109. Catch That Kamote

44 1 0
                                    

Nissy: Hindi pwede yun! Hanggang ganun nalang ang pagkatalo ko? Ni hindi man lang ako makapaghand to hand combat sa laban? Hindi ako papayag dun!! Inisahan nila ako kung kaya bilang ganti, ibubunyag ko sa mga readers ang susunod na mangyayari! Humanda ka Brian boy dahil isisiwalat ko sa mga readers ang mangyayari na hindi mo pa nasusulat! BWAHAHAHA!!!


Brian: Magtigil ka nga riyan. Tapos na ang eksena mo Nissy. Tanggapin mo nalang ang pagkatalo mo ok? Huwag ka ng sumingit sa kabanata. Bakit ka naman makikialam eh tapos na ang eksena mo? Alis na talunan uy! Tingin mo pakikinggan ka nila dahil d'yan sa instinct mo? Para sabihin ko sa'yo mas accurate kaya itong alamat ko kaya, shoooo tsupe!


Nissy: Tumahimik ka nga pangit! Ni hindi nga tayo naglaban sa last chapter eh. Gusto mong masubukan kung sino yung mas kapani-paniwala magkwento sa ting dalawa? 


Brian: Bakit naman kita lalabanan? Kung ikaw yung counterpart ko, ayon sa alamat wala ka ring kapangyarihan tama ba ako? Ay sorry, naispoil pala kita. Wala nga pala akong panahon para makipagbangayan sa yo buong araw. Busy kami rito.


Nissy: Errr gaganti ako sa inyo tandaan mo yan! Yun ang sabi ng instinct ko!!!


Brian: O sige na, sige na, umalis ka na Nissy. Itutuloy ko pa yung kwento eh. Huwag mo ng pangaraping gumanti dahil hindi kita hahayaang ibunyag mo ang magaganap sa kwento.


Nissy: Duwag ka naman pala eh. Pangit pangit pangit malaki eyebags dry skin pa ubod ka ng pangit!


Brian: Libre lait Nissy, kung iyan ang ikaliligaya mo. Haha o siya, dyan ka na at magkukwento na ako sa chapter 109.



Umepal na naman si Nissy kay author. in
all fairness naging effective ang pagkakontrabida niya. O siya, itutuloy na natin ang kwento ha.

Basa.


"Buksan ang pinto ng scales, Libra Kamote!" Tawag ni Ranth. Kalaban niya ngayon si Sunako.

"Isda agimat ng isdang baboy!" Gamit naman ni Zaidac.

"Tsk! Para lang akong nagsasayang ng oras nito pero sige, bigyan n'yo ako ng isang magandang laban." Ang sabi naman ni Sunako sabay tutok ng kanyang espada sa dalawa.


Si Libra Kamote ay may kakayahang bumalanse ng gravity at kaya niyang manipulahin ang gaan at bigat nito habang ang isdang baboy naman na agimat ay may kakayahang magpalabas ng mala-laser beam na mula sa mga mata ng gagamit dito.

Si Sunako naman ang counterpart ni Haru. Meron siyang kakayahang maglabas ng malakas na ispiritu mula sa kanyang espada na zanpakuto na katulad ng kay Haru. Kung si Haru ay nakuha ang kapangyarihan dahil sa wonder kamote version 3.0.0, si Sunako naman ay nakainom ng katas mula sa sagradong isda na bigay sa kanya ni Gwapong Marine nung magbakasyon ito sa Iraq. 

"Magpakita ka, Sensui Isda!" Tinawag ni Sunako ang pangalan ng kanyang zanpakuto at agarang nagbago ng anyo ang normal niyang espada.

Nagtagisan ang tatlong makapangyarihang lakas sa palasyo.


Erick sound effects  -  shing shang shung  -


Malakas yung isda power ni Sunako dahil na kaya niyang tapatan ang pagiging isdatalisman ni Zaidac. Inilabas na rin ni Ranth ng sabay sina Capricorn Kamote at Scorpio Kamote upang makalaban si Sunako. Nagtataglay pareho ng malalakas na kapangyarihan ang dalawang kamote spirits ni Ranth kung kaya't lalo pang ginanahan na makipaglaban si Sunako.


Samantala naman, habang patuloy na naglalaban sina Yemjee at Stix ay nakatakas na sina Zoro at Roy. Pumasok sila sa isang kwarto pansamantala para makapagbihis na muna si Zoro. Grabe kasi yung dinanas niya sa kamay ng dalawang ladyguards na iyon. Tinanggal niyang lahat ng nakadikit na candle wax sa kanyang katawan. May nakaw tingin pa si Roy habang naghihintay dito.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon