102. Kamote Zodiac And Isda Zodiac

43 1 0
                                    

Sa pag-uutos ni Roy, nagkalat sa buong palasyo ang mga kawal upang hanapin ang mga pinapagamot ni Zaidac at para hulihin na rin si Brian na sa pagkakaalam ng lahat ay si Zoro. Nagtungo ng control room si Roy at hinanap sa cctv ang mga bida. Nang makita niya ang mga ito ay agad niyang binalaan ang mga kasama niya na hinahanap na sila ng mga kawal.


"Hindi ako naniniwalang gusto niya tayong iligtas." Pagtanggi ni Zoro. "Makalabas man tayo rito ay mahuhuli pa rin naman nila tayo sa dami ba naman nila."

"Sana maintindihan mong kinailangan ko yung gawin dahil nakamasid sa akin si Bossing Sirchief kanina." Pagkumbaba ni Roy. "Alam kong nagdamdam ka sa akin Zoro, ipagpasensyahan nyo sana ako ni Mavs."

"Naiintindihan naman kita Roy kaya wala kang dapat na ipagpaumanhin." Napakamaunawain ni Ranth sa kanya.

"Tsch." Yun nalang ang sinabi ni Zoro at hindi na muling nagsalita pa.

"Mag-usap tayo Roy. Dapat magkasundo ang ating mga plano para hindi na umabot sa ganito." Ang sabi ni Brian.

"Sorry Ralph kung naging mabilis ang aking pagpapasya. Hindi ko kasi inakalang kakampi mo na pala si Zaidac at magkasama pa kayo. Inutusan ko ang mga kawal na tugisin ka at upang hanapin na rin si Zaidac dahil nakita siya ni Aeonne na nagdala kina Mavs at Zoro." Mahabang paliwanag ni Roy.

"Sumbongera." Si Aeonne ang tinutukoy ni Zaidac.

Brian: ( insert laglag panga face ) Ako? Ako talaga ang huhulihin? Baka naman mas grabe pa ang aabutin ko kina Mavs Ranth at Zoro-chin sa oras na mahuli ako. Gumawa ka naman ng paraan Roy.

"Ako na ang bahala sa mga kawal kaya dumito ka nalang Brye. Hindi ka masasaktan." Pabilib effect naman ni Zaidac. "Dahil nasa control room ka na Zhero, pwede mo ba kaming tulungang makahanap ng ligtas na lugar dito?"


After 10 seconds...

"Roy?"

"Roy?"

"Andyan ka pa ba Roy?"

"Nakita nyo na? Hindi talaga tayo tutulungan ng tuso na yan! Binibilog niya lang ang ulo natin!" Idiniin talaga ni Zoro na kalaban nila si Roy.

"Sa tingin ko parang in-off niya yung intercom. Ibig sabihin nun may hindi inaasahang tao ang nagpunta sa kinaroroonan niya." Sabi ni Zaidac.

"Yun nga rin ang iniisip ko." Sang-ayon si Brian, "Kung sinuman ang taong iyon, sana malusotan yon ni Roy.

"Kailangan na nating umalis." Agad na naging alerto si Zaidac sabay tingin sa dalawa, "Kaya n'yo na bang tumakbo?"

"Siyempre naman, genius kasi ang gumamot sa amin." Buong pagmamalaki naman ni Zoro. Napamulahan na tuloy ng mukha si Dr Shineley. Ang grupo ay nagpasya ng umalis para makahanap ng ligtas na lugar.



Samantala naman, totoo nga kaya ang hula ni Zaidac na may iba pang pumasok sa control room maliban kay Roy? Kung ganun, sino siya?


"Sino ka?" Pati si Roy hindi rin kilala ang taong ito.

"Ang secretary ng palasyo, ako si Nissy Amane." Pakilala naman nito. "At ano naman ang ginagawa mo sa control room? Ah, wag mo na palang sagutin... Ayon sa aking instinct, naparito ka para balaan ang mga taong pinaghahanap ngayon ng mga kawal tama ba ha Astrox Zhero?"

"H-hindi. Sa katunayan niyan nandito ako para i-lead ang mga kawal kung saan na ngayon ang mga kalaban." Pagsisinungaling naman ni Roy.

"Ganun ba? Yun nga rin sana ang gagawin ko kaya ako nandito. Tutal nandito ka na rin lang naman, ba't di mo gawin yung sinasabi mo kanina?" Nanghahamong sabi ni Nissy.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon