120. Linking Kamote

30 0 0
                                    

The story so far...

Nang mahuli ng mga Nexusians si Gwapong Marine, ang Isda Kingdom ay nagkaroon ng panibagong lider na papalit sa kanyang pwesto pansamantala at ito ay si Steve. Ang plano, gagawa sila ng gulo sa Kamote Kingdom habang isinasagawa ang paglilitis ng mga Nexusians kay Gwapong Marine upang mahati ang atensyon ng mga tao sa gulo. Pinadala ni Steve sina Stix at Rain sa Kamote Avenue na may napakaraming tao kasama ang dalawampung mga Isda Invaders. Ang paghahasik nila ng kaguluhan ay nagsimula na. Samantala, sa korte naman ay isa-isa ng tinatanong at pinagtatalunan ng dalawang kampo ang utak sa kamote barrel scam na si Gwapong Marine at sa kamote whistle blower na si Griezel. Sila ay ipinagtatanggol ng kanilang attorney na si Aeonne at sa private investigator na si Ydann. Dumating na rin sa eksena si Trams, isa sa T-brothers. Ano na kaya ang mga susunod na mangyayari? Mabuti pa alamin na natin kaya...


BASA



At hayun! Hindi pa man natatapos ang pagdinig sa kaso, may kanya-kanya na agad na opinyon ang taong bayan kaugnay sa pagkakasangkot ni Gwapong Marine sa kamote barrel scam. Yung mga radio commentators ay may kanya-kanya ng pahaging ukol sa kamote barrel scam. Mabilis namang kumalat sa mga social media ang naging pag-uusap ng mga husgado kina Gwapong Marine at Griezel. Dinagsa sila ng mga meme na puro katatawanan. Hindi pa man natatapos ang pagdinig sa kaso, naging abanse naman ang mga mamamayan sa kahihinatnan sa kaso. Malakas kasi ang ebidensya eh.

"Gusto mo bang iparinig ko sa lahat ang mga taong pinangalanan ni Shin habang kami ay nag-uusap sa telepono?" Ang tanong ni Trams kay Gwapong Marine, ito yung karugtong sa kabanata 119. Binigyan lamang siya ng maamong tingin ni Gwapong Marine.

"Your honor, a recorder cannot be an evidence since there's a lot of edited recorder for the sake of truth and lies. This can be harm for my client." Pumagitna na naman si Aeonne.

"So, nais mong ipamukha sa akin na gawa-gawa ko lang ang recorder na ito?" Tinumpok ni Trams ang nais na iparating ni Aeonne.

"Imposible yan your honor dahil hindi ugali ng isang abogado ang gumawa ng pekeng ebidensya... Labag yan sa Kamote Law!" Pagtatanggol naman ni Ydann. Tumango naman si Senate President kaya tuloy pa rin ang paglilitis. Subalit,

"O sige, ganito nalang, magkakaroon tayo ng kaunting energizer." May naisip na ideya si Trams, "Simple lamang ang mechanics, kailangang masagutan ito ng magtatanong dahil kung hindi ay isasabak natin ito sa malamig na yelo. Tatawagin natin itong, ice bucket challenge."


All: Ice bucket challenge?

Hindi na kasi uso yung "pabili ng ice, yung kamote flavor" ni Trams kaya nagbago na siya ng gimik na papatok sa korte, ang "ice bucket challenge." Wala pa man ay may kakaiba ng nararamdaman si Gwapong Marine nang marinig niya ang ice bucket challenge na ito. Si Gwapong Marine ay hindi sanay sa malamig. Takot siya sa yelo at sa napakalamig na temperatura. Kaya naman napakamahal niya si Prinsesa Maricon at hindi niya binibigyan ito ng ikagagalit o ikasusumpong nito. Sa oras kasi na magagalit si Prinsesa Maricon, hindi nito makukontrol ang kapangyarihan nito na gawing yelo ang paligid. Ito ang bagay na iniiwasan ni Gwapong Marine.

"O ano na, bakit hindi ka pa nagsisimula?" Naghihintay pala si Trams sa sagot ni Gwapong Marine.

"Ang galing, naisip pa talaga yon ni Trams? Takot nga pala sa malalamig ang hari ng Isda!" Ang sabi ni Ydann.

"Objection, that's against the rules." Singit ulit ni Aeonne.

"Ikaw ha, kanina ka pa papansin eh. Gusto mo lagyan ko ng packaging tape 'yang bibig mo?" Nairita na si Trams sa pakikialam ng kabilang kampo. Napepe naman si Aeonne pagkatapos nun. Si Gwapong Marine ay nasa processing pa rin kung tatanggapin ba niya ang hamon o hindi.?. Ano kaya ang kanyang sasabihin?



Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon