20. Night Of The Kamote

170 1 0
                                    

"Thank you so much for that lovely performance." A highly preach by Jana, "Did you enjoy their performance guys?"

"YEAH!!" The crowd shouted.

"And now let us hear the comment of the one and only, Miss Vice Ganda!!!"

"Eheem." Tumahimik ang madla... "Sa nakikita kong apat na pares na naglalaban dito sa palaro na ito, sa inyo ako humanga." ( palakpakan ang mga tao )...

..."Biruin nyo, nagawa nyo ng tama ang inyong mga kilos, hindi kayo nagsasapawan... Di ba, para mas lalong maintindihan ng mga manunood." Paliwanag ni Vice...

..."Tsaka, ang galing ng gumawa ng kwento na to, isinama pa talaga ang mga powers ng anime ha... Adik yata sa anime ang gumawa neto." Patuloy ni Vice.

Ahm Vice, kamote show po ito, hindi ukrayan... Wag mo idamay si author dyan... Magcomment ka na nga lang.

"At dahil sa galing nyo, lilibre ko kayo ng ticket para sa aking tour to Singapore... Magtatanim kami ng mga kamote roon at ipupromote ang bagong kamote na may sipa ang lasa. Punta kayo ha. Sana magustuhan nyo ang score na ibibigay ko... Congratulations sa mananalo."

Habang hindi pa naipakita ang score ay wagas kung makapagdasal si Shin na sana manalo ang kanyang pambato. Pati ai CM niya ay pinapadasal niya. Aba anong malay ng aso na magdasal?

At sa wakas, pinakita na rin sa lahat ang scores nina Death at Dhen...


Kamotedite: 8 - 7

Kamothena: 8 - 9

Kamote Jackson: 9 - 8

Vice Ganda: 3 - 2

Mula sa kaliwa ay kay Death at sa kanan naman ang kay Dhen. At malinaw na malinaw ang pagkakapanalo ni Death sa laban.

Napatayo si Shin sa sobrang tuwa. Parang siya yung nanalo, kinawawa pa niya ang buhok ni Krish sa pagsabunot niya rito.

Nagsipagpalakpakan naman ang mga tao tanda ng kanilang pagsang-ayon sa naging hatol ng mga hurado.

Nagising si Dhen. Kanyang binati si Death pero nagbanta na sa oras na gagawa ng kasamaan Death ay si Dhen ang unang una niyang makakabangga. May hinala na kasi si Dhen na hindi sa kamote nanggagaling ang kapangyarihan ni Death. Tumahimik lang din si Death na parang nakikiramdam sa agos ng kwento.

Sa backstage, nagkasalubong na rin sina Erick at ang babae kanina na papangalanang, Mary joy.

Talagang sabunot ang inabot ni Erick nang mga oras na iyon. Muling gumawa ng iskandalo si Mary Joy.

Inawat siya ng mga tao roon. Lumaki na rin ang kanyang boses dahilan upang magpatawag na ng pulis ang mga namamahala roon.

Nasa sulok lamang si Erick at ayaw ipalapit kay Mary Joy.

Ilang sandali pa'y dumating sa eksena si reyna Lor para mangumusta sa manlalahok. Bad timing ata kasi nagkaroon ng alitan dito.

"Anong kaguluhan dito?" Nasa mahinahon niyang boses. Walang sumagot dahil siya na rin mismo sumagot sa katanungang iyon, "Ahh naalala kita hija, ikaw yun kanina sa Tv di ba."

Nakaramdam tuloy ng pagkahiya si Mary Joy. Hindi naman kasi niya intensyon ang guluhin ang palaro ng mga kamote.

"Kasi po mahal na reyna, isandaang beses na po ako tinakasan nitong taong ito, ( sabay turo ni Mary Joy kay Erick ) malaki na po ang pagkakautang niya sa akin".

May lumapit na lalaki kay reyna Lor at may ibinulong... Pagkatapos, "Ahh ikaw pala si Mary Joy? Ang sinasabi nilang prinsesa ng pera?" Nasurpresa si reyna Lor.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon