18. Kamote Cards And Kamote Chips

180 3 0
                                    

Tinawag na naman ang presensya ng musikirang si K3U para mangulo sa pagdasal kasunod ay ang pagkanta sa pambansang awit.

Maya-maya pa ay binuksan na ang palabas...


"Good evening... Philippines..." Greeted Jana Carlie in a high pitch, "How's your night everyone?" People yield their answers. It's a sign that they're all okay. Then she thanks her sponsors for her outfit for tonight. She also mentioned her families and friends. And finally, the people behind this wonderful games. Before the tournament starts, again, she introduced the four judges; Kamotedie, Kamothena, Kamote Jackson and of course, miss Vice Ganda.


Palakpakan naman ang mga tao sa pagpapakilala sa mga hurado.

Bago ang lahat, nagbigay muna ng live performance dance number si Maja Salvador kasama ang mga showtime dancers.

Isang commercial break na rin pagkatapos.


Nang makabalik na ang Kamote of the Philippines, pinakilala na sa madla ang dalawang manlalahok, sina Transam at Erick.


Hiyawan naman ang mga kababaihan sa pagkakataong ito. pano ba kasi, ang dalawang hmmm ah, sige, mga guwapo lang naman ang maglalaban ngayon.

Unahin muna natin ang side story ni Transam, roll vtr...



si Transam ay siguro mabait. Hindi ko maekspres sa kanyang mukha ang kanyang pag-uugali dahil sa mga panahong ito hindi kami friends sa Smartnet.

Skinhead ang kanyang buhok pero may malagong balbas. Bilugan ang kanyang mukha, malaki ang kanyang mga mata pero may mas ilalaki pa ito kapag siya'y nagagalit.

Uhm, maputi naman siya at makinis ang kanyang balat. Halatang maykaya sa buhay. Kung sino ang nakakakilala sa kanya, mangyari lamang na itext nyo sa numerong ito... Hindi, biro lang. Parang naglalarawan lang ng suspek sa crime scene eh nu.


Sumali siya sa palaro upang ipakita sa lahat na hindi lamang siya magaling sa pag-uukit ng kamote kundi magaling din siya sa pakikilaglaban sa ngalan lang ng kamote. Kaya siya tinawag na Mavs Transam dahil isa siyang artist sa paglililok ng kamote. Kaya niyang makalikha ng palasyo sa isang kamote. Di ba napakahusay niya? San ka pa.

At siyempre, nasa audience seat lamang ang kanyang mga kaibigang sumusuporta sa kanya, sina Ranth, Haru at Iyrah.


"Papatayin kita kapag hindi mo yan ipanalo." May pagbabanta sa boses ni Ranth Heart.

"Relaks ka lang tol, wag kang kabahan." Cheer naman sa kanya ni Haru.

"Go Transam! Go!!!" Si Iyrah.

Nakangiti si Transam habang kumakaway.




"And now, his opponent, Erick! Lets see Erick's story." Said Jana. And his story goes like this...



Nakilala na siya sa mga nakaraang kabanata bilang tagabigay ng sound effects sa istorya.

At sa mga oras na ito, makikilala na talaga kung sino si Erick sa likod ng sound effects na ito.

Siya ang kabaliktaran ni Transam pagdating sa kanyang balat. Moreno nga ika nila. Tulad din nito, sa mga sandaling ito hindi ko rin siya friend sa Smartnet. Nyways, siya ay biniyayaan ng mataas na height na kahit nakahigh heels pa si reyna Lor ay hinding hindi siya mapapantayan. Basketbolista kasi si Erick sa barangay Kamote kaya ganun.

Specialty ni Erick ang sa computer cyberworld dun siya nagtatanim ng mga kamote. Ang Farmtown at Farmville ay mga pangunahing nag-aangkat ng binibentang kamote sa computer. Employee si Erick sa negosyong ito. Kaya siya sumali sa paligsahan ay para dagdag budget na rin upang palawakin ang pangangamote sa internet.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon