito ay natangay nito hanggang sa tuktok ng gusali.

"Archive activate !" Ang sabi ni Uel. Ito yung gamit niya na naglalabas siya ng sandata na nagpuproject sa kanyang harapan. May options doon kung ano ang mas effective na gagamitin na panlaban sa kaaway. Sa tatlong sandata na nagpop-up ay pinili ni Uel na gamitin ang chainsaw... "Katapusan mo na halimaw ka!" May pagbabantang sabi ni Uel.

"Hindi ako takot sa bagay na yan kaya matakot ka na!" Sabi naman ng isang Isda Invader ngunit kitang-kita naman na nanginginig siya sa takot. Sila ay nasa front desk reception area na naglalaban.

Sa kabila naman, si Rei ay napunta sa main exit na kung saan may pinakamaraming tao na nagsipaglabasan. Ginuide niya ang mga ito sa pag-alis hanggang sa surpresa namang umatake ang Isda Invader sa di kalayuan nang walang pasabi. Napalingon naman si Rei kung saan nanggaling yung pag-atake ng Isda Invader.

"Brahaaak!" Napasigaw si Rei nang tamaan siya ng sipa ng isang Isda Invader na iyon. Pinaglihi kaya sa tanga si Rei? Siya lang kasi yung laging natatamaan ng kalaban eh.

"Hehehe, kayo pala ang nagpasimuno sa kaguluhang ito eh samantalang nananahimik lang naman kami rito kanina ah." May punto rin sa sinabi itong Isda Invader na ito.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon