Kamote Nexus movie
K3U music effects: ( jesus takes the wheel ) tenenen ten ten tengtengteng
"Bwahahahaha!" Ang halakhak ni Abetta. Nabaling sa kanya ang pansin ni Colgate.
"At bakit ka tumatawa?" Iritable niyang tanong.
"Natutuwa lamang ako sa mangyayari. Pagpasok nila roon, may inihanda akong surpresa na tiyak na ikagugulat nila." Ang sagot ni Abetta, biglang naging laser ang kanyang mga mata nang tumutok ito sa tali hanggang sa nakalagan niya ang sarili. Pagkatapos ay saka siya lumapit kay Colgate at minasdan ang tinamong sugat nito.
"Masusulusyonan mo ba ito?" Tanong ni Colgate.
"Titingnan ko." Pagkuwa'y malahealing priest namang sinubukan ni Abetta na gamutin ang sugat ni Colgate. Makaraan ang ilang saglit ay saka naman itong naghilom.
"Maraming salamat. Ngayon ay oras na para sa round two. Sa pagkakataong ito, sila naman ang patutumbahin ko." Pangako niya sa sarili. Ngiti naman ang pinukol dito ni Abetta.
————————————————
Samantala naman, ang grupo ni Prinsepe Jazz ay nasa point d na. Nakikita pa rin sila sa loob ng cctv. Abala na ang mga scientist kung papaano sila huhulihin. Nagset na sila ng mga patibong ngunit hindi naman iyon umubra sa kanila hanggang sa marating na nga nila ang kinalalagyan ng spaceship...
"Intruders! Alert, alert!" Sigaw ng isang scientist. Nagpanik ang lahat, may mga armas ang bawat isa sa kanila saka itinutok sa mga bagong dating pero hindi naman sila pinansin ng mga ito.
"Huwaaaaw! Ang laki naman pala ng kanilang spaceship!" Nganga sa mangha si Seon, "Biruin nyo, nagkasya sa building na ito ang ganyan kalaking sasakyan?"
"Oo nga." Sang-ayon naman ni Ydann, "Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Mas nakita ko pa ito ngayon sa malapitan di tulad ng inaakala ko."
"Ano kaya kung magpicture-picture tayo sa may spaceship?" Suhestiyon ni Shin. Sa sinabi niyang iyon, humakbang siya ng tatlong beses nang biglang may pumutok malapit sa kanyang paanan. Saka pa lang nilang napansin ang mga scientist sa paligid. Makalate reaction naman to.
"Ay! Nandiyan pala kayo?" Gulat pagbati ni Hero sa mga ito.
"Diyan lang kayo! Huwag kayong lumapit sa spaceship kung gusto niyo pang mabuhay." Banta well ng extrang scientist.
"Hindi kami nagbibiro... Talagang mapapahamak kayo." Dagdag pa ng isang scientist.
"Guys, alam niyo na ang gagawin." Ipinaubaya na ni Prinsepe Jazz sa kanyang mga kasama kung ano ang gagawin. At pagkatapos, sabay-sabay nilang sinugod ang mga kalaban.
Magpapaputok na nga sila, hindi pa asintado... Palibhasa yun ang unang beses na makahawak sila ng armas, utos kasi iyon ni Colgate kanina sakaling makarating ang mga tagakamote sa lugar na ito. At dahil nga hindi sila bihasa sa paggamit nito, agad din itong sinira ng mga Kamote Clubsters.
"Parang-awa niyo na, huwag niyo kaming sasaktan... Mga scientist lang kami..." Pagmamakaawa ng isang scientist na nakaluhod pa sa harapan ni Seon. Siya ang huling scientist na binawian ng baril.
"Ang tatapang niyo kunwari kanina, nahila rin pala ang buntot." Yabang ni Seon.
"Ikaw, matagal ka na bang nagtatrabaho sa laboratoryo rito?" Nilapitan ni Prinsepe Jazz yung isang scientist at kinausap. Tumango naman ito... "Kung ganun ay sabihin mo sa amin ang naging papel mo sa laboratoryo."