42. The Curse Of Kamote

133 2 5
                                    

Ganun na nga ang nangyari.


Tinapos ni Spider ang ibong Adarna nang walang kahirap-hirap. Bumalik na sa dati ang lahat. Ang mga bubog ay naibalik na rin sa ayos. Ito ay dahil sa hourglass na binaliktad ni Spider. Bumalik sa dati ang lahat. Nasa likod ng kastilyo na ngayon si Kaito kasama ang dalawang babae. Nagtaka rin siya kung papaano gumaling ang kanilang mga sugat.


Sabay na ring nagising sina Prinsesa Purple at Nanah.

Nakita nila ang paparating na si Spider. Sumenyas ito kay prinsesa Purple na ibigay na ang kamote crest sa karapat dapat. Pagkatapos nun, hindi na nila nakita pa si Spider.

"Kung ganun, hindi mo pa talaga naibigay yun? Akala ko kasi, nasa kay Nanah na yun." Gulat pa si Kaito.

"Ibibigay ko pa lang yun sa kanya, Kaito Kun."

"" ANO "" ??

"Ibig mong sabihin, ako ang napili mong hahawak sa kamote crest?" Di makapaniwala si Nanah.

"Ayaw mo?" May birong tono ni Prinsesa Purple.

"Ahm, siyempre, gusto ko. Makakatulong na rin ako kay kuya Ydann." Medyo nahihiya si Nanah. Napangiti na lamang si Kaito. Natanggap niya na ang kanyang pagkatalo. Alam din naman kasi niya na may nagawa siyang mali na di dapat sabihin.

"Heto na ang kamote crest," Ang sabi ni Prinsesa Purple sabay kuha ng crest sa kanyang bulsa. "Ito ang kamote crest of friendship. Nakita ko kay Nanah kung gaano niya kinahahalagan ang kanyang mga kaibigan. Meron din siyang tiwala sa mga ito. Hindi gaya ng isa diyan."

Napakamot na lamang sa ulo si Kaito. "Oo na, tanggap ko naman ang kamalian ko eh."

Sinuot na ni Nanah ang crest of friendship. Natapos na rin sa wakas ang 3rd pit stop. Ngayon naman, puntahan naman natin ngayon ang 4th pit, sa Davao.





Bumagsak sa basurahan sina Haru at Transam. Mali yata ang naging bagsak nila sa lagusan na ginawa ni Krish.

Nakatayo na si Transam. Nasa bibig niya pa yung napkin na may dugo. Nakatayo na rin si Haru. May mga maggots naman ang nagsikapit sa kanyang katawan. Pareho silang napatalon na may kasamang pandidiri.

"Anong klaseng basura ba ito, nakakadiri!" Ang sabi ni Transam.

"Narito na tayo sa Dabaw." Panimula ni Haru, "Matanong nga kita, kilala mo ba si Brian?"

"Hindi Pre eh. Ikaw?"

"Hindi rin. Pero nakita ko na siya minsan sa kanyang Facebook. Kapag makikita natin siya, madali ko na siyang mamunukhaan."

"Ano pala hitsura niya?"

"Hmmm... Wala siyang ibubuga. Mas gwapo tayo sa kanya."

"Magdahan-dahan ka naman sa pananalita mo Pre, yung author kaya ang hinahanap natin."

"Ganun ba? Oh sige, yung si Brian ba kamo? Naku! Walang kasing gwapo yun... Artistahin pa... Kawangis din ng mga hapon kahit hindi singkit ang mata. Di ba Brye?"


Ewan ko sa inyong dalawa. 

Galingan nyo nalang ang paghahanap sa akin.

Nyways, nasa malapit lang ng bahay ni Brian sina Transam at Haru. Ilang hakbang lang ay mararating nila ang bahay-kubo ni Brian. At dahil wala silang alam sa direksyon, mukhang mapapalayo sila ng daan. Maling daan kasi ang tinahak nila. Sinubukan nilang magtanung-tanong sa mga taong makakasalubong nila...


Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon