10. Kamote Villains

211 5 0
                                    

Atin na munang kumustahin ang T-brothers...

Sa kanilang kuwarto, may napapansin sina Trams at Brian sa kinikilos ni Ydann nitong mga nakaraang oras. Lagi nilang nakikita na nagsasalitang mag-isa si Ydann, laging mugto, nagmumukmok at kung minsan wala sa sarili. Sinubukan nilang kausapin pero iba naman ang sinasagot. Ano nga kaya ang dahilan ng pagbabago ng ugali ni Ydann?


( flashback scenes )


Remember nung bumuga ng masamang hangin si Shinbot sa Kamoteville? Nung time na tinatangay ng hangin ang mga kabahayan? Yung kumapit sa poste sina Ydann, Brian at Trams upang di tangayin?


Kung oo ang sagot n'yo, may nangyari nun na hindi n'yo alam at mas lalong wala ring alam si Ydann.


May kamote virus palang kasama dun sa hanging ibinuga ni Shinbot nung mga panahong iyon. Sa kasamaang palad, natamaan ng virus na ito si Ydann nang di niya napapansin.

Ang kamote virus ay may kakayahang paganahin ang negative senses ng tao. Hindi naman ito malubhang sakit, panandalian lamang ito. Sa kaso ngayon ni Ydann tila...



"Uy! Dan, bakit may dala kang maleta? San ka pupunta?" Taka si Trams.


"Wag nyo kong kausapin!!" Nanlilisik ang mga mata ni Ydann. Nakasuot siya ng t shirt na may print na 'Gago ako, unfriend nyo ako.'


Brian: ...


"Hoy! Huwag ka ngang tumalikod, napano ka ba at bigla ka nalang nagkakaganyan?" Alalang sabi ni Trams.


"Bobo ka ba? Hindi ka ba nakakaintindi? Wag nyo nga akong  pakialaman!!!" Nagsalubong na ang kanyang kilay.


Brian: ...




"Ok fine. Umalis ka! Aalis na rin ako, wala ng saysay ang grupo na to! Ang mabuti pa, buwagin na natin ang T-brothers!" Galit na rin si Trams.


Brian: :-O



"Magkanya-kanya na tayo. Mula sa araw na to, patay na ang T-brothers." At lumabas na nga si Ydann. Malakas ang pagkakasara niya ng pinto.


"Brye, babalik na ako sa Negros. Pakisabi nalang sa mahal na hari na magpapakabusy na ako saking bagong trabaho. Ikumusta mo na rin ako kay Bff pagbalik nila." Bilin ni Trams, buo na ang kanyang desisyon.

"Ok, ingat ka." Ang tanging sagot ni Brian.

Haayyy saklap ng nangyari sa T-brothers. Sino na ngayon ang kukuha sa golden kamote?



Balik muna tayo sa karagatan kung saan naglalayag ang Rangers kasama si Haru lulan ng yate na kayganda.

Masaya silang nagkukwentuhan.

Napag-usapan lang naman nila yaong ginawa ni prinsepe Jazz sa intro ng kwento... Nagsumikap si prinsepe Jazz na ikalat ang kasikatan ng Kamote Club room sa Smartnet. Ito ay umabot ng higit sa 3k likes, ito ang record holder sa kasaysayan ng smartnet. Meron palang magandang hatid ang paglayas niya sa palasyo.

Si Haru? Oo naman, nagbahagi rin siya sa kanyang kwento... Siya ay nakatira sa Kamote City, malapit na kaibigan ng Kamote Kingdom. Ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa Kamote Island ay hinamon kasi siya ng Mayor ng Kamote City kung kaya niya bang iahon ang lungsod sa kahirapan.

Ang siyudad ng Kamote ay sagana sa kabuhayan, malakas ang kinikita nila sa pagtatanim at pagbebenta ng kamote. Kaya lang, nitong mga nagdaang mga araw, humina ang kalakalan ng kamote sa kadahilanang pinutakte ang kanilang taniman. Ang paraan lamang upang makabangon ang lungsod sa kahirapan, kakailanganin nila ang wonder kamote healty version na matatagpuan lamang dito sa isla ng kamote. Hindi kasi tinatablan ng insecticides ang mga putakte na salot sa pananim.

Ang Mayor o mas kilala sa tawag na Kamotekage ng lungsod ay hinamon ang mga kalalakihan na pumunta sa Kamote Island. Ang sinumang makakapagbigay sa wonder kamote na ito ay ipapakasal sa anak niya na si Iyrah. Isang malaking sugal yun para sa mga kalalakihan sapagkat alam ng lahat na mapanganib ang nasabing isla. Kaya naman, itong si Haru ay nangahas na pumunta para hindi mapupunta sa mga patapong lalaki lang ang matalik niyang kaibigan. At pagkatapos,


"Clap!" "Clap!" "Clap!" "Clap!" "Clap!"...


Standing ovasion ang Kamote Rangers sa kwento ni Haru. Ilalagay daw ito ni Gal sa kanyang blog ang kabayanihan ni Haru para sa matalik na kaibigan. Siguradong ila-like ito ni Iyrah pag nabasa niya na may kasamang  *sana totoo itong sinusulat ng may-akda*


Ay! Mukhang napasarap yata ang kwentuhan, lumampas sila sa Kamote City. Balik ulit sa ruta. Dumaong na ang yate sa pantalan. Bumaba na si Haru at nagpaalam na sa mga bagong kaibigan. Nawa'y maiaahon sana nila ang siyudad ng  Kamote.




Teka, asan na yung sinasaad sa chapter na mga villians? Atat na ba? Heto na po sila...


Sa lugar na kung tawagin ay Isda Kingdom, dito nakatira si Sirchief, o ang Gwapong Marine. Siya ang pangunahing kontrabida sa kwento na kalaban ni haring Hero at ng Kamote Kingdom. Kung inyong napapansin na ang mga kalaban ay puro isda, yes, mga isda po yung kalaban. Wag nyo isali yung kamote minions, aksidente lamang yon ni Scientist Shineley.


Yung tungkol naman sa kanyang mga galamay, ang kabuan niyan, meron siyang tatlong galamay. Isa na rito si Astrox Zhero na naipakilala na. Yung dalawa naman ay ipapakilala na sa hmmm kung tatagal ang kwento na to.

Yung tungkol naman kay Shin, hindi ko pa masasabi kung kontrabida siya. Meron kasi siyang sariling dahilan kung bakit gustung-gusto niyang makuha ang golden kamote. Sa Bohol kasi siya nakatira at napasama yung lugar nila sa nakaraang bagyo.

Si prinsepe Bubblegum nagkakainteres din sa golden kamote.

Wala lang, nagpapasikat lang siguro. Ano tuloy napala niya, nakaratay sa ospital. Pasalamat siya may tsansa pa siyang mabuhay. 

Eh si Ydann naman, magiging kontrabida na rin ba siya gawa ng pagkaroon niya ng kamote virus nang di niya nalalaman? Hay naku! Iba yan magalit si Ydann, nangmumudmod ng mga laruan sa mga bata sponsored by Toy Kingdom.

Bakit nawala sa ere si yaya JL? Pano pa siya magyayaya kung nasa Malaysia ang kanyang alaga.?.  Nagbabantay na yun ngayon ng business ng kanyang hubby. Mga customize kamote ang business nila, mga school supplies kamote, kamote toys, tshirt at marami pang iba.


Eh si Trams kaya, hindi na ba siya babalik? Ewan basta nagpapalamig lang yon ng ulo. Buti pa si Brian, wala pang problema. Maging siya nga hindi alam kung ano ang layunin niya sa kwento. Alam kaya ng mambabasa?


Magtungo na tayo sa Isda Kingdom.




Pumasok sa palasyo si Astrox Zhero.

Hindi siya nagpakalunod nang wagas.

Nakita niya si Gwapong Marine na naglalaro ng gameboy. Naghatid siya ng masamang balita sa bossing niya. Nakuha ng Rangers ang wonder kamote na dapat sana hahadlangan niya. Ang resulta, nabigo siya.


Pagkarinig nun, binato siya ng gameboy ni Gwapong Marine. Pigil naman ang tawa ng dalawa pang kontrabida sa kwento.

"Yan, hindi ka kasi nakikipaglaban, umaasa ka lang sa Geass mo." Sabi ni Kontrabida 1.

"Tsk." Si kontrabida 2.


"Di bale, may naisip na ako para sa ating susunod na kilos. Humanda ang mga Kamote!" sabi ni Gwapong Marine.

Next chapter, ang plano ng mga kaaway. Abangan.

KAMOTE NEXUS

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon